Epilogue

1.1K 23 0
                                    

WILD SEDUCTION: EPILOGUE


It was dark and stormy. Nakakatakot para sa isang dalagang gising pa hanggang ngayon dahil sa mga natirang gawaing bahay. Isang dalagang pumasok bilang isang kasambahay o katulong sa isang kilalang pamilya sa Maynila sa edad na labing-pito. Isinaayos niya ang flatiron board at ang mismong flatiron sa sala, at ang mga tambak na plantsahing damit pampasok ng kanyang mga amo.


"Tapusin mo na 'yan hangga't maaga pa, mas maagang kailangan 'yan nila Sir at Ma'am bukas. Matutulog na ako." Ani Felicidad, ang mayordoma ng pamilya.


Maamong tumango ang dalaga, "Opo. Mauna na pu kayo sa pag tulog."


Matanda na rin si Felicidad para manilbihan pa sa pangalawang henerasyon ng pamilyang ito, kaya mas mabuti kung mag papahinga na ito ngayon at ipaubaya sa mas bata ang ilang natirang gawain.


"Ikaw na ang bahala dito, kapag dumating si Sir Philip mag handa ka kaagad ng damit pamalit at ilan pang kailangan niya." Pahuling bilin nito.


"Opo... magandang gabi po."


Umalis ang matanda, at natira na lamang ang dalagang may pagod ng katawan. Nag-simula siyang mag-plantsa ng damit habang nililibang ang sarili mula sa nakakatakot na gabing iyon. Napapapikit kapag naririnig na humahampas ang mga punong kahoy sa isa't isa. Sa laki ng bahay hindi niya maiwasang maisip na may nakatingin sa kanya o may nanonood sa kanyang ginagawa.


Walang tigil ang malakas na ulan sa labas, at wala ding tigil ang malakas na kabog ng dibdib niya. Hanggang sa may isang taong pababa ng hagdanan. Bakas ang gulat sa mukha ng dalaga nang pagkamalang multo ang amo nitong babae.


"Lucy..." napahawak sa dibdib nito ang dalaga. "Bakit ginagawa mo 'yan ngayon?"


Hindi nakapag salita kaagad ang dalaga hanggang sa makababa ang amo niyang si Elizabeth Thompson ang asawa ni Philip Thompson.


"Kailangan po kasi maaga niyo pong kailangan 'to bukas para sa trabaho." Sagot ni Lucy."Pwede ka namang gumising ng mas maaga bukas, pero sige ikaw ang bahala nagawa mo naman na." Naupo si Elizabeth sa antique nilang sofa, na detalyado ang disenyo.

"Bakit po gising pa kayo?" natanong niya.


"Wala pa ang asawa ko, nag-aalala lang ako sa kanya. At saka kakausapin na rin kita sa bagay na bumabagabag sa akin."


Mahinhin at babaeng babae ang boses ng kanyang amo. May kaunting inggit na nadarama si Lucy dahil may taglay itong ganda na sa TV niya lang nakikita. Halata sa balat ni Elizabeth kung ano ang estado ng kanilang pamilya, sa kinis at puti nito hindi ka na mag tatakang galing siya sa mayamang pamilya. Sa pagkakaalam ni Lucy, nasa politika ang ama ng amo niya at marangya naman ang buhay ng pamilyang Thompson dahil may sarili silang negosyong pinapatakbo.


"Itigil mo muna 'yan, maupo ka muna at mag-usap tayo."


Sumunod kaagad si Lucy sa sinabi ng among babae. Binunot niya sa saksakan ang plantsa at inayos ito bago maupo sa tabi ng amo. Nahiya siya ng kaunti dahil sa bango ng kanyang katabi samantalang hindi mo malaman kung ano ang amoy niya. Pinaghalong pawis at amoy ng lumang damit.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon