Chapter Twenty-Nine

1.7K 28 2
                                    


CHAPTER TWENTY-NINE

PRISCILLA

Binigay sa akin ni Cross ang isang pirasong bulaklak na dala n'ya kanina pa nang makasakay kami sa kotse n'ya. Habang karga ko si Timothy, hawak ko din ang kulay pulang rose na 'yon. Pinagmamasdan at napapaisip ng malalim.

Binaba ko ang bintana na nasa tabi ko nang malapit na kami sa bahay ng mga magulang n'ya, at saka ko pinapon ang binigay n'yang bulaklak sa akin. Alam kong nakita n'ya ang ginawa kong iyon, pero hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon n'ya nang itapon ko iyon.

Tinigil n'ya ang sasakyan. Bumaba ako habang karga si Timothy at hindi na rin hinintay na pag-buksan n'ya ako ng pintuan. Nagkatinginan kami saglit, pero ako na mismo ang nag-iwas. Imbis na pumasok sa loob ng bahay ay naupo ako sa garden kasama ang anak. Hindi magiging madali ang mga bagay-bagay sa pagkakataong ito.

"Where have you been this passed week?" hindi na ako nag-aksayang lumingon sa taong nag-tanong n'on sa akin.

"Lumayo muna..." seryoso kong sinagot.

"Were you also been in the engagement party of my son?" tinanong n'ya ako ulit.

Matamlay akong tumango, "Opo."

Hindi ko man nakikita ang mukha n'ya habang kausap, alam konng masaya s'ya na nasaktan akong makita ang stepson n'yang ikakasal sa ibang babae. Tanggap ko na 'yon. Ayoko ng problemahin ang taong nagbibigay sa akin ng sakit.

Sandali akong nanahimik at sa muli kong pagsasalita, may ilang bagay akong gustong malaman mula kay Tita Theresa. "Ano pu bang kapalit kapag hiniwalayan ko si Cross?"

Humakbang s'ya, pero hindi pa rin sapat iyon para magkaharap kami. "Madaming magbabago kapag ginawa mo ang gusto mo. Pero mas maaawa ako sa anak n'yo."

In-extend n'ya ang kamay para lang mahaplos ang pisngi ng anak ko. Napatingin naman si Timothy sa kan'ya dahil iyon ang unang beses na hawakan s'ya ng lola n'ya. Ang akala ko nga lilipas ang panahon na hindi n'ya malalapitan ang anak ko.

"He had some of your features. He's charming." Komento nito sa aking anak.

Bahagya din s'yang yumuko upang mahagkan ang pisngi ng aking anak. Nag-iwan iyon ng pulang lipstick mark. Hindi ko akalaing matutuwa kahit papaano ang anak ko sa ginawa n'ya.

"But I wouldn't ask for exchange. The money I have given to you, remains yours. Maghintay ka na lang sa kung ano ang mangyayari." Pagkatapos n'on umalis na s'ya.

Simula nang makapasok ako sa kwarto namin, nahiga ako agad dahil hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko. Sinabayan ko sa pagtulog ang anak ko, habang hindi ko alam kung na saang lupalop na naman ang asawa ko. Ayoko s'yang isipin dahil naiinis ako sa mga ginagawa n'yang ito.

Gabi nang makauwi si Cross. Naramdaman ko ang presensya n'ya habang pinapatulog ko si Timothy sa crib. Hindi ko s'ya tinignan, pero maririnig ko naman ang yabag ng paa n'ya sa sahig. Palapit s'ya sa akin, at saka n'ya inabot ang panibagong bulaklak na malamang ay binili n'ya para sa akin.

"Nag-over time ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi. Flowers for you, sweetie." Pinaliwanag n'ya sa akin, habang tinatapik ko ng marahan ang binti ni Timothy.

Kahit na pinaliwanag n'ya ang bagay na iyon, hindi ko pa rin s'ya pinansin o umimik man lang.

"Sweetie?" tinawag n'ya ako na para bang hindi ko narinig ang sinabi n'ya. Nag-aabang din s'ya na tatangapin ko ang bulaklak na binibigay n'ya.

Per kahit ilang minuto na s'ya nakatayo sa tabi ko ay hindi ko pa rin kinukuha ang binibigay n'ya. Nang masigurado ko ng tulog na ang anak ko ay tumayo na ako para ako naman ang magpahinga. Habang tumatagal lalong lumalala ang pakiramdam ko. Hindi ko pinansin si Cross kahit na ilang beses s'yang nagpapansin sa akin.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon