Chapter Twenty-Four

1.7K 27 1
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Soundtrack: I'm Not The Only One – Sam Smith

PRISCILLA

Tila nawasak ang puso ko dahil sa simpleng mga litratong ito. Kuha ito ng palihim, ang asawa ko kasama ang babaeng dati kong pinagdududahan. Mag kasama sila sa mga araw at gabing wala s'ya dito sa bahay kasama ako. Naka-saad ang mga oras at date sa bawat litrato kaya wala itong duda.

"As what I've told you, huwag kang makikipag-hiwalay sa asawa mo." Kinuha muli ni tita Theresa ang folder na may lamang litrato sa aking mga kamay.

"Kaya ba binigyan n'yo ako ng malaking pera at sinabing huwag kong hiwalayan si Cross dahil dito? Gusto n'yo akong makitang masaktan ng ganito?" tinanong ko.

"Yes! At wala ding nakaka-alam nito kung hindi tayong dalawa lang." Panimula n'ya. "If I were you, I'll never ask something about this to Cross, para hindi mawalan ng ama ang anak mo."

Ayokong paniwalaan lahat ng mga naririnig at nakikita ko ngayon.

"Hindi ko babawiin ang perang binigay ko sa'yo. I will let you spend it just don't break my conditions. Myla Domingo and her family has a huge investment in the company, it's a must to entertain Domingo with Thompson, and Cross is the only young Thompson here."

"Tita, asawa po ako ni Cross at panloloko ang ginagawa n'ya sa akin, magkaka-anak na din kami." Sinabi ko.

"We committed mistakes and lies in our lives, Priscilla, and your problem is just a tiny stain on the floor. You can't do anything about this."

"Tulungan n'yo po ako, Tita, hindi ko po kaya 'to." Pinagdikit ko ang aking palad at sinubukang lumuhod sa kan'yang harapan para lang magmakaawa sa kan'ya.

"Kneeling is not the thing that can resolve this." Gan'on-gan'on n'ya lamang binaliwala ang sinabi ko.

"Alam ko pong tinuring n'yo din po akong anak n'yo kahit papaano, 'di ba?" tinanong ko iyon sa kan'ya para naman malaman kong may ugnayang nabuo sa gitna naming dalawa.

Umiling s'ya ng mabilis, "No and you will never be my daughter." Nag lakad s'ya ng kaunti palayo.

"Si Sheila, ang anak n'yo, sana po kahit papaano may mga parehong bagay kayong naramdaman sa akin noong kasama n'yo pa s'ya." Pinilit kong makatayo sa kalagayan kong iyon para lumapit sa kan'ya.

Humarap s'ya sa akin na may masamang tingin. "You don't know her! Sheila is far from being you, she was been my daughter but she cursed me as her mother. And please, Priscilla, don't include the person who's dead here."

"All you have to do is to play pretend as long as you can handle the pain."

--

Gumising ako ng maaga para mag-impake ng gamit. Kinuha ko ang backpack ko at nilagay doon ang ilang pirasong damit. At sa isang bag naman ay nilagay ko ang damit ng anak ko pati na rin ang ilang gamit nito.

Mula noong umalis sa garden si Tita at iniwan akong nag-iisa doon, hindi na tumigil sa pagtulo ang luha ko. Pati sa pag-higa na halos hindi na ako nakatulog. Lahat ng minuto ay may sakit at kirot sa puso, halos hindi na din ako nakahinga ng maayos.

At sa ngayon, ayoko munang isipin ang tungkol doon.

Nang mailagay ko na ang lahat ng kailangan ko ay sinimulan ko ng umalis sa bahay na ito. Malapit na akong makalabas sa gate nang lumingon ako at nakita si Tita Theresa sa bintana ng kanilang kwarto. Bahagya akong yumuko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sumakay ako sa iba't ibang sasakyan para lang makapunta sa hospital. In-admit ko ang sarili ko doon para hindi na ako mahirapan kung sakaling manganak ako ng biglaan. At least dito may mga nurse na magra-round para kunsultahin ang lagay ko.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon