CHAPTER THIRTY-EIGHT
Soundtrack: Could I Love You Any More – Reneé Dominique ft. Jason Mraz
I was abnormally staring at the man that I used to love before, but unfortunately he did not remember me. I don't know what to say when he looked back at me. This maybe insane, natutuwa na ako ngayon.
"Wala na akong problema ngayon," sagot ko sa kanya. Iyon lamang kasi ang tanging pumasok sa isip ko nang tanungin niya ako.
Mixed emotion, gusto kong umiyak at gusto ko ding mag tatalon sa tuwa sa parehong pagkakataon. But at the end, I tried to keep my composure to look great in front of him. "Gan'on ba?"
Sobrang na-miss ko siya, at sa ngayon gusto ko na rin siyang yakapin at halikan. Ang asawa ko na hindi man lang ako na aalala ngayon. Lumagok siya sa kanyang inumin, ngunit hindi pa rin na aalis ang tingin ko sa kanya. Halos sundan ko kung paano niya punuin ng alak ang kanyang bibig.
Nangiti ako nang mapangiti din siya sa harap ng baso niya. "Gusto mo ba ng katulad ng sa akin?" tanong niya ulit at saka humarap sa akin.
Ang tinutukoy niya ay ang inumin niya. "Sige." Wala sa huwisyo kong sinabi.
Tumango siya habang nakangiti sa akin. Tinawag niya ang bartender sa gilid ng island at nag-request pa ng isang inuming katulad ng sa kanya. Kaagad na binigay ng bartender ang isa pa at saka siya tumuon sa akin para iabot iyon.
"Heto, treat ko na din sa'yo." Sabi ni Cross.
"Sa... salamat dito." Nakatingin ako sa kanyang mata, kaso lumihis ang tingin niya sa likod ko kung na saan si Prieto.
"Is he your boyfriend?" tinuro niya si Prieto sa likod ko.
Inikot ko ang upuan para humarap sa tinutukoy niya. Naka-yuko na si Prieto sa counter habang hawak ang hindi naubos na alak. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi agad siya nagising, kaya naman humarap ulit ako kay Cross.
"Hindi ko siya boyfriend, kasama ko lang siya sa trabaho." Sagot ko.
Tila naman nalinawan siya sa sinagot ko kaya umaliwalas ulit ang kanyang mukha. "Lasing na siya, wala ba kayong kasama?" tanong niya ulit.
Umiling ako, "Wala, eh. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon."
Pagkatapos n'on hindi na siya nag salita pa kaya medyo nalungkot ako. Gusto ko pang marinig ang boses niya at makipag usap sa kanya. Naalala ko isa sa katangian ni Cross ay ang pagiging tahimik. Pero baka naman naapektuhan din iyon dahil sa pagkawala ng alaala niya.
Nainis ako kaya ginising ko na si Prieto. Ginawa ko ang lahat para lang magising siya. Nang magising siya ay ngumiti ako kay Cross. Ayos lang sa akin kung nag mumukha na akong weirdo sa harapan niya, basta gusto ngayong gabi mapapasa akin siya by hook or by crook. Joke!
"Pwede bang diyan ka lang sa kinauupuan mo. I'll treat you when I get back. Stay still, okay?" may halong hingal at pagka desperada ang tunog ng boses ko n'on.
Natawa lang siya sa akin. Siguro naman 'oo' ang ibig sabihin n'on para sa kanya, hindi ba?
"Good, thank you!"
Hinila ko palabas ng bar si Prieto kahit na pagewang-gewang siya. Hay! Kasalanan niya naman ito, eh. Pero parang wala naman akong konsensya kung hindi ko siya tutulungang makauwi sa tinutuluyan niyang hotel. Pumunta kami sa kung saan pwede mag abang ng taxi, at doon ako nakakuha ng isa para ihatid si Prieto.
Sinabi ko ang address at ang pangalan ng hotel. "Manong paki-alalayan na lang siya ha? Pakitulungan din siyang makapasok sa loob ng hotel." Sinabi ko.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...