Chapter 2

139 85 101
                                    

STACEY

Alas dose na nang madaling araw ay gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Ang dami kasing tanong sa isip ko. Kung bakit niya ako in-add? Sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya, bakit ako pa? Ni hindi nga ako nagcocomment o nagmemessage sa kaniyang i-add niya ako eh. Aish! Kinikilig ako.

Bumangon ako at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Ito kasi ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog eh, umiinum ng gatas.

Paglabas ko ng kwarto, nakita kong medyo nakabukas ang kwarto ni Daniel kaya sinilip ko siya roon. Nakita ko itong nakatitig sa harap ng laptop niya habang naggigitara. What the! Ng ganitong oras?

Hinayaan ko nalang siya at bumaba na sa kusina. Dalawang baso ng gatas ang tinimpla ko at dinala iyon sa itaas. Tumayo ako sa harap ng kwarto ni Daniel. Ganoon pa rin ang position niya. I sighed. He must love that girl so much.

Since hindi ako makakatok dahil sa dala ko, deretso na akong pumasok sa kwarto niya at doon lang siya natauhan. Binaba niya ang gitara sa kama at inabot ang isang baso ng gatas na dala ko.

"Ba't hindi ka pa natutulog?" umupo ako sa tabi niya kaya nakita ko ang screen ng laptop niya na kanina pa niya tinititigan.

It's a picture of him with a girl. Ito siguro 'yong girlfriend niyang nakipag-break sa kaniya. She's beautiful. Ang singkit niyang mga mata, ang matangos nitong ilong, at ang ngiti nito sa labi. Napakagandang babae.

"I was planning to surprise her in our anniversary. I planned it for two months. I even composed a song to sing it to her in our day. But now, I guess it became a trash," tinapik ko lang siya sa braso para i-comfort siya at nananatili sa pakikinig.

"Trust me, ate. I tried to explain to her but she keeps on telling me that I cheated on her. I tried to speak up but she didn't listen," patuloy niya.

"I think I should stop music," doon ako naging alerto. Hindi ko masyadong nagugustuhan ang pagbabanda niya pero hinahayaan ko lang siya kasi iyon ang gusto niya at doon siya masaya pero ang mag-give up para lang sa babae? Kalokohan!

"Nang dahil sa pababanda ko, wala siyang tiwala sa akin kasi madami raw'ng babae ang umaaligid sa akin. Imposible raw'ng wala akong ibang nagugustuhang babae," He sighed. Ano bang klaseng babae 'yan? Bakit pa nagboboyfriend kung hindi man lang rin magtitiwala? Did my brother ever cheated on her before kaya gano'n na lang siya mawalan ng tiwala dito? Ano ba'ng nagawang mali ng kapatid ko?

"Talaga bang wala akong gagawin to win her back, ate?" He asked. Napatingin ako sa kaniya. This may sound so much pride but he need to protect himself. Ayaw kong makitang kaawa-awa ang kapatid ko.

"As you said earlier, you did nothing. You didn't cheat. So why run into her? Wala kang dapat i-prove Daniel dahil ikaw mismo, alam mong wala kang ginawang masama. Because the more you please her, the more she thinks that you are guilty," tinignan ko siya. Nakatulala lang ito sa harap ng laptop niya.

"Don't worry. Because if you really meant to be, no matter how you hurt each other and whatever problems you encounter, fate will always find a way for you to meet and fall in love again. Gets? Kaya 'wag ka ng sad saka huwag mo i-give up ang career mo. Kahit naiingayan ako, suportado pa rin kita. Bakit? Kasi mahal kita at may tiwala ako sa 'yo," tinignan niya ako na may ngiti sa labi. I sighed as a sign of relief. He just smiled.

"Kinikilig ako ate," binatukan ko siya kaya napatawa ito. Ang laswa kaya.

Marami pa kaming pinagkwentuhan bago matulog.

Nagising ako sa loob ng kwarto ng kapatid ko. Crap! Dito ako nakatulog? Bumangon ako at nakita ko siyang hawak-hawak ang gitara habang may sinusulat sa papel. Nagcocompose yata ng kanta.

"Daniel naman eh. Ang aga-aga, 'yan ang inaatupag mo. Kung nagsaing ka muna roon bago 'yan, edi sana nakakain na tayo ngayon," inirapan ko siya saka lumabas ng kwarto niya at bumaba. Kailangan ko ng magprepare, may pasok kasi ako ngayon.

Nasa ikatlong taon nako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Hotel and Resturant Management. Gusto ko kasing magtrabaho sa barko o sa labas ng bansa.

"Daniel, anong oras ang klase mo? Ba't hindi ka pa nagbibihis?" sa pagkakaalam ko kasi ay 8am siya papasok ng school. And note, everyday pa!

"Hindi ako papasok, ate. Makikita ko lang siya roon. Sasakit na naman ang puso ko," nagmake-face ako. Sobrang O.A niya na kasi.

Papasok na 'ko sa gate ng school nang makita ko ang girlfriend ng kapatid ko. May kausap siyang isang babae. Kaibigan niya yata. Though, sa picture ko lang siya nakita, iba pa rin pala sa personal. Sobrang ganda niya. Ang puti at ang kinis ng kutis niya. Medyo may pagka-maldita nga lang ang aura. Paano kaya ito nagkagusto sa kapatid ko? Hindi naman maitatangging ang lakas ng appeal ni Daniel sa mga babae at ang cool niyang tignan kapag tumutugtog na ng gitara.

Buti nalang talaga at nakita ko siya rito. Plano ko kasing hanapin siya para makausap. Kahit nasasaktan niya ang kapatid ko, ayoko namang maghiwalay sila na sira ang image ng kapatid ko sa kaniya. Lilinisin ko lang ang pangalan ng kapatid ko na dinugtungan niya ng salitang cheater.

Kumawala ako ng isang buntong-hininga saka naglakad papalapit sa kaniya nang may biglang bumunggo sa akin.

"Aray!" Napahawak ako sa siko ko. Ang hapdi!

Sino ba 'tong taong 'to na bumangga sa akin na parang may spring sa katawan na talagang tumilapon ako?

Hinipan ko ang siko ko. Gasgas lang ito pero dumudugo pa rin. Hindi naman sa sobrang mabait ako pero hindi naman ako eskandalosa para gumawa ng gulo dito.

Tatayo na sana ako nang biglang yumuko iyong nakabangga sa akin at tinignan ako sa mukha.

"Are you okay miss?" tinignan ko siya. Lumunok ako ng ilang beses hanggang sa natuyo na ang lalamunan ko. Kung hindi ako naubo ay hindi ko mamamalayan na halos pati dila ko ay muntik ko nang malunok. Gusto kong kurutin ang sarili ko kung nananaginip ba ako.

"O-okay lang a-ako," tinago ko ang dumudugo kong siko sa likuran para hindi niya makita. I always wanted to be cool in front of him. Ayoko namang magmukhang loser dahil lang sa gasgas nitong siko ko.

Nagtitigan kami. Nagtitigan ba kami o sadyang bumabagal lang ang oras? Nagiging abnormal na ang tibok ng puso ko. Hihimatayin na yata ako sa kaba eh. Para akong ewan dito na hindi alam ang gagawin. Para akong baliw. No, baliw na talaga ako!

'Yan ang epekto ng isang KEI FUJIMASA sa akin.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon