Chapter 15

16 10 0
                                    

DANIEL

Patakbo akong nagtungo sa library upang hanapin si Aoi. Huminto na muna ako sa may pinto sa sobrang hingal. Nang mahimasmasan ay dahan-dahan akong pumasok sa loob upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Mula first floor ay sinuyod ko lahat ng corner ng building. Tinignan lahat ng shelves kung nandoon ba sila. Hanggang sa makarating ako ng third floor.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Aoi roon na nagbabasa ng libro habang natutulog naman si Jam. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya. Kinakabahan din ako kasi hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag. Sana naman ngayon ay pakinggan na niya ako.

"Aoi..."

Napatigil siya sa pagbabasa nang tawagin ko siya. Kahit hindi niya man ako tignan, alam kong nakilala niya agad ako. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya. Nang magtama ang mga mata namin ay nakikita ko agad ang galit at lungkot ng mga ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Kahit ngayong lang, Aoi. Pakinggan mo muna ako. Pakiusap.

"Hindi ba sabi ko sa 'yong ayaw na kitang makita?" Tinaasan niya ako ng kilay. Alam kong namumuo na naman ang galit sa dibdib niya ngunit pilit niya itong kinokontrol kasi nandito kami ngayon sa library.

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" Nanikip ang dibdib ko nang sabihin ang mga katagang iyon. Paano na lang kung sasabihin niyang oo, ano ang gagawin ko? Susuko nalang ba ako? Hahayaan ko na lang ba'ng magkahiwalay kami ng tuluyan nang hindi maipaliwanag sa kaniya ang lahat?

Nakita kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata. At nang dahil do'n ay nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Hindi naaayon sa mga sinasabi niya 'yong totoong nararamdaman niya.

"Mag-usap muna tayo, please? Pakinggan mo muna ako. Pagkatapos..." Napahinto ako. Makikinig ba ako sa payo sa akin ni Gerald? Na huwag pilitin ang sitwasyon at ipaubaya nalang sa tadhana ang lahat? Siguro tama rin siya. Ang paghihiwalay naming 'to ang magsisilbing aral para sa aming dalawa upang matutunan namin ang mga bagay na kailangan upang magkaroon ng isang magandang relasyon tulad ng pagtitiwala. Ang isang bagay na hindi maibigay sa akin ni Aoi.

He's right. In a relationship, love without trust is not possible.

"Pagkatapos, hindi na kita guguluhin pa. Hinding-hindi na ako pagpapakita sa 'yo gaya ng gusto mo. Pakinggan mo lang ako." Nag-iwas siya ng tingin saka marahang tumango. Sinarado niya ang librong binabasa.

"Talk." Umayos siya ng upo saka tinignan ulit ako sa mata.

"Huwag dito. Ang gusto ko ay 'yong tayong dalawa lang." Tinignan ko si Jam na natutulog saka ulit siya binalingan ng tingin.

"Jam's sleeping. And she's my bestfriend. What's wrong with that?" Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya.

"Fine." Tumayo siya. Iniwan niya ang mga gamit niya saka siya naglakad papalabas sa library. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa field. Umupo siya sa damuhan kaya tumabi naman ako.

"Magsalita ka na, nasasayang ang oras ko." Nasaktan ako sa sinabi niya. Noon kasi ay sinasabi niyang hindi nasasayang ang oras niya sa tuwing magkasama kami. Ibang-iba na si Aoi ngayon. Ganito na ba talaga ako ka-walang-kwenta para sa kaniya?

Tumikhim ako. Paano ko ba sisimulan?

"Naaalala ko noon, dito tayo tumatambay at pinapanuod ang k—"

"Pwede ba, Daniel. Be straight to the point, sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin." Pumatak ang luha ko. Sobra na akong nasasaktan kahit wala naman akong ginagawang masama. Do I deserve this kind of treatment?

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon