Chapter 11

53 40 6
                                    

STACEY

"Mukha kang tanga diyan," tinignan ko ng masama ang kapatid kong unggoy.

"Shut up."

"Ano ba'ng meron sa fresh milk na 'yan? Kanina mo pa 'yan tinititigan," humarap siya sa akin habang may hawak na isang baso ng tubig.

"Ano ba'ng paki mo? Matulog ka na nga roon!" Inirapan ko siya saka binalik ulit ang tingin sa fresh milk na nakita ko kanina sa labas ng bahay.

Si Kei na naman ba ang nagbigay nito? Magkasama lang kasi kami kanina. Nakita ko siyang papaalis bago ako pumasok at nadatnan ko ito sa may pintuan. Kaya paano niya mailalagay ang bagay na ito roon?

Napaisip ako saglit, posible rin naman. Kei can do everything he wants. He has a lot of connections.

Napangiti ako. Ang sweet talaga niya.

"Tsk!" Narinig ko si Daniel bago siya umakyat sa itaas.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng gatas doon. Nilagay ko sa ref ang iba saka dinala ang kinuha kong isang baso ng gatas sa itaas.

Naligo muna ako at nagsuot ng pantulog bago ininum ang gatas. Nilagay ko lang sa side table ang basong pinag-inuman ko saka binagsak ang katawan sa malambot na kama at tumitig sa kisame. Nakakapagod ngunit napaka-memorable na araw. Sana ganito na lang palagi. Iyong tipong nakangiti akong gigising tuwing umaga kasi alam kong nakuha ko na ang matagal kong pinapangarap. Kahit maging magkaibigan lang kami ni Kei ay kontento na ako roon. Atleast, napansin niya ang isang tulad ko.

Marami pa akong inisip hanggang sa makatulog ako.

Alas sais ng umaga nang magising ako. Kahit na tinatamad ako ay pinilit ko pa ring bumangon. Baka kasi hindi pa nagising si Daniel at kung nagkataon ay baka pareho pa kaming ma-late sa school.

Dumeretso ako sa kusina. Nakarinig ako ng ingay mula roon kaya napagtanto kong gising na siya. Mabuti naman at maaga siyang nagising. Nakangiti akong tinitignan ang likod ng kapatid ko habang nagluluto.

"Ano 'yan?" Itinukod ko ang baba ko sa braso niya kaya nagulat ito.

"Aray! Ano ba ate. Ang haba ng baba mo, masakit!" Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Hindi naman mahaba ang baba ko ah. Ayaw lang talaga niyang nilalambing.

Umupo na lang ako sa mesa. Sakto namang inilapag na niya ang nilutong fried rice, hotdog, and egg. Agad din naman siyang naglagay ng plato at kutsara sa tapat ko.

"Huwag ka munang mag-girlfriend ha. Ako muna ang alagaan mo," napasimangot naman siya sa sinabi ko. Buti gwapo ang kapatid ko kung hindi ay hindi talaga bagay sa kaniya ang sumimangot.

Ako na ang nagboluntaryong maghugas ng pinagkainan namin. Ayoko namang isipin ni Daniel na kinakawawa ko siya rito sa gawaing bahay. Noong una ay ayaw niya kasi raw baka mabasag ko 'yong plato. Ano'ng tingin niya sa akin, lampa?!

"Maghanda ka na kasi roon. Okay na ako rito," sabi ko nang makitang nakatayo pa rin siya sa gilid ko habang tinitignan ang ginagawa ko.

"Hugasan mong maigi. Huwag mong basagin ang pinggan," paalala niya sa akin bago siya umalis. Ginagawa akong bata eh!

Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako upang maghanda para pumasok. Kahit busy ang lahat ngayon ay mayroon pa ring prof na magkaklase.

Sinalubong ako ni Kylie pagkapasok ko sa gate. At talagang hinintay pa ako para makakalap ng chismis. Sigurado naman akong tungkol ito kay Kei. Hindi naman siya ganito dati eh kaya ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging supportive bestfriend niya.

"Stace!"

Nakangiting kumaway ako sa kaniya. Nang makalapit na ito sa akin ay agad itong pumulupot sa braso ko. Napaimpit naman ako nang makaramdam ng konting sakit sa kamay ko.

"Himala ka yata ngayon ah. Ba't ang aga mo?" Binawi ko ang kamay ko sa pagkapulupot niya. Sinadya ko talaga iyon para magkaroon ako ng pagkakataong makawala sa pagkakapit niya.

Napasimangot siya sa sinabi ko at deretso ang tingin sa dinadaanan namin. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong sumulyap sa kamay ko. Medyo nagulat pa ako nang makitang may maliit na pasa na naman.

"Na-e-excite kasi akong malaman ang progress niyo ni Kei. So, ano na? Kumusta?" Bumalik ako sa huwisyo nang hawakan niya ang kamay ko habang nagpa-puppy eyes. Nagmumukha na tuloy siyang aso sa mga pinaggagawa niya.

"Nagdate lang kami. Sinundo niya ako sa bahay tapos kumain. Saka hinatid na agad pauwi kasi raw may gagawin daw siya. Alam mo namang papalapit na ang foundation day kaya busy na siya sa pagpa-praktis ng soccer," sabi ko kahit hindi naman talaga sinabi sa akin ni Kei kung ano'ng gagawin niya. Pero sigurado akong sa praktis siya pupunta. Tumango naman siya sa sinabi ko tanda ng pagsang-ayon dito.

Isa kasing soccer player si Kei kaya rin naging kilala ito. Naglalaro rin siya ng basketball pero mas na-focus siya sa soccer kasi ito rin ang naging sports niya noong nasa Japan pa siya. Kadalasan ay tuwing gabi sila nagpa-praktis. Tahimik at maaliwalas kasi ang paligid.

"Alam mo, Stace. Kapag nagde-date kayo ni Kei, huwag kang pahalata sa kaniya. So you should act normal para hindi ka pangunahan ng hiya. Pag nagkataon, hindi ka na masyado makapagsalita at nagmumukha kang boring. You know, guys hates boring girls," napatakip naman ako sa bibig ko. Patay!

"Oh, ano'ng problema?" Takang tanong niya sa akin.

"Iyon nga ang nangyari sa akin kagabi. Pinangunahan ako ng hiya. Ibig bang sabihin no'n ay na-bored siya sa akin kaya hindi na siya nagyaya pang tumambay sa park o tabi ng dagat? OMG!" Napapapadyak ako ng wala sa oras. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante na napadaan sa hallway.

"Naku. Malaking problema 'yan, Stace," pati siya ay naging problemado sa sitwasyon ko.

"Bahala na nga!" Napasimangot akong nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kung talaga namang gusto niya akong makilala o i-date ay hindi niya alintana ang pagiging boring ko. Saka hindi naman talaga ako boring na tao, sadyang nahihiya lang talaga ako sa kaniya.

Naghiwalay na kami ni Kylie kasi hindi naman pareho ang subject na papasukan namin.

Nakasimangot pa rin akong pumasok sa room. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi sa akin ni Kylie. Bahala nang hindi na niya ulit ako i-date, at least nakilala at napansin niya ako kahit sandali.

Huwag naman sana siyang ma-discourage sa pagiging boring ko last time. I thought.

Napapikit ako nang magtalo ang isip ko. Umiling-iling na lang ako upang mawala ang mga naiisip kong wala namang kwenta saka umupo sa upuan.

Natigilan naman ako nang may makita akong burger sa mesa ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala namang kahina-hinalang taong nag-iwan nito rito.

Isang burger na may nakadikit na note. Umupo na muna ako bago ito buksan.

Always smile, have a nice day!

Buong klase ay iniisip ko kung sino ang nagbigay sa akin ng burger. Iyong nagbigay sa akin ng rosas sa department store, iyong nag-iwan ng fresh milk sa labas ng bahay namin at itong nagbigay ng burger, iisang tao lang ba sila? O ang dami ko lang talagang secret admirer?

Pero kahit ano'ng isipin ko ay isa lang ang maaaring magbigay sa akin ng mga ito na sinimulan niya noong binigyan niya ako ng limang rosas sabay yaya sa akin ng date. Oo, si Kei lang ang posibleng magbigay sa akin ng mga ito. At aaminin kong kinikilig ako.

Papauwi na ako kasi wala raw'ng klase sa next subject. Karamihan kasi sa mga kaklase ko ay involve sa sports kaya wala sila upang makapagpraktis. Iyong ibang prof naman ay tinatamad magturo kung kahalati naman ng estudyante ay wala.

Naglalakad ako sa hallway habang bitbit ang burger na binigay niya sa akin. Hindi ko pa rin kasi ito kinakain kasi nagbreakfast naman ako kanina. Gawin ko nalang kaya itong remembrance?

Nakangiti akong mag-isa na parang tanga nang may tumawag sa akin. At kahit boses pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino ito.

"Stace!"

Ang pinakamamahal ko.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon