Chapter 20

44 28 2
                                        

DANIEL

"Hey dad, did mom hit you? What happened to your arm?" Dali-daling umayos si Dad sa pagkaupo at hinarap ako. He smiled faintly. I know he's not okay, but he's trying to be one.

"No, Daniel. Mom won't do that to me. Mahal na mahal ako no'n." Ilang araw ko na siyang napapansin na ganito. At hindi lang ito ang unang beses na nakakita ako ng ganoon sa balat niya.

"Bakit may pasa ka?" I badly wanted to ask him that. May nakita rin kasi akong pasa sa binti at likod niya noong nakaraang araw. At sa tingin ko ay hindi ito ordinaryong pasa lang.

"I don't know. It just appeared." Ngumiti siya at inayos ang mga gamit para sa trabaho.

"Tara na sa baba. Baka ma-late pa kayo ng ate mo sa school." Nilagpasan lang niya ako at naunang bumaba.

"Daddy, are you sure na papasok ka ngayon? Nilalagnat ka kagabi and look at you now, you look pale." Iyon ang naabutan kong sabi ni Mom habang naghahanda ng agahan namin.

"Oo nga dad. You better rest. Magco-commute na lang kami ni Daniel. 'Di ba, bro?" Sabi ni Ate habang kumukuha ng kanin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"I'm okay. And I really need to work para sa pag-aaral niyo. Don't worry." He smiled. But I can sense that he's not fine. Umupo na lang ako sa tabi nito para kumain.

Napakagat ako sa sariling labi nang maalala iyon. Those bruises I saw from Dad before are the same that I saw from Ate. Is that possible?

No, this can't be.

I won't let that happen. Again.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Inangat ko ang tingin ko upang tignan ang taong nasa harapan ko ngayon. It was him.

Umupo ito sa tabi ko saka inakbayan ako.

"So, ano na? Okay na kayo ni Aoi?" Umiling ako bilang sagot. Mahal ko siya pero parang nawalan ako ng gana nang dahil sa ginawa nila kay Ate. Hindi niya ako pinakinggan tapos malalaman ko na lang na gumawa na siya ng hakbang upang maghiganti. Kung gusto niya akong parusahan ay ako lang, huwag na niyang idamay si Ate. Mahal ko siya ngunit mas mahal ko ang kapatid ko.

"Hindi na siguro kami magkakabalikan pa. Hayaan na natin, iyon ang gusto niya eh." Kailangan din siguro namin ng oras para makapag-isip. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay itama ang maling akala nila nang hindi masaktan ang kapatid ko. And as much as possible, ay ayoko muna niyang malaman ang tungkol dito.

Huwag muna sana, baka lalong lumala ang pakiramdam niya.

"Okay, kung iyan ang gusto mo. Basta nandito lang ako palagi." Iwinagayway niya ang cellphone na hawak kaya natawa na lang ako. Bakit ba lapit ito ng lapit sa akin ngayon?

"Ibinigay ko na kay Ate iyong sulat mo," sabi ko. Alam ko naman kung ano ang pakay niya sa akin eh. Nagpapalakas ito sa akin para kay Ate. Okay naman si Gerald, torpe nga lang. Bakit kasi hindi pa niya deretsuhin si Ate?

"Talaga? Salamat!" Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi kaya naitulak ko siya. Gusto ko siyang sapakin ngunit kung titingnan mo kung gaano ito kasaya ay mapapatawa ka nalang. He's not gay, alam kong dala lang iyon sa sobrang excitement. Ganoon ba niya kagusto ang kapatid ko? I can really see it.

"Tang*na pare. Babae ang gusto ko, hindi lalaki," biro ko sa kaniya. Tawang-tawa naman ito na parang baliw.

"Oo, alam ko na iyong may butas ang gusto mo." Humalakhak ito at pinagpapalo ako sa may braso. Gago 'to ah!

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon