Chapter 24

37 20 3
                                    

STACEY

"Ate, 'di ba sinabi ko na sa 'yong layuan mo na si Kei? Naiintindihan mo ba ako o tanga ka lang talaga?" Sermon sa akin ni Daniel. Napayuko ako at tinignan ang bracelet na binigay niya sa akin kanina. Kung titignan mo ito ay parang silver lang pero isa itong white gold bracelet. Loka-loka kasi itong si Kylie, pagkabigay ni Kei sa akin nito ay nag-aya agad siyang ipasuri namin sa isang pawnshop malapit sa eskwelahan. Pinilit pa nga niya akong ibenta ito eh kasi hindi naman daw ito importante sa akin pero hindi ako pumayag.

"Just trust me, Daniel." I smiled at him faintly.

"Trust you? How can I trust you, where in the first place, you are so madly deeply in love with him?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Honestly, hindi pa rin ako naka-move on sa kaniya. Paano ako makaka-move on? Kung maraming beses kaming magkikita araw-araw? Na sa tuwing paglabas ko ng room, sinusundo niya ako? Na sa tuwing sinusundo niya ako ay may dala siyang iba't iba, na kung hindi pagkain o bulaklak ay binibigyan niya ako ng mga bagay? Na kahit iisipin kong pakulo lang ito lahat ay may parte pa rin sa utak ko na sinasabing totoo na ang lahat ng ito.

"Stop doing that." Nasabunot na niya ang sariling buhok sa sobrang pagkairita. Isa pa man din sa ayaw ko ay iyong pinoproblema ako ng kapatid ko. Gusto kong bumalik kami sa dati, iyong wala kaming pakialamanan sa isa't isa. Ngunit kahit gugustuhin ko iyong mangyari ay hindi na pwede.

"Just stop what you are doing. In case that you don't know, I'm just protecting you. At nasaan na iyong sinabi mong hindi na dapat tayo maiinvolve sa buhay nila? Ano 'yon, joke lang?" He said sarcastically. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Oo na, kailangan kong panindigan iyon. Buti na lang pinaalala niya.

"Oo na. Umalis ka na nga. Kailangan ko ng fresh air. Sobrang polluted kasi kung nandiyan ka." Ang lakas kasi magdala ng dark aura, hindi ako makahinga. Tsk!

Sinamaan niya ako ng tingin bago siya umalis. Ang sarap lang dukutin ng mata.

Napabuntong-hininga ulit ako at tumingin sa kawalan. Tirik na tirik ang araw at kung gaano kaganda ang panahon ay kabaliktaran naman nito ang nararamdaman ko. Ngunit alam kong sa huli ay magiging okay din ang lahat.

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo muna ako sa bench malapit sa kinaroroonan ko. Dito rin kasi ang usapan namin ni Kylie na magkita pagkatapos ng klase niya. And speaking of the devil...

"Frieeennndd!" Lakaw-takbo ang ginawa niya upang makarating sa pwesto ko. Sobrang lapad ng ngiti nito, nakakapagtaka tuloy. May nangyari bang maganda?

"Friend, ano na? Nakapagdesisyon ka na ba?" Sobrang excited nitong sabi saka kumapit sa braso ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko ito ibebenta?" Sumimangot ito nang binatukan ko. Ang kulit kasi eh.

"Aray naman! Oo na, hindi na kita kukulitin, pero kapag nagbago ang isip mo ha, itext mo lang ako." Ngumisi siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinakpan na lang niya ang bibig upang pigilan ang pilyang ngiti nito.

"Maiba nga tayo, friend. Alam mo bang hinahanap ka sa 'kin ni Kei ngayon-ngayon lang?" Biglang lumundag ang puso ko. Gusto kong magsisigaw sa tuwa pero sa tuwing naaalala ko iyong planong paghihigante nila ay bigla na lang akong nadi-disappoint.

"Tapos?" Tinaasan ko siya ng kilay. Let's see kung ano'ng sinabi niya.

"Sinabi kong hindi kita nakita. Sayang nga eh kasi may dala pa naman iyong bulaklak." I smiled fakely and looked away. Sayang nga. Sayang ang effort niya. Kasi kahit ano'ng gawin niya ay hindi na niya maibabalik sa dati ang basong nabasag na. Kinikilig man ako sa mga ginagawa niya ngayon pero hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataong makausap at makasama ako ulit. Dahil sa huli ay ako rin lang ang masasaktan.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon