Chapter 27

30 17 0
                                    

STACEY

"Don't you know that I'm allergic to flowers?" Daniel said coldly. Ano'ng paki ko sa kaniya? Ba't kailangan ko pang alamin iyon?

"Itapon mo nga 'yan," lumayo siya nang akmang nababahing na siya. Luh? Talaga bang allergy siya sa bulaklak? O arte niya lang iyon kasi hanggang ngayon ay bitter pa rin siya? Niyakap ko ang mga bulaklak para protektahan. Baka bigla nalang niyang hablutin saka itatapon, mahirap na.

"Hoy sungit, kung bitter ka kasi walang nagbibigay sa 'yo ng— ay mali. Kung bitter ka kasi wala kang pagbibigyan ng bulaklak, huwag mo 'kong idamay. Ang aga-aga, ang arte-arte." Inirapan niya ako saka umupo sa sofa at inayos ang gitara niya. Napatingin ulit ako sa bulaklak na kakalagay ko lang sa vase. Galing ito sa secret admirer kong kaibigan ni Daniel. Nakita ko ito kanina sa labas ng bahay na may note pang nakalagay. Nalaman kasi raw niya ang ginawa sa akin ni Kei kaya para raw hindi ako malungkot ay bibigyan niya raw ako ng bulaklak simula ngayon upang mapangiti raw ako. And it really happened. His simple effort made me smile. Naexcite na tuloy akong ma-meet siya.

Hindi sa lumalandi na agad ako ha, pinipilit ko lang ituon ang sarili ko sa ibang bagay upang kahit papaano ay makalimot ako.

"Huwag ka agad magtitiwala sa lalaking 'yon. Baka saktan ka lang din no'n sa huli." Napakunot ang noo kong napatingin sa kinaroroonan niya. Ano'ng pinagsasabi ng mokong na 'to? Alam kong ang tinutukoy niya ay si secret admirer. Siraulo ba siya? Sinisiraan pa ang kaibigan eh. At saka kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam kong mabait iyon noh. Hindi kagaya ng iba diyan. Puro salita, wala namang effort. Oo, pinagluto niya ako, iyon lang!

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Kaibigan mo siya kaya alam kong mabait 'yon. Saka anong sasaktan? Heler, wala pa sa plano ko ang pagboboyfriend noh?!" I rolled my eyes. Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Naku, alam ko na ang iniisip nito. Oo na! Nadala lang naman ako noon kay Kei kasi crush ko siya. Masakit pa rin hanggang ngayon kaya wala na sa plano ko ang magboyfriend. Besides, hindi naman na ako magtatagal sa mundong ito. Hays.

"Hindi ko nga siya kaibigan." Palagi na lang niyang sinasabi na hindi sila magkaibigan. Bakit niya ba dini-deny? Baka secret lang nila tapos nagkataon na nahalata ko. Napangisi ako ng maisip iyon. Sino ba naman ang hindi makakahalata, 'di ba?

"Mukha kang tanga diyan." Sinamaan ko siya ng tingin. Panira ng moment eh. Babatuhin ko na sana siya ng tsinelas pero mabilis itong nakatakbo paakyat sa kwarto niya.

*****

"Friend, bilisan mo please. Late na tayo." Kanina pa siya atat na atat na pumunta sa eskwelahan kasi raw excited na siya sa mga booths na naka-display. Para namang bago ito sa kaniya.

"Wala naman tayong pasok eh. Mas mabuti ngang huwag na tayong pumunta ro'n eh. Nakakadagdag lang tayo sa population ng school." Binagsak ko ang sarili sa kama ko. Ito ang unang araw ng foundation day namin. Maraming katuwaan doon so expected na sobrang dami rin ng mga tao. At sa tuwing may ganitong event ay ayokong makipagsiksikan. For short, I find it boring.

"Huwag ganiyan, friend. Alam mo namang inaabangan ko ang musical drama ng maritime department eh. Daming fafa ro'n." I rolled my eyes on her. Sana maritime na lang kinuha niyang kurso, para hindi lang puro tingin ang magagawa niya, mahahawakan din niya.

"Oo na. Magbibihis na muna ako." Bumangon na ako saka nagtungo sa closet upang mamili ng susuotin.

"Bilisan mo friend, malapit ng magsimula." Nagmake-face ako sa kaniya bago tuluyang pinalabas ng kwarto. Ayoko namang magbihis sa harapan niya 'no?

Blue off-shoulder blouse na tinernuhan ng denim skirt ang napili kong suotin. Nag-sketchers lang din ako, para kung sakaling mahilo ako ay hindi ako mahihirapang magbalanse. Ruby red naman ang naisipan kong kulay ng lipstick ko. Matte ito kaya hindi madaling mabura. Mahirap na, baka hindi ko mapansing nabura na pala, edi makikita nila ang maputla kong labi. Nagsuot na rin ako ng choker para cool tingnan.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon