Chapter 13

47 33 4
                                    

STACEY

"Yeheey!" Pumalakpak ako nang dalhin niya sa ako isang ice cream shop. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian sa isang mamahaling restaurant. Ibibili pa sana niya ako ng dessert kaso tumanggi na ako at sinabing gusto ko lang ng ice cream.

Nilingon ko siya. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Nakaramdam na naman ako ng kalabog sa dibdib ko, na sa sobrang lakas nito ay feeling ko maririnig na niya ang tibok nito.

'Wag naman sana.

"Tara na?" Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami roon. Feeling ko tuloy girlfriend niya ako. Hindi naman siguro masamang mangarap 'no?

"Ano'ng gusto mong flavor?" Tanong nito sa akin habang tinitignan ang mga display. Maraming pagpipilian kaya ang hirap pumili. Pwede bang tikman na lang lahat?

"Ang hirap." Sumimangot ako. Narinig ko namang siyang natawa. Ang hirap naman talaga ah. Sa dami ng pagpipilian, tiyak na mahihirapan ka talaga.

"Pili ka na lang muna ng isang hindi mo pa natikman. 'Tas balik na lang ulit tayo rito para tikman na naman 'yong iba." Napatingin ako sa kaniya. Kanina pa ba niya ako tinitigan? Bigla tuloy uminit ang pisngi ko.

"B-babalik tayo rito?" Nauutal na tanong ko sa kaniya. Babalik? Ibig bang sabihin nito ay may susunod pa kaming date?

"Yes, why not?" Nakangiting sabi niya. Jusko. Bakit hindi na mawala ang ngiti niya sa labi? Masaya kaya siyang kasama niya ako? Kasi hindi naman siya ganito dati. Stalker niya ako kaya alam na alam ko.

"S-Sige." Sa huli ay cookies 'n cream ang napili kong flavor since hindi ko pa natikman ito. Chocolate at vanilla lang kasi ang paulit-ulit na binibili ni Daniel kapag trip niyang kumain ng ice cream.

Pagkatapos niyang bayaran ang ice cream ay lumabas na kami sa shop at naglakad-lakad muna hanggang sa makarating kami sa park. Umupo kami sa isang bench doon.

"Wala ka bang klase ngayong hapon?" Biglang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa direksyon niya. Prente itong nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Ubos na rin ang kinakain nitong ice cream. Ang bilis naman niyang kumain.

"Merong isang subject kaso baka hindi na rin kami magkaklase kasi karamihan sa mga kaklase ko ay athlete." At kahit pa magkaklase siya ay wala akong pakialam basta makasama lang kita. Napangiti ako nang maisip ko iyon. Matototo pa yata akong lumiban sa klase ng dahil sa lalaking 'to. Ganito talaga siguro kapag nagmahal.

"Paano ka nakakasiguro na hindi talaga siya magkaklase?" Enebe, Kei. 'Wag ka nang magtanong, please? Ayaw mo ba akong makasama?

Napasimangot akong napatingin ulit sa kaniya. Nakatingin na siya sa akin ngayon.

"Alam ko kasi tamad 'yon." Ngumuso ulit ako kaya natawa naman siya.

Sinubo ko ang huling ice cream na hinawakan ko saka binaling ang tingin sa playground ng park. May mga batang naglalaro roon. Namiss ko tuloy ang kabataan ko.

No'ng huli kaming namasyal dito ay buhay pa ang papa ko. Kada-linggo kami pumupunta rito para magpicnic. Ito kasi ang naisip ni mama't papa na paraan upang magtitipon kaming magpamilya. Family Day kumbaga.

Naalala ko pa noong hindi pa nagbibinata si Daniel. Sobrang magkakasundo kami sa lahat ng bagay. Tumatawa at nakikipaglokohan pa sa akin ngunit nagbago ang lahat nang mawala si papa. Simula no'n ay hindi na kami nakakapamasyal dahil na rin naging busy si mama sa trabaho. Kahit ano'ng kayod ni mama sa pagtatrabaho rito sa bansa ay hindi sapat lalo na't magka-college na ako no'n kaya napilitan siyang mag-ibang bansa.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon