Chapter 14

15 11 0
                                    

DANIEL

Hinihingal akong napaupo sa bench sa lilim ng isang puno. Dito kadalasang tumatambay si Jamaica at Aoi sa tuwing wala silang klase. Ngunit malaki ang ikinadismaya ko nang hindi ko siya makita rito. Sa'n pa ba ang pwede niyang tambayan? I just need to talk to her badly. She needs to know the truth.

I took a deep sigh and ran away again. This time, I will look for her in the gym. Baka-sakaling nanunuod ito ng basketball.

Wala akong pakialam kung may nababangga na ako papunta roon basta ang gusto ko lang ngayon ay mahanap siya at makausap. Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat.

Pagkadating ko roon sa gym ay marami-rami ang mga tao kaya medyo nahirapan akong hanapin siya. Kailangan ko pang isa-isahin ang bawat bench para masigurado kung nandoon ba siya o wala.

Nasapo ko ang sariling noo'ng napaupo sa may pintuan ng gym.

"Aoi, nasaan ka na?"

Bakit? Bakit kailangan pang mangyari sa amin 'to? I know we're still too young to rush things like this pero anong gagawin ko? Aasa na lang ba ako sa tadhana? Na kung kami talaga para sa isa't isa ay magkikita pa rin kami kahit ilang taon ang lumipas? Kung kami para sa isa't isa, bakit kailangan pang maghintay ng ilang taon para magkatuluyan kami?

"To learn a lesson and to fulfill your dreams. Iyan ang rason kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa inyo ngayon." Inangat ko ang tingin ko sa nagsasalita. How did he know my thoughts?

Nananatili lang akong tahimik habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya. Umupo ito sa tabi ko.

"First, to learn a lesson. Alam naman nating walang perpektong relasyon. You're too confident that nothing will happen with your relationship because you love her. You are too focus with that. Naisip mo na ba minsan na may gustong sumira nito?" Napayuko ako sa sinabi niya. Oo, tama siya. Ang iniisip ko lang ay hindi kami masisira as long as mahal namin ang isa't isa.

"Mahal niyo nga ang isa't isa, ngunit pinagkakatiwalaan niyo ba ang isa't isa?" That words strikes me. Parang tinusok ng sobrang lalim ang puso ko. Mahal nga ba talaga ako ni Aoi? Bakit hindi man lang niya ako pinakinggan at pagkatiwalaan?

"Love without trust. Is that possible? I guess not," patuloy niya. Umiling-iling pa siya habang sinasabi iyon.

"Lesson learned for the both of you. Hindi niyo pa kayang maghandle ng relationship kaya nandito kayo sa sitwasyon na ito. Iyan ang rason kung bakit kailangang abutin ng ilang taon bago kayo magtagpo muli." Teka, nababasa niya ba ang utak ko?

"Uh-huh," umiling-iling siya. "It's just that, I can read your mind through your eyes."

"Second, to fulfill your dreams." Natatawa siya nang banggitin iyon.

"W-what do you mean by that? Pwede namang matupad ang pangarap namin nang hindi naghihiwalay ah." Nakakunot ang noo kong tinignan siya. Hindi ko rin alam kung bakit nauutal ako.

Ngumiti siya at tumingin sa kawalan. Bakit ganito siya umasta? Sino ba siya?

"Sa panahon ngayon, madali lang basahin ang mga utak ng mga kabataan. Sobrang padalos-dalos sa desisyon, nagpapadala masyado sa emosyon. Minsan, may mga bagay tayong magagawa na maging dahilan upang hindi matupad ang mga pangarap natin kasi may mas importanteng bagay tayong dapat unahin. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Nananatili pa rin itong nakangiti nang tignan niya ako sa mata.

"Hindi ko sasabihing normal lang ang mga bagay na iyon kasi nagmamahalan naman kayo," dugtong niya. Ano ba'ng pinagsasabi ng taong ito?

"Naguguluhan ka siguro. Sa totoo lang, hindi ko sinasadyang makita kayo ng girlfriend mo na pumasok sa isang-"

"STOP." Naalarma ako sa sinabi niya so I immediately cut him off. Baka may makarinig pa sa sinabi niya at baka kung ano pa'ng chismis ang ikalat.

Biglang nag-init ang ulo ko. To be honest, I want to punch him right now. Stalker ba siya? Ba't niya ito ginagawa?!

"Ano ba'ng kailangan mo? At sino ka para sabihin sa akin ang mga iyan?! Ba't marami kang nalalaman tungkol sa amin?!" He just chuckled. Ang sarap basagin ang mukha ng gagong 'to.

"First of all, I am not your stalker. It's just that, you and Aoi are popular. And rumors about your break up is spreading easily. At hindi ko talaga sinasadyang makita kayo roon. Second, I was just trying to give you some advices. Totoo naman ang mga sinasabi ko ah." Naikuyom ko ang kamao ko. Nandito ba siya para i-blackmail ako? Isa rin ba siya sa gustong sumira sa relasyon namin ni Aoi?

"Enough, I don't want to hear you anymore." Tumango-tango siya habang nakangiti. Parang expected na niya na mangyayari ito.

"But still, you'll thank me soon. Alam mo bang nagkataon din na nandoon ako noong umamin ang kaibigan ni Aoi sa 'yo?" May dinukot siya sa bulsa at iwinagayway niya sa ere ang cellphone niya.

"I have the key upang magkaayos kayo ng girlfriend mo. Jamaica was right. Aoi won't believe you kung sasabihin mo sa kaniya ang mga sinabi sa iyo ni Jam. Not unless, may proof ka." Iwinagayway niya ulit ang phone niya.

"Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?" Ngumisi siya saka may kinulikot sa cellphone. Maya-maya pa'y iniharap niya sa akin ang cellphone niya at pinakita ang video naming dalawa ni Jamaica na nag-uusap. Kuha iyon galing sa itaas. So ibig sabihin, nasa itaas siya ng puno no'ng mga oras na 'yon?

"If you're thinking that I'm a monkey, nagkakamali ka. Sa itaas ng puno lang talaga ako tumatambay kapag walang klase. Tahimik at presko." Tumawa siya sa sariling biro. Hindi ko alam kung tatawa rin ba ako o hindi. Now is not the time to laugh.

"Sino ka ba? At ano ang gusto mong gawin ko?" Kumalma ako. Kailangan ko iyon dahil hawak niya ang maaaring maging daan upang magkabalikan kami ni Aoi.

"Simple lang naman ang hihilingin ko," sabi na nga bang may kailangan siya eh. Lahat-lahat na basta huwag lang tungkol kay Aoi kung hindi ay mapapatay ko talaga siya.

May dinukot ulit siya sa bulsa ng pantalon niya. Isang piraso ng papel.

"Ibigay mo ito sa Ate mo." Kay Ate? B-bakit? Ibig sabihin...

"Ikaw iyong nag-iwan ng fresh milk sa labas ng bahay namin para sa kaniya?" Nakangiti lang siyang tumango. So, si Ate ang pakay niya?

"Ibigay mo lang iyan sa kaniya. 'Yon lang ang gusto kong gawin mo. At tutulungan kita para magkaayos kayo ni Aoi. And by the way, I'm Gerald." Wala naman sigurong masama hindi ba? Magbibigay lang naman ako ng sulat-or should I say, love letter kay Ate. Tumango ako. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa para sa amin.

"Huwag kang mag-aalala, iyong mga nakita ko. Mga, kasi maraming beses ko kayong nakita." Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang makita iyon?

"Nagkataon lang talaga na magkatapat lang ang tinutuluyan kong condo sa lugar na pinupuntahan niyo," Natawa siya sa reaksyon ko. I felt embarrassed.

"Mananatiling sekreto iyong mga nakita ko. Basta lang, mag-ingat ka. Huwag masyadong mapusok at baka makabuo ka," natatawang sabi niya. Natatawang napailing na lang din ako.

"Gago."

"Siya nga pala, 'di ba hinahanap mo si Aoi?" Tumango ako.

"Nakita ko siyang pumasok sa library kasama ang ahas niyang kaibigan." Napatayo ako bigla sa sinabi niya. Nagpasalamat ako sa kaniya lalo na sa mga payo niya. Aalis na sana ako nang tawagin niya ulit ako.

"Teka, 'yong sulat ko sa ate mo, nakalimutan mo!" Napakamot akong bumalik sa kaniya at kinuha iyong piraso ng papel.

"Salamat ulit, Gerald."

"Walang problema. Basta lang huwag mong kalimutang ilista ang puntos ko para sa Ate mo, ha?" Napailing na lang ako sa sinabi niya saka tuluyan nang umalis.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon