DANIEL
"Daniel, when I'm gone, you must protect your mom and sister, Stacey. You know, girls are weak. They should have someone who'll protect them," dad said weakly. Umiiyak ako habang nakahawak sa kamay niya. Alam kong anytime ay mawawala na siya base sa mga bilin niya sa akin.
"Dad, huwag namang ganiyan. Ako? Ako, sinong poprotekta sa akin? Dad, kailangan kita... Kailangan ka namin..." I cried as I hold his hands tightly. I don't want to let go of him. We were too young upang iwan kami ng isang ama. Paano na lang si Mom?
Why is it that it's too late to discover? Kung hindi siya nahulog ng hagdan dahil sa pagkahimatay ay hindi pa namin malalaman. Oo, napapansin kong namumutla siya ngunit binabalewala ko lang ito. Ang akala ko kasi ay simpleng sintomas lang iyon sa taong may lagnat.
"Gusto kong lumaban Daniel. Gustung-gusto ko ngunit pagod na 'ko. Ayokong iwan kayo ngunit ayaw na lumaban ng katawan ko. Gusto ko nang magpahinga." Hinalikan ko ang malamig nitong kamay at humagulgol ng iyak. After a minute ay nagstraight line na ang heartbeat nito. Nagpanic na ang lahat at sinubukan siyang i-revive ngunit parang nagslow motion sa akin ang lahat at hindi agad nagsink-in sa utak ko ang mga nangyayari. It hurts so much that my dad died in my hands.
Nasa labas pa ako ng bahay nang makarinig ako ng iyak mula sa loob. Bigla akong naalarma at dali-daling pumasok baka may nangyaring masama kay Ate.
Kinakabahan akong nagtungo sa kwarto niya. Nagdududa na akong alam na niya ang lahat. Kilala ko siya, hindi siya umiiyak ng walang malalim na dahilan. Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Magagalit kaya siya? Nang dahil sa akin ay nadamay pa siya.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto niya ay mas lalo kong naririnig ang hagulgol niya. Kumirot na naman ang puso ko. Nasasaktan akong naririnig siyang umiiyak. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan.
"Ate..." Pagkabukas ko ng pinto ay dahan-dahan ko siyang nilapitan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sahig, nakasandal sa kama, nakatungo at yakap-yakap ang dalawang paa.
"Ate... sorry." Hindi siya kumibo at nananatili sa posisyon. Umupo ako sa tabi niya upang aluin siya. Nagdadalawang-isip din akong hawakan siya sa balikat. I know why she's like this, but I don't know what she feel towards me right now so I can't make a move to trigger her anger.
"Ate, sorry kung nadamay ka. Sorry... I really didn't expect na magagawa iyon ni Aoi. Sorry talaga ate." Hindi pa rin siya kumibo ngunit hindi gaya kanina, hindi na siya humagulgol ngayon at sa tingin ko ay nakikinig lang ito.
"Ate, huwag ka nang umiyak please. Nasasaktan ako." Unti-unting tumulo ang luha ko. Knowing how miserable we are right now... It hurts. A lot.
"Sorry kasi nagmahal ako ng maling tao. Sorry kung nadamay ka pa, Ate. S-sorry kasi umiiyak at nasasaktan ka ngayon..." Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa balikat at niyakap.
"I-It's not your fault, Daniel. And we can't blame them either. Just... Just don't let ourselves involve their lives anymore." Tumango-tango ako sa sinabi niya kahit hindi niya ako nakikita.
A minute passed when I notice na hindi na siya nagsalita at hindi na rin siya kumikibo. Napapansin ko rin na parang nakasandal na siya sa akin kaya sinubukan kong humiwalay sa kaniya ng konti mula sa pagkakayakap ngunit bigla na lang nadala ang katawan nito at nahiga sa kandungan ko.
"Ate?" Niyuyugyog ko siya ngunit hindi na ito gumagalaw. Hinawi ko ang buhok niyang nagkalat sa buong mukha niya ngunit laking gulat ako sa nakita.
"Ate!" I can see blood all over her face. At nanggagaling iyon sa ilong niya. She's nosebleeding!
"Ate! Ate, wake up!" Niyugyog ko ulit siya ng dahil sa sobrang nerbyos. I don't know what to do in times like this. Parang na-trauma na ako kay Dad.
BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Teen FictionWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction