Chapter 23

38 25 0
                                    

STACEY

"According to the tests conducted, we discovered that the patient has Aplastic anemia." I was shaking when the doctor said the diagnosis. I don't know what exactly kind of disease is that, but it is far from my expectation because I really thought that what I'm currently experiencing is just a cause of depression. Binabalewala ko nga lang iyong pagno-nosebleed ko eh.

"Anong klaseng sakit 'yan, doc? Is it hereditary or what? Ano po'ng cause niyan? Pwede pa po naman 'yang magamot, 'di ba?" Sunud-sunod na tanong ni Daniel. Like me, he was shaking. Hinawakan ko kaagad ang kamay nitong nanginginig kaya nag-aalalang napatingin siya saglit sa akin at binaling ulit kaagad ang tingin sa doctor.

"Aplastic anemia is a rare disease in which the bone marrow and the hematopoietic stem cells that reside there are damaged. It can be caused by heredity, immune disease, or exposure to chemicals, drugs, or radiation. One known cause is an autoimmune disorder in which white blood cells attack the bone marrow. However, in about half the cases, the cause is unknown. And yes, it can be treated." Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng doctor kasi hindi naman ako medical student. Ngunit nagkaroon ako ng pag-asa sa huling sinabi niya. Alam kong ganoon din si Daniel.

"How can it be treated, doc? It doesn't matter if it'll cost a lot. Just treat my sister." Napaluha ako sa sinabing iyon ni Daniel. He's determined. Even sometimes, I received an insulting words from him, but he still cares for me. I know he always care for me. And I'm very thankful that I have him as my younger brother.

"In your case, the potential cure is the bone marrow transplant. And it should be treated immediately to avoid any other complications."

"Salamat, Doc. Ipapaalam na muna namin sa mama naming." Pagkaalis ng doctor ay nakahinga ako ng malalim. As long as it can be treated, I still have a chance to live. Bone marrow transplant...

"I can be the donor, Ate kasi magkapatid tayo." Napatingin ako sa kaniya at tuluyang naiyak. Niyakap ko siya at humagulgol doon sa balikat niya.

"I don't want to hurt you, Daniel." Gustung-gusto kong mabuhay ngunit hindi sa ganitong paraan. Ayokong saktan siya physically. Ayokong maging pabigat sa kaniya. Ayokong maging responsibilidad niya ako.

"If hurting myself worth your life, I will take the risk." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nag-aalala rin kasi ako sa posibleng resulta pagkatapos ng transplant, kung magiging okay ba siya? I don't know how I feel right now but I find myself smiling when he said these...

"Ayokong mawala sa akin ang pinakatangang babae sa buhay ko, so I must save her."

"Frieeenndd!" Nabalik ako sa realidad nang marinig ang isang sobrang pamilyar na boses. Nilingon ko ito agad saka nakangiting tinitignan siyang papalapit sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Sa'n kayo nagpunta ng isang linggo?" Nakasimangot nitong tanong sa akin. Tinawanan ko lang siya sa inaasta niya. Kahit hindi siya cute sa ginagawa ay namiss ko ito. One week without her is like hell. Sobrang boring.

Kunwari nag-iisip ako ng isasagot kaya medyo nabitin ito. Tuluyan na akong natawa sa reaksyon niya. Nakanganga kasi ito habang hinihintay akong magsalita.

"Seryoso nga friend. Nagtatampo pa naman ako sa 'yo kasi hindi ka man lang nagparamdam." Sumimangot ulit ito saka nag-iwas ng tingin at humalukipkip. Hayy. Nakakamiss talaga ang babaeng 'to kahit kailan. Noong nasa ospital pa kami ay sobrang nangangati na ang kamay kong kontakin siya ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko. Ayokong mag-alala siya at baka magtambay buong araw sa ospital at hindi na makakapasok. Isa rin sa dahilan kung bakit wala kaming pinagsabihan ay ayokong malaman ni Kei na na-ospital ako. Ayokong kaawaan niya ako.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon