Chapter 18

44 29 1
                                    

DANIEL

Kinarga ko si Ate papunta sa kwarto niya at maingat na inihiga sa kama. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nagkaganito. Hindi naman kasi siya madaling magkasakit.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitignan siya. Ano'ng gagawin ko? Nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya. Napakainit niya!

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin kasi hindi ko pa naman nararanasang mag-alaga ng may sakit. Ite-text ko kaya si Kylie?

To: Kylie

Mataas ang lagnat ni ate. Ano ang gagawin ko?

Palakad-lakad ako habang hinihintay ang text niya. Inayos ko rin ang kumot ni ate nang makitang giniginaw siya.

From: Kylie

What?! Naku Daniel, nasa school na 'ko at may tinatapos pang assignment. Bihisan mo muna siya saka mo punasan ng maligamgam na tubig. Pupunta ako diyan mamaya pagkatapos ng first subject ko.

Bihisan saka punasan? Teka, ano'ng uunahin ko? Bibihisan ko ba muna o kukuha muna ako ng tubig? Errr! This is driving me insane. Ate, bakit nangyayari sa 'yo 'to? Sa'n ka ba talaga galing kagabi?

Kumuha ako ng damit pambahay niya sa cabinet. Ang pinili kong damit ay iyong sando at garterized shorts lang upang madaling bihisan. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinubaran. Pipikit ba ako o ano?

Pagkatapos ko siyang bihisan ay bumaba ako upang kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig at maliit na tuwalya. Una kong pinunasan ang mukha niya. Wala pa rin itong malay. Iyong mukha niya ay mukhang sobrang pagod at walang tulog. Itatanong ko talaga sa kaniya saan siya galing kagabi. Hindi pwede'ng hindi siya sumagot.

Habang pinupunasan ko ang mga kamay ni Ate ay biglang nag-ilaw ang cellphone ko na nakalagay sa side table.

From: Kylie

Magaling ka naman magluto 'di ba? Ipagluto mo siya sa soup at ipakain mo sa kaniya. Pasensya na talaga, mamayang 9am pa ako makakapunta riyan.

Inayos ko muna ang kumot ni Ate saka bumaba upang tignan sa baba kung may mga ingredients pa ba sa refrigerator.

Nasapo ko ang sariling noo nang makitang tanging bottled juice and cans lang ang laman nito. Kung meron man ay puro lanta na. Kahit kailan talaga ay walang kwenta pumili ng mga gulay si ate. Tsk!

Bumalik muna ako sa itaas upang siguraduhin na tulog pa si Ate. Kailangan ko muna kasing lumabas upang mamalengke. Hindi naman kalayuan ang palengke kaya siguradong hindi ako matatagalan. Nang masiguradong okay siya ay pumunta ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket at susi ng kotse.

Tatlumpong minuto akong bumyahe papunta sa supermarket dala na rin ng traffic. Pagkakataon nga naman oh, kung kailan ka nagmamadali.

Papunta ako sa meat section upang bumili ng chicken. Chicken soup kasi ang plano kong lutuin para kay Ate. Paborito niya iyon kahit wala siyang sakit kaya siguradong magugustuhan niya iyon. Bibili na rin ko ng pork para may stock kami.

Habang pumipili, ay nagulat na lang ako nang biglang kumapit sa braso ko.

"Hi love," masayang bati niya sa akin. Napairap naman ako sa inasta niya. Kailan ba siya titigil?

"Jam, please lang. Nagmamadali ako." Binawi ko ang braso ko saka binaling ang atensyon sa pagpili ng karne.

"Isang kilo po nito," sabi ko doon sa sales lady in-charge. Binigay niya naman agad iyon.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon