Chapter 10

53 40 6
                                    

STACEY

"Ano ba namang kalokohan 'to ate?!" Inis na tanong ni Daniel sa akin. Napasimangot naman ako. Nakakainis din palang pagalitan ka ng nakakabata mong kapatid. Hindi ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko naman talaga.

"Sorry na kasi. Hindi naman kasi ako rito magdi-dinner," paliwanag ko sa kaniya pero hindi pa rin nawawala ang pagka-kunot ng noo niya.

"At aanuhin ko naman itong hotdog na binili mo? Isang kilo pa talaga ha? Maliwanag na maliwanag iyong t-in-ext kong menudo ang lulutuin ko at hindi ito!" Aba't ang hilig na niyang manigaw sa akin ah! Simula no'ng maghiwalay sila ng girlfriend niya ay naging mainitin na ang ulo niya.

"Sa labas nga kasi ako kakain. Ayoko namang magluto ka nang hindi ko matitikman kaya 'yan na lang muna ang ulamin mo," nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Padabog niyang nilagay sa refrigerator ang hotdog na binili ko. Sungit nito!

"Sama ako," natigilan ako sa sinabi niya. Date 'yon, date! Kaya dapat walang istorbo!

"Huwag na. Dito ka na lang. Kung gusto mo ipagluto kita. May manok pa naman d'yan sa ref. at saka mamaya pang six ang alis ko," ngumiwi naman siya sa sinabi ko.

"At ano naman ang lulutuin mo, aber? 'Wag na, baka lasunin mo lang ako," sabi nito saka nilagpasan ako. Nakita ko itong lumabas ng bahay. At saan naman siya pupunta? Kakauwi lang, aalis na naman? Bahala na nga siya sa buhay niya.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Alas singko na ng hapon. Malapit lang kasi ang department store rito sa bahay namin kaya hindi ako natagalan at nakauwi agad.

Isang oras na lang. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko upang maghanda. Mabuti na 'yong maaga ako kaysa naman paghintayin ko siya. Nakakahiya naman sa kaniya.

Naligo ako at nagsuot ng simpleng floral dress at palm shoes. Pulbo at lip gloss lang ang nilagay ko sa mukha at baka isipin pa niyang pinaghandaan ko talaga kung maglalagay pa ako ng make-up. At saka maganda naman ako kahit wala akong arte sa mukha.

Alas singko y medya nang matapos ako sa paghahanda. Bumaba na ako upang doon na lang maghintay, sakto namang may nagdoorbell kaya tinignan ko.

Bigla na lang kumalabog ang dibdib ko nang makita kung sino iyon. Nae-excite ako na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Totoo nga ang lahat ng ito.

"N–napaaga ka yata?" nauutal na bati ko sa kaniya. Napansin ko namang tinitigan niya muna ang kabuuan ko bago siya tumingin sa mga mata ko.

"You look beautiful," nakangiting sabi niya.

'Hey, beautiful'

Kinilig na naman ako nang maalala ang binigay niyang rosas kanina kasama ang note na 'yon. Ang sweet pala ni Kei. Ibang-iba ang mga diskarte niya sa babae. Ayokong maging assumera pero hindi ko mapigilan eh.

"Thank you," nahihiyang sabi ko. Sino ba naman ang hindi mahihiya? Ito ang unang pagkakaton kong sinabihan ng maganda ng isang lalaki. Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend lalo na't nakita ko si Kei noong freshmen pa kami. Nagbabasakali kasi akong mapansin niya gaya ng mga nababasa ko at worth it naman ang paghihintay ko kasi nandito na siya ngayon sa harapan ko.

"Sinadya ko talagang pumunta rito ng maaga. Ayoko kasing paghintayin ka. Are you ready?" Aaminin kong kinilig ako sa sinabi niya. Who wouldn't?

"Yes. Wait, kunin ko lang ang bag ko sa taas. Pasok ka muna," pumasok naman siya at nilibot ang tingin sa buong bahay. First time kong nagpapasok ng lalaki rito and good thing na wala si Daniel. Napaisip tuloy ako na tama akong hotdog ang binili at hindi iyong tinext niya sa akin kanina. Kung hindi ay baka nandito pa siya ngayon at nagluluto.

Pagkababa ko ay nadatnan ko siyang tinitignan ang mga picture frame na naka-display sa maliit naming aparador.

"Kei..." Tawag ko sa kaniya na agad din namang siyang lumingon at ngumiti.

Tahimik kaming bumabyahe. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta ang alam ko lang ay magde-date kami and I admit na masarap sa feeling na kasama mo ang taong gusto mo.

"Dalawa lang pala kayong magkapatid?" Basag niya sa gitna ng katahimikan. Nakatuon pa rin sa daan ang tingin niya.

"Yes. Mayroon akong nakababatang kapatid na lalaki," nakangiti kong sabi sa kaniya. Nakita ko namang siyang ngumisi.

Isang oras ang tinagal namin sa daan kasama na ang traffic, so ibig sabihin ay hindi lang ganoon kalayo ang pinuntahan namin.

Inalalayan niya ako hanggang sa pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Pinaupo niya muna ako sa upuan saka siya umikot at umupo naman sa harapan ko. Umorder naman kami agad.

Habang sinasabi niya sa waiter ang order namin ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pakatitigan siya. His eyes, nose, lips, and jawline. Bakit napaka-perpekto yata ng lalaking ito? Pati mukha niya ay sobrang kinis. Dinaig pa ang kutis ko.

"Hey," I snapped back to reality when he called me. Nahiya tuloy ako bigla. Nakita kasi niyang tinitigan ko siya. Baka kung ano pa ang isipin niya.

Tumungo lang ako at pinaglaruan ang daliri nang walang magsalita sa amin. Hindi ko kasi alam ang sasabihin at hindi ko rin alam kung ano ang pag-uusapan namin. Baka nga naboboringan na siya sa akin eh.

"So, tell me about your family," napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Bakit ang gwapo niya sa lahat ng anggulo?

"Hmm, my mom works abroad kaya kami lang sa bahay ng kapatid ko. And my dad died because of a disease,"

"I'm sorry," natigilan naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"No, it's okay. We already moved on," nakangiti kong sabi. Hindi pa rin niya binibitiwan ang pagkahawak sa kamay ko kaya hindi ko mapigilang kiligin.

"At okay naman ang kapatid ko, masungit nga lang. Minsan nga, iniisip kong siya ang nakakatanda sa aming dalawa. Hindi naman sa immature ako ah," depensa ko sa sarili ko. Baka akalain niyang hindi ako seryoso sa buhay. Rinig kong wala pa namang magkakagusto kapag isip-bata ka.

"Sineseryoso lang talaga niya lahat ng bagay," dugtong ko. He chuckled kaya nakangiting napatitig ako sa kaniya. Kahit ang boses niya ay magandang pakinggan. Paano ba ginawa ang lalaking ito at bakit parang ang perpekto?

"Ikaw? Kumusta kayo ng kapatid mo?" Biglang naglaho ang ngiti niya at umayos ng upo. Bakit ganoon ang naging reaksyon niya? Hindi ba sila okay?

Tumikhim muna siya saka tinignan ako sa mata bago sumagot, "we're not that close but we're fine," matipid itong ngumiti.

"But how'd you know I have a sibling?" Awtomatikong nakagat ko ang labi ko. Hindi pala niya alam na matagal ko na siyang kilala. Baka akalain pa niyang stalker ako, which is true naman.

"Ahh ehh– sabi nila," nauutal kong sabi. Mukhang naniwala naman siya at tumango na lang.

Buti na lang talaga at sikat siya kung hindi ay baka magduda na siya kung saan ako kumukuha ng impormasyon tungkol sa kaniya.

"I see," he smiled.

Pagkatapos naming kumain at nagkwentuhan saglit ay hinatid na niya ako sa bahay. Medyo late na rin kasi at may dapat pa raw siyang aasikasuhin, hindi naman niya nakwento kung ano.

I can tell that dating Kei Fujimasa is different, though hindi pa naman ako nakipag-date kahit kanino. Kahit kasi saglit lang kaming nagkasama ay pinaramdam niya sa aking espesyal ako sa pamamagitan ng pagiging gentleman niya. And no words can explain how happy I am today.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago napagdesisyunang pumasok sa loob.

Nasa may pintuan na ako nang may mapansin akong bagay. Pinulot ko ito at binasa ang maliit na note na nakadikit dito.

Drink this before you go to sleep. Sleep well, beautiful.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon