Chapter 7

77 53 22
                                    

DANIEL

Napatingin ako sa isang restaurant mula sa malayo. Isang linggo na lang bago ang anniversary namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa pina-cancel lahat ng inihanda ko sa araw na iyon. Nakakalungkot man isipin, pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.

Kumawala ako ng buntong-hininga saka dahan-dahang naglakad papalapit doon. Kukumustahin ko lang ang kaibigan kong naghanda ng lahat.

"Nandiyan po ba si Ms. Alvarez?" tanong ko roon sa isang waiter. Tumango naman siya saka pumasok siya sa kitchen.

Dalawang minuto bago siya lumabas na naka-epron pa at may dalang cake. May kasama rin siyang dalawang waiter na may dalang tig dalawang cake.

"Hi Daniel," nakangiting bati niya saka nilapag sa lamesa ang mga cake. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Ayokong mahalata niya na hindi ako masaya. At ayokong malaman niyang break na kami ng girlfriend ko. I don't want to disappoint her. She personally made the plan for us. And seeing her today make me realize to do something with Aoi.

"You came just in time!" masiglang sabi niya. Dali-dali siyang tumabi sa akin.

"I made these cakes para pagpilian mo. Hindi mo kasi nabanggit kung ano'ng flavor ang gusto ng girlfriend mo, so heto... Taste it all and choose," she handed me a fork. Natawa naman ako sa kaniya. Mas excited pa kasi siya kaysa sa akin.

"Oo na, titikman ko 'to lahat. Gawa ito ng bestfriend ko eh," Alice Alvarez is my best friend since high school. And at this age, she owned this restaurant. Hindi na kasi siya pinaaral ng parents niya sa university because of her disease. Nagho-home-school lang siya simula no'ng ma-diagnosed siya ng heart failure. Kaya para naman may mapagkakalibangan ay pinatayo itong restaurant para sa kaniya.

"So, kumusta kayo? May ideya na ba siya sa surprise mo?" bigla akong natigilan sa tanong niya. Binaba ko muna ang tinidor na hawak saka siya tinignan. Kung titignan mo siya ngayon ay parang wala itong karamdaman. Napangiti naman ako, masaya lang ako na okay siya.

Dinikit ko ang hintuturo ko sa noo niya at pilit na inilayo, "huwag ka ngang lumalapit sa akin ng ganiyan, sinasabi ko sa 'yo, selosa ang girlfriend ko," tumawa ako sa naging reaksyon niya.

"Feeling mo naman..." Nagmake-face ito kaya lalo akong natawa.

"Sige lang, tawanan mo lang ako. Next time, hindi mo na magagawa iyan," bigla akong sumeryoso at kunot-noong tinignan siya. Nakatingin lang ito sa kawalan.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, Alice," hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

Humagikhik ito, "ang seryoso mo! Siyempre matapang ito 'no, kailan pa ako hindi lumaban sa sakit na 'to?" nalungkot ako sa sinabi niya. Alam kong itong mga ginagawa niya lang ang nagpapasaya sa kaniya kaya ayokong i-disappoint siya.

"Tikman mo na, tagal eh!"

Masarap lahat ang gawa niya ngunit pinili ko ang chocolate cake kasi ito ang paborito ni Aoi.

Pagkatapos kong tikman ang lahat, tinulungan ko siyang ibalot ito. Balak kasi niyang ibigay ang mga ito sa mga street children. Ito rin ang isa sa nagustuhan ko sa kaibigan ko, napakamatulungin niyang tao. Minsan nga napaisip ako, bakit siya pa ang binigyan ng ganitong klaseng sakit? Ano ba ang naging kasalanan niya?

"Hmm, ang sarap po ng cookies na ito ate," napatingin ako sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ng batang kumakain ng cookies. Maliban kasi sa cakes na ginawa niya ay nagbake rin siya ng cookies para sa mga ito.

"Salamat. Kumain lang kayo," napangiti ako. Sana marami pa siyang oras na makasama kaming nagmamahal sa kaniya. We can't afford to lose someone like her.

"Ate, mas okay pa rin siguro kung kanin ang kainin namin," nagtawanan ang mga ito kaya natawa nalang ako.

"Don't worry, later pakakainin ko kayo 'pag nagclose na ang resto ko ha? Madami pa kasing costumers eh," nakakatuwang makita ang mga bata na tumatawa sa isang simpleng bagay.

Nagulat ako nang may kumandong sa aking batang babae. Mahaba ang buhok nito at madungis ang mukha, dahil na rin siguro sa pamamalagi niya sa daan. Siguradong maganda ito kapag naayusan.

"Kuya, ang bait niyo naman ni ate," nakangiting sabi nito sa akin. Sobrang cute niya, na'san na kaya ang mga magulang nito?

"Oo, mabait 'yang si Ate Alice niyo,"

"Kaya niyo po ba siya nagustuhan?" napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano kaya'ng ibig sabihin niya?

"Ang swerte niyo siguro sa isa't isa. Gusto ko paglaki ko, magkaroon din ako ng boyfriend na katulad mo, tapos magiging mabait din ako katulad ni ate," natawa ako sa sinabi niya.

"Oo, tama ka. Ang swerte namin sa isa't isa. At oo, gusto ko siya pero magkaibigan lang kami," ngumiti ako. Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Parang gusto niyang magprotesta.

"Eh bakit magkaibigan lang? Akala ko po... Eeeh! Bagay po kayo," nagpout siya. Naku, ang sarap kurutin. Nakikita ko tuloy si Ate sa kaniya.

"Hmm... May mga bagay talaga na hindi pwede. Oo, close kami pero hanggang magkaibigan lang talaga. May spark siguro pero wala naman kaming nararamdaman para sa isa't isa. For short, hindi kami meant to be," halatang nalungkot siya sa sinabi ko kaya ginulo ko nalang ang buhok niya.

"Daniel, mamaya ka na umuwi ah? Samahan mo muna kami rito ng mga bata," tumango naman ako sa sinabi ni Alice. Minsan ko lang siyang binibisita kaya hindi na ako tumanggi.

Nagkukulitan kami ng mga bata. Naglaro rin kami ng statue dance sa gilid ng daan. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko. Matagal-tagal na rin kasi no'ng huli kaming naglaro ng ganito. Kahit sandali ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman.

"Dahan-dahan naman, Alice," sinalo ko siya nang muntik na siyang matumba. Aksidente kasing natulak siya no'ng bata.

"Uy... Concern si bestfriend," tumawa ito saka umayos ng tayo kaya napakamot nalang ako. Kinantsawan naman kami ng mga bata.

Nagtatawanan kami nang mabaling ang tingin ko sa malayo. Nahagip agad ng mga mata ko ang isang babaeng nakatingin sa amin. Nang makilala ko ito ay biglang naglaho ang ngiti sa labi ko.

It was Aoi!

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Nang tumalikod na siya at akmang aalis ay tumakbo na talaga ako upang habulin siya. Narinig kong tinatawag ako ni Alice pero hindi na ako lumingon pa.

Bakit siya napunta rito? Sinusundan niya ba ako? Ano naman kaya ang iniisip niya habang tinitignan kami? Hindi pa naman niya kilala si Alice.

"Aoi! Aoi, wait!" mas mabilis ako kaya nahagip ko kaagad ang kamay niya. Pagkaharap niya ay sinampal niya kaagad ako. Umiiyak siya at nasasaktan akong makita siyang ganito. My ghad! What have I done?

"For what, Daniel? At first I didn't believe, pero ngayong nakita na ng dalawa kong mata, ano pa ang dapat mong i-explain sa 'kin, Daniel?" napayuko ako sa sinabi niya. I don't know what to say, hindi ko alam kung saan magsisimula. I don't want to lose her, but how can I tell her the truth? She wouldn't even listen.

"Masaya kang kasama siya, nakikipaglaro ka pa. Samantalang ako, palaging sa bahay o studio lang nagkikita... Ano'ng laban ko roon?" I looked at her. Sunud-sunod ang luhang pinapakawalan ng mga mata niya. Gusto kong punasan iyon, pero alam kong iiwas lang siya kapag ginawa ko iyon.

"Gaano na kayo katagal? Ilang buwan mo na akong niloloko ha, Daniel?"

"No Aoi! Hindi kita niloloko, believe me," umiling-iling siya. Alam kong hindi sapat ang mga salitang iyon para mapaniwala siyang nagsasabi ako ng totoo at alam kong kahit ano'ng gawin ko ay sarado ang utak nito ngayon dahil sa galit.

"I'm already tired, Daniel. Pagod na akong umiyak at masaktan, hayaan mo muna ako. Sa ngayon, ayaw na muna kitang makita," nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya. Hindi ko na ba talaga masasalba ang isang taong relasyon namin?

No, hindi ako papayag. Kung mahal mo, ipaglaban mo.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon