STACEY
"At my condo,"
"H-ha??" nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Ano'ng gagawin namin sa condo niya? 'Di ba ang usapan ay ililibre niya ako ng lunch? Bakit doon?
Natawa siya sa reaksyon ko, "yeah, but I changed my mind. Ipagluluto nalang kita ng lunch," sabi niya saka bumaling na agad sa daan.
Nakahinga ako ng maluwag at umayos ng upo. Sa loob-loob ay nagtitili na ako. Ang isang Kei Fujimasa ay ipagluluto ang isang tulad ko? My ghad!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman ko itong nagvibrate. Nagtext si Kylie.
From: Kylie
Ikaw ha, hindi mo man lang ako sinabihan na may date kayo ni Kei.
I smiled upon reading her text message. Sabi na eh, ite-text niya ako pagkatapos no'ng nangyari kanina.
To: Kylie
Sorry friend, kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko kaya hindi kita nasabihan kaagad.
Tinago ko na ang phone ko at tinignan si Kei na nagda-drive. Napangiti ako sa nakikita ko. Totoo ito, kasama ko si Kei! Humagikhik ako ng mahina.
Tinikom ko ang bibig ko nang makita ko siyang tumingin sa akin. Ayokong makita niya akong tumatawang mag-isa, baka kung ano pa ang isipin niya.
"Why are you smiling?" nakita ko siyang sumulyap saglit sa akin saka tumingin ulit sa daan. Sabi na eh, nakita niya akong nakangiti. I frown in my thought, mapagkamalan pa akong baliw nito.
"I'm just happy," biglang sabi ko. Teka, sinabi ko iyon?! Baka mahalata pa na may gusto ako sa kaniya. Naku, nakakahiya!
"I'm happy, too," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Masaya siya? Ano naman kaya ang nakapagpasaya sa kaniya?
"Why?" I asked through my curiosity. Hindi naman siguro masama 'no? And I'm always curious about him. 'Yong feeling na gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kaniya, both negative and positive side.
"Because I met you," he smiled. Waahh! Kinikilig ako. Ang hirap pa lang pigilan ang kilig lalo na't kasama mo ang taong may dahilan nito. Parang sasabog na ang puso ko sa nararamdamang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ang swerte ko?
Sobrang lapad ng ngiti ko dahil sa kilig, kaya hindi na ulit ako nakapagsalita. Baka mahalata sa boses na kinikilig ako.
"Are you okay?" sumulyap ako sa kaniya. Nakangiti ito habang nakatingin sa daan. Bakit palagi siyang nakangiti? Sa tuwing nakikita ko naman siya dati ay hindi siya ganito.
"Kinikilig ako," pabulong kong sabi. I don't think na narinig niya iyon kasi sobrang hina no'n.
"Kinikilig?" natatawang tanong niya. Wait, narinig niya iyon? Ang talas naman ng pandinig niya. Tss, nakakahiya!
"W-wala," nauutal na sabi ko. Feeling ko, pulang-pula na ako sa sobrang kahihiyan. Mula pa kanina sa school. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng daan upang mahimasmasan ang sarili.
Tatlumpong minuto ang byahe namin bago makarating sa condo niya.
"We're here," sabi niya pagkatapos bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hmm, gentleman.
"Thank you," napangiti ako nang tumalikod na siya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ang bait niya sa akin. Kahapon lang kami nagkakilala, ganito ba talaga siya? Pati sa mga kinikilos niya ay nacu-curious ako.
BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Teen FictionWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction