Chapter 1

220 87 128
                                    

STACEY

"ACCKKKK! Grabe ang gwapo niya talaga! OMG!" tili ko sabay gulong pa sa sahig. Baliw na kung baliw.

"Sus Stace, ang dami pang lalaki diyan. Pumili ka naman ng lalaking kaya mong ma-reach, 'wag iyan. Alam mo namang ang high ng standard ng lalaking 'yan pagdating sa babae," sita ng kaibigan kong very supportive -- si Kylie.

Ang saklap ng sinabi niya 'di ba? Parang sinabi niya na rin sa akin na nasa low standard akong klaseng babae. FYI, hindi naman ako pangit. Cute nga eh. Hindi nga lang ako marunong mag-ayos ng sarili. Hindi gaya ng iba diyan na natatabunan ng make-up ang mukha. Ako, wala pa ngang make-up, maganda na!

"Kylie naman..." nagpout lang ako sabay upo sa sofa. Medyo na-offend ako sa sinabi niya pero hindi ko na iyon pinansin.

"Alam mo namang gusto ko talaga si Kei kahit imposibleng mapansin niya ako. Kahit hanggang panaginip lang," seryosong sabi ko sa kaniya. Wala namang masama ang magkagusto 'di ba? Masasaktan nga lang ako. Kasi alam kong hinding-hindi niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay ko.

Matagal ko nang gusto si Kei Fujimasa. Isang hapon na napadpad sa Pilipinas, 'di joke! Haha. Dito na sila tumira sa bansa noong tumuntong sila ng kolehiyo kasama ang kapatid nitong babae. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan. Hindi kasi siya kasama sa pang-i-stalk ko kay Kei.

Unang kita ko pa lang sa kaniya noong 1st year college kami ay nagustuhan ko na siya, physically. Crush at first sight, ika nga. Iba kasi talaga ang dating niya para sa akin eh, para sa aming mga babae. Ewan ko ba kung ano'ng meron sa kaniya, ang lakas ng sex appeal.

At kahit kalaunan ay nalaman ko ang totoong siya-- playboy at snob, ay patuloy pa rin ang pagkagusto ko sa kaniya. Ewan ko ba, I love everything about him.

"Oo nga friend. Pero ano'ng magagawa natin diyan? Ano, hahayaan nalang kitang mabaliw?" napasimangot nalang ako sa sinabi niya at nagcross arms na sumandal sa sandalan ng sofa. May point naman siya pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na humanga sa kaniya.

"Alam mo Stac--" magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at niluwa noon si Daniel, ang nakababata kong kapatid.

Kami lang palang dalawa ni Daniel ang nakatira sa bahay na ito. Our mom is out of country. Nagtatrabaho sa ibang bansa para mapag-aral kami. Ang dad naman namin ay matagal ng namatay dahil sa sakit na leukemia. Tanggap naman na namin. At saka matagal na iyon, moved on na kaming lahat.

Napakunot ang noo ko sa itsura niya. Hindi kasi maipinta. Nakakunot ang noo nito na parang ang lalim ng iniisip. Bitbit niya sa kanang braso ang gitarang palagi niyang dala. Mas mahal pa nga niya ang gitarang 'yan kaysa sakin eh.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo Daniel?" hindi ito sumagot at nilagpasan lang kami sa sala.

"Hoy Daniel!" tawag ko sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig. Nabingi na ba? Haayy! Sinabi ko naman sa kaniya na itigil na niya 'yang kababanda niya. Iyan tuloy nabingi na. Bilhan ko nalang siya ng cotton buds bukas. Kawawa naman ang kapatid ko.

"Naku Stace, mukhang may malaking problema 'yon si fafa Daniel ah?" humagikhik ito. At kinilig pa talaga! Seryoso? May gusto ba siya sa kapatid ko?

Palagi kasi niyang sinasabi na ang gwapo raw ng kapatid ko, na crush na raw niya si Daniel. Ang cool daw tignan kapag naggigitara na. Bukambibig parati ang pangalan kapatid ko. At kapag pinag-usapan na namin siya, sobra kung makatili at kiligin ang bruha. Isa lang naman ibig sabihin no'n 'di ba? May gusto siya sa kapatid ko.

Nang magpaalam na si Kylie, pinuntahan ko si Daniel sa kwarto niya. Kakatok pa sana ako nang buksan niya ang pinto.

"Pasok," walang gana niyang sabi. Agad naman akong pumasok. Baka magbago pa ang isip niya.

Umupo muna ako sa gilid ng kama niya bago magsalita, "ano'ng problema, Daniel?" tinignan ko lang siya sa mukha kung ano ang magiging reaksyon niya.

Walang ka-emosyon-emosyon ang mukha niya. Pero kapag titignan mong mabuti, nangingibabaw ang kalungkutan nito. Bakit naman kaya? Wala talaga akong ideya kung bakit ganito siya ngayon.

"She broke up with me, ate," nananatili siyang nakayuko. Medyo basag na rin ang boses niya. At feeling ko, iiyak na siya anytime.

Broke up with him? May girlfriend ang kapatid ko? Ba't hindi ko alam? Hahaay. Hindi na ako magtataka, hindi naman kasi niya pinapaalam ang pinaggagawa niya, lalo na kung personal. Lalong-lalo na sa buhay-pag-ibig nito.

Babatukan ko sana siya pero naalala kong may problema pala 'to. Next time nalang. Baka masira ko pa ang moment niya sa pag-eemote.

Tinignan ko lang siya na puno ng pagtatanong. Hahayaan ko muna siyang magpaliwanag. Umupo na muna siya sa kama katabi ko at yumuko.

"Sorry, sis if I didn't told you about this," he paused for a while. I understand. Hindi naman kasi madali ang sitwasyon namin. Iba pa rin kasi kapag may kapatid kang makakasundo. Baka na-aawkwardan siyang magkwento sa akin tungkol sa lovelife niya.

"We've been together for almost a year. Supposedly we'll celebrate our anniversary next next week but she broke with me today," nalungkot tuloy ako sa kwento ng kapatid. Naaawa ako sa sitwasyon niya. Pero hindi ko alam kung paano siya i-comfort.

"Bakit daw?" wala naman sigurong mababaw na dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang girlfriend niya 'di ba?

"I don't know. Ang sabi niya, I cheated on her. Nakita raw niya ako na may kasamang babae. Wala naman akong babae, ate. Alam mo 'yan, hindi ako manloloko," natutuwa ako na medyo nalungkot. Natutuwa ako kasi first time ko siyang narinig na sinasabi sa akin ang mga ito. Kahit hindi kami close, alam niyang kilala ko siya. Kahit hindi 'to namamansin sa akin minsan, ayaw niyang nakikita akong umiyak. At malungkot ako kasi wala akong magawa para mawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"I know bro," tinapik ko nalang ang balikat niya. Paano ko ba talaga siya i-cocomfort? Yayakapin?

"Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, ate," nakita ko kung paano tumulo ang luha galing sa mga mata nito. Para ring binibiyak ang puso ko sa nakikita ko. Napakuyom ako ng kamao.

"Alam mo bro, sa isang relasyon, kailangang may tiwala. Sa pinapakita niya ay hindi siya nagtitiwala sa 'yo. Ano'ng gagawin mo? Wala. It's her loss bro. Pinakawalan niya ang isang tulad mo. Kaya 'wag kang magsayang ng panahon sa kakaiyak. Isipin mo nalang na andito pa ako. Ang taong totoong nagmamahal at nagtitiwala sa 'yo. Naiintindihan mo ba ako Daniel?" ginulo ko ang buhok niya para mag-iba ang mood nito.

Ewan ko ba kung tama ang binigay kong payo. Base lang naman iyon sa kung sa tingin ko ay tama. Hindi ko pa kasi naranasan ang ganitong problema. Tawanan niyo pa ako pero NBSB talaga ako. Isa lang naman kasi ang pangarap kong lalaki.

Sinimangutan niya lang ako at niyakap. Kahit kailan hinding-hindi ko ipagpapalit ang kapatid ko. Kahit pa sa lalaking gustung-gusto ko.

Pagkatapos naming mag-usap, dumeretso na ako sa kwarto ko at naglog-in sa facebook at twitter. Mang-i-stalk na naman ako kay myloves ko. Baka may update na naman sa buhay niya.

Pagka-open ng profile ko sa facebook ay may limang friends request, 1 message, 27 notif. Inuna ko muna ang notif. Puro chuvachuchu likes your profile picture, etc. Kaya do'n na ako sa message. Si Kylie lang, nangungumusta sa kapatid ko. Sa kapatid ko pa napiling lumandi. Tsk.

Napailing nalang ako habang s-in-ent ang reply ko. Inopen ko na ang friends request.

Halos maestatwa ako sa kinauupuan ko nang makita kung sino ang isa sa mga nagrequest.

Matagal ko na siyang gusto i-add pero nasa maximum limit na raw ang friends niya kaya hindi na pwede. Pero heto na ngayon! Waah! I can't believe it! Really.

Kei Fujimasa sent you a friend request.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon