Chapter 16

58 31 0
                                    

STACEY

"Bakit wala akong nakikitang mga butuin?" Nakasimangot akong nakatingin sa langit. Kanina pa lumubog ang araw pero nananatili pa kami para tignan ang mga butuin. Ito kasi ang unang pagkakataon ko sa ganito kaya linubos-lubos ko na.

"Baka uulan? O kaya'y ayaw lang talaga nilang lumabas kasi nahihiya sa 'yo." I heard him chuckle. Napangiti ako do'n. Ang sarap kasi sa teynga at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko ang taong tinitignan ko lang sa malayo noon.

"Siguro tama ka. Sa ganda kong 'to? Sino ang hindi mahihiya?" Natawa ako sa sariling biro. Hindi ko nga alam kung nakakatawa eh. Lalo lang akong na-awkward nang wala akong marinig ni isang salita galing sa kaniya. Napahiya tuloy ako. Claiming myself to be beautiful in front of the guy I liked? Wth! Baka nga hindi siya nagagandahan sa akin eh.

Dahan-dahan ko siyang nilingon para tignan ang reaksyon niya sa sinabi ko. Kahit napahiya ako ay syempre gusto kong makita kung ano ang reaksyon niya.

Seryoso itong nakatingin sa akin kaya tumingin na lang ako sa harapan at bahagyang napakamot sa ulo ko. 'Yong reaksyon kasi niya ay parang nagsasabing 'maganda ka? Sa'n banda?'

"Yes, you're beautiful." Awtomatikong napatingin ulit ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

"Talaga?" Ngumiti siya sabay tango. Wow, kinabahan pa akong hindi siya nag-agree sa sinabi ko kaninang maganda ako.

I sighed as a sign of relief.

Wait.

What?

Nagagandahan si Kei sa akin? Tinignan ko ulit siya. Nakatitig pa rin ito sa akin. Nagmumukha tuloy akong tanga sa ginagawa ko.

"What's the matter?"

"Maganda ako sa paningin mo?" Tanong ko sa kaniya. Parang nawala tuloy ang hiya sa buong katawan ko sa tanong ko sa kaniya. Wth, Stacey! I can't believe I ask that kind of question to Kei. What if, he says no? At paano kung sabihin niyang joke lang iyon? Edi, nganga?

Tumawa siya saka tumango, "Maganda ka talaga. Mamatay man si superman." Pareho kaming natawa sa sinabi niya. May sense of humor din pala itong si Kei. Lalo ko tuloy siyang nagustuhan.

Nakangiti akong tumingala ulit sa langit. It's worth it staying here kahit wala pa rin akong nakikitang mga bituin dahil sa nangyari. Posible kayang magustuhan din niya ako? Sabi niya, maganda ako, pasok na ba ako no'n sa standard ng isang Kei Fujimasa?

"Huh?" Napakunot ang noo ko nang may likidong pumatak sa ilong ko.

"It's raining!" Dali-daling bumangon si Kei mula sa pagkahiga. Pati ako ay napabangon na rin. Nilagay niya sa ulo ko 'yong hinigaan namin kanina para hindi ako maulanan.

It's just a seconds when the rain pour heavily. Feeling ko tuloy may bagyo dahil na rin siguro sa lakas ng hangin.

"Come on, Stacey! Mababasa tayo," tawag ni Kei sa akin ngunit nananatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. I've got an idea.

"Kei, naranasan mo na bang magtampisaw sa ulan?" I said, smirking.

"Huh?" Hindi na siya nakapagsalita pa nang hilahin ko siya at tumakbo papalayo sa sasakyan niya.

The best time you could spend with the person you like is making memories with them.

"Woohh, ang ginaw." Para akong basang sisiw ngayon habang nakaupo sa backseat ng kotse ni Kei. But it's all worth it.

"Good thing I have an extra clothes inside my car." Nilagyan niya ako ng maliit na towel sa ulo ko at may nilagay siyang damit sa tabi ko.

"Change first. Baka magkasakit ka." Lumabas siya ng sasakyan saglit. Maghuhubad na sana ako nang biglang nagbukas ang driver's seat at pumasok siya roon.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon