Chapter 3

120 78 81
                                    

STACEY

"No, you're not!"

Iyong feeling na nagtititigan kayo, may background music pa, magkahawak ang kamay habang nasa garden na puno ng mga bulaklak na pinaliligiran ng mga paru-parong iba-iba ang kulay. Tapos may biglang sumingit sa eksenang iyon na sasabihing hindi ako okay? Sarap sakalin! Tinignan ko saglit 'yong isang kasama niya na sumira sa eksena namin.

Kinuha niya ang kamay ko at tinignan ang siko, "shit! I'm really sorry miss. Come on, I'll take you to the clinic."

Inalalayan niya ako sa paglalakad. Tatanggi sana ako kaso hindi ko na maibuka ang bibig ko sa sobrang kaba. At doon ko na rin na-realized na ang dami na palang nanunuod sa amin. Nakita ko pa ang girlfriend ng kapatid ko na nakinuod. Nakatingin siya sa akin. Iyong tinging normal lang. Hindi niya ba talaga ako kilala? Walanghiyang Daniel na iyon, hindi man lang ako pinakilala sa girlfriend niya kahit sa picture man lang.

Pagdating namin sa clinic ay pinaupo niya ako sa kama saka umupo siya sa harapan ko.

"I'm really sorry, miss. I didn't mean to bump you. Hmm. What's your name again?" napangiti ako. Ang cute pala niyang mataranta.

"Stacey," I said.

"Hi Stacey. I'm Kei," I know. Who wouldn't know a popular guy at school like you?

Nakipagkamay siya sa akin. Ang lambot ng kamay niya. 'Yong pabango niya ay amoy na amoy ko kahit ilang metro ang layo namin sa isa't isa. Napangiti ako. Sino ba naman ang hindi ngingiti sa sitwasyong ito?

"Wait, I almost forgot. Tatawag lang ako ng nurse," umalis na siya. Napahiga naman ako sa kama. Sabi nila, snob daw si Kei pero hindi naman pala. Waaaahh!! Pinansin niya ako! I can't believe it. I really can't believe it. Matext ko nga si Kylie.

To: Kylie

Friend, guess what?

Ilang segundo lang ay nagreply agad siya.

From: Kylie

Bakit friend? Aabsent ka?

Natawa ako sa reply niya. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to. Pag ako kasi nagtext sa kaniya ng ganito kaaga ay magpapaalam akong aabsent kaya siguro nakasanayan na niya.

To: Kylie

No, nandito ako sa clinic ngayon.

I lie on the bed comfortably. As if hindi mahapdi itong sugat ko sa siko. Okay lang na masaktan, kung ito lang man din ang dahilan kung bakit kasama ko ang pinakamamahal ko ngayon. Napangiti ulit ako sa mga naiisip ko ngayon, pinipigil kong tumili.

From: Kylie

Bakit friend? Did something happened? Friend, tell me. Are you dying??

Natawa ako sa reply ni Kylie pero hindi na ako nakareply pa kasi naramdaman kong may tao na. Dali-dali kong tinago ang phone ko at umupo sa bed at nagkukunwaring hinihipan ang siko ko. Sakto naman na dumating sila.

Pareho silang nagtigilan nang tinignan ko sila.

"Higa ka hija!" tarantang sabi ng nurse. Inalalayan naman ako ni Kei na humiga. Ano ba'ng nangyayari?

"You're having a nosebleed," h-ha?! Ba't 'di ko alam? Sa sobrang excited lang siguro ito. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko.

Inabutan ako ng nurse ng tissue para pamunas pero tulo pa rin ito ng tulo kaya pinasakan ko nalang ito ng tissue. Nilalagyan na ng bandage ng nurse ang siko ko nang may biglang sumisigaw ng pangalan ko.

"Staceyyyy!! Friend??" nagulat ito pagkakita sa akin. For sure nagulat ito dahil kasama ko ang pinapangarap kong si Kei.

"Friend, ano'ng nangyari sa 'yo?" she still manage to say. Lumapit ito sa akin at umupo sa kaninang inupuan ng nurse.

"I accidentally bumped into her. I'm sorry," nakangangang napatingin si Kylie kay Kei kaya natawa ako.

"By the way, gotta go. I'm late already," tumango naman ako kaya nagtuloy-tuloy na itong umalis.

"Hoy friend, ano 'yon?" 'di makapaniwalang tanong niya.

"Accckkkkkk!! Friend, sobrang kinikilig ako!" ngayon lang lumabas ang pinipigilan kong tili kanina pa. Grabe, halos malagutan ako ng hininga sa kakatili.

"Grabe friend, hindi ko inaasahang mapapansin ka ng Kei na 'yon. Alam mo namang hindi 'yon namamansin ng kahit na sino," ngingiti-ngiti lang akong nakikinig sa kaniya.

"Pero teka friend, ano'ng drama n'yang tissue sa ilong mo? Hindi ka man lang nahiya sa lagay na 'yan? Imbes na magpa-impress ka eh ginagawa mong ewan 'yang sarili mo," inirapan ko siya saka kinuha 'yong tissue sa ilong ko.

"Ewan ko ba bigla-bigla nalang akong nano-nosebleed ngayon," tumayo ako mula sa kama saka kinuha 'yong gamit ko sa gilid.

"Baka the more na isipin ko si Kei, the more na mano-nosebleed ako," humagikhik ako, "so I'll expect more bleeding this time," pati si Kylie ay napatawa sa sinabi ko. Binatukan pa niya ako kasi ang baliw ko raw.

Paupo na ako sa upuan ng classroom namin nang nagvibrate ang phone ko. A text from unknown number. Sino kaya 'to?

From: 090647*****

Hey! How are you feeling?

Eh? Sino naman kaya 'to? Wrong sent or something?

To: 090647*****

Who's this? How'd you get my number?

Nagsidatingan na ang iba kong kaklase kaya medyo maingay na sa room. At heto ako, loner. Hindi naman kasi magkapareho ang course namin ni Kylie eh.

From: 090647*****

There's nothing I can't do. It's Kei, btw.

Like whaaaaatt??

Muntik na akong mapatili dito sa loob ng room, buti natakpan ko agad ang bibig ko. Padyak ako ng padyak kaya nagreklamo 'yong nakaupo sa unahan ko, natatamaan ko na pala ang upuan n'ya. Sino ba naman ang hindi kiligin sa sitwasyon ito? Kinuha pa talaga niya ang number ko. Saan kaya?

Hindi pa ako nakapagreply ay nagtext ulit s'ya.

From: 090647*****

So, you okay now?

Kung alam mo lang, Kei. Okay na okay ako ngayon. Ito na yata ang pinaka-memorable moment ng buhay ko.

To: 090647*****

Yep.

I replied. Pagka-sent ko no'n ay sakto namang dumating ang professor namin kaya hindi ko na natignan ang phone ko hanggang uwian.

"Hoy friend! Ano na?" binunggo ni Kylie ang balikat ko kaya muntik na akong tumilapon. Hindi ko naman kasi napaghandaan ang pagsulpot niya.

"Wala naman masyadong nangyari. Nagtext lang naman siya sa akin. 'Yon lang," nakangiti kong sabi sa kaniya saka sinulyapan siya.

Natawa ako nang makitang napanganga siya at naestatwa sa kinatatayuan. Sino ba naman ang hindi magugulat na ang isang Kei ay nagtext sa isang ordinaryong babaeng gaya ko? Oh diba, haba ng hair ko.

"Friend! Tara na, gutom nako," tawag ko sa kaniya. Para kasing wala ng planong gumalaw eh. Doon lang siya natauhan saka tumakbo papalapit sa akin at kumapit sa braso ko.

"Talaga friend? Ano'ng sinabi niya?" kinwento ko sa kaniya ang nangyari habang naglalakad papunta sa paborito naming kainan na malapit lang naman sa school.

SOMEONE

"Mukhang hindi siya mahihirapan. Sa tingin ko kasi'y patay na patay 'yong babae sa kaniya," my bestfriend said while looking at her.

She's very cheerful and charming. But what would be her reaction if she finds out? She thinks my brother would really fall to a very plain girl like her? In her dreams. I smirked at that thought.

"Let's go,"

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon