Chapter 8

66 46 6
                                    

STACEY

Napapikit ako habang hinihilot ang sariling sintido. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school at papunta na ako sa room ko ngayon.

Kaninang paggising pa ako nahihilo. Ayoko nga sanang gumising ng maaga kasi medyo nanghihina ako, kaso tulog pa si Daniel at walang ibang maghahanda ng agahan namin. Pinagluto ko siya ng hotdog para paggising niya ay may makain siya. Kahit papaano ay marunong din naman akong magluto ng hotdog na hindi nasusunog.

Huminto ako sa paglalakad nang makaramdam na naman ng hilo. Napapansin kong napadalas na itong nangyayari sa akin.

Bumuntong-hininga ako upang i-relax ang sarili ngunit nabigla na lang ako nang may bumangga sa balikat ko.

"Yo, ano'ng chika?" sobrang lapad ng ngiti ni Kylie na humarap sa akin. Hindi niya ba alam na muntik na akong atakihin sa puso sa panggugulat niya sa akin? Tss.

"Huwag ngayon please, nahihilo pa ako," naglakad ako papunta sa bench sa lilim ng malaking puno na malapit lang sa hallway at umupo.

"Ano 'yon? Buntis ka na agad?" pinandilatan ko siya ng mata sa sinabi niya. Bibig talaga nito kahit kailan. Baka may makarinig sa kaniya at kumalat pa ang maling balitang iyan. Haler! Si Kei ang lalaking pinag-uusapan dito at siguradong pagchichismisan.

"Baka gusto mong ako ang tumampal niyang bibig mo? Kapag ba nahihilo, buntis agad? Tumigil ka nga! Kahit nga kiss, ay wala e!" inirapan ko siya saka naglabas ng notes. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga para makapagreview pa ako kasi may gaganaping quiz mamaya sa isa kong subject. Hindi ko naman kasi akalain na maaga ring papasok itong babaeng ito para alamin ang nangyari sa 'min ni Kei kahapon.

"Eh magkwento ka na kasi kung ano ang nangyari sa date niyo kahapon," padabog itong umupo sa tabi ko at pilit niya akong iniharap sa kaniya. Nagpuppy-eyes pa ito kahit hindi bagay.

"Mamaya na, magre-review pa ako eh," hindi kasi ako nakapag-aral kagabi sa kakaisip kay Kei. Napangiti tuloy ako nang maalala ang huli niyang sinabi sa akin bago siya nagpaalam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang kailan lang ay tinitignan ko lang siya sa malayo. Posible kayang tinitignan din niya ako sa malayo noon?

"Oh, oh! Ba't ka nakangiti? Feeling ko talaga may nangyaring maganda kahapon eh, excited akong malaman kung ano iyon," problemadong pahayag niya kaya natawa na lang ako sa inaasal niya.

"Marami tayong oras mamaya, Kylie," pagkasabi ko no'n ay tumayo na ako at natatawang naglakad papalayo. Narinig ko pa ang pagmamaktol niya kaya lalo akong natawa.

"Huwag kang tumawa mag-isa, nagmumukha kang baliw," napakunot ang noo ko sa narinig kaya lumingon ako sa likuran ko.

"Hoyy! Ano'ng ginagawa mo rito?" napahinto naman ito sa tanong ko. As usual, bitbit na naman niya ang gitara niya.

"Mag-aaral. Wala na bang natitirang common sense diyan sa utak mo?" sabi niya saka nilagpasan ako. Seriously?! Ba't naging kapatid ko pa ang walang modong lalaking ito?!

Pasalamat siya ay mayroon pa akong natitirang konting pagmamahal sa kaniya, kung wala ay hindi ko siya pinagluto ng hotdog. Ano 'yon? Sinadya talagang ako ang paghandain niya ng agahan bago siya gumising? Kainis ah!

Hanggang sa loob ng room namin ay nakasimangot ako kakaisip kay Daniel. Sa'n kaya siya nagmana? Mabait naman si Papa at Mama. Mabait din naman ako. Tss!

"Oh girl, pinagpalit ka na sa iba 'no?" napalingon ako sa nagsasalita. Medyo nagulat naman ako nang makitang nakapalibot na naman sila sa akin. Nagmumukha tuloy akong sikat.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon