STACEY
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na naman ang girlfriend ni Daniel. Nakaupo ito sa bench sa may lilim ng puno. Nakayuko lang ito at parang malungkot ang mukha habang sinesermonan ng kaibigan niya. Parang may pinapaliwanag yata ang kaibigan na hindi niya maintindihan kaya pinapagalitan siya nito.
She looks miserable. Daniel and she, look miserable. Pareho lang nilang pinapahirapan ang sarili nila kahit nakikita kong mahal nila ang isa't isa.
Kailangan ko siyang makausap para hindi na nila masaktan ang isa't isa. At kung mahal niya talaga ang kapatid ko at kung may tiwala siya rito, babalikan niya ito. 'Di ba nakipaghiwalay lang siya sa kapatid ko ay dahil akala niya niloko siya nito? Pero hindi naman pala.
Lalapitan ko na sana siya kaso may tumawag sa akin. Boses pa lang, nakakakilig na.
"Stace!" pa-cute akong lumingon. Kasama niya ang dalawang kaibigan nito na si Jed at James. Marahan ko pang inayos ang buhok ko bago tuluyang tumingin sa kaniya.
"Hi Kei," ngumiti ako. Nakangiti kasi siya sa akin at heto naman ako, hindi maiwasan ang kiligin kaya nakangiti na rin ako.
"Good morning!" sabay na bati sa akin ng dalawang kaibigan niya.
"Morning," tinignan ko lang sila saglit saka binaling ulit ang tingin sa mahal ko.
"Saan ka nga pala pupunta?" tanong nito sa akin. Shit. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Feeling ko tuloy ay matutunaw na ako sa mga titig at ngiti niya sa akin.
"Ah, sa room ko. May klase kasi ako," nakangiti rin akong nakatingin sa kaniya. Nakakahawa naman kasi ang ngiti niya eh.
Nakakahawa nga ba o kinikilig ka lang? narinig ko si Kylie sa isip ko. Wait, naging konsensya ko na si Kylie ngayon? Kailan pa?
"Ihahatid ka na namin. 'Di ba dude?" singit no'ng isang kaibigan niya na nagngangalang Jed.
"Oo nga. Saang building ka papunta?" pagsang-ayon naman ni James. Ano ba 'tong mga bruhong 'to? Ako tuloy ang nahihiya sa mga pinaggagawa nila. I frowned in my thought.
"Ah 'wag na," napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makati. Sinabi ko iyon kahit ang totoo ay gustung-gusto ko. At saka iyong mga kaibigan lang naman niya ang nagboluntaryo. Isa pa, baka kung ano pa ang sabihin ng ibang schoolmate namin.
"I insist. Ihahatid ka na namin," nakangiting sabi ni Kei. Napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang kilig. Shit, bakit ganito si Kei? Ibang-iba siya sa mga naririnig ko tungkol sa kaniya.
Medyo tumagilid ako saka palihim na napa-yes. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang kiligin sa sitwasyong ito. Hindi kasi ako 'yong tipo ng taong ang galing magtago ng totoong nararamdaman. Hindi ko nga alam kung nahahalata ba nilang kinikilig ako. Aish, bahala na!
"So, see you later at lunch," sabi nito bago tuluyang umalis. Nakangiti pa rin akong nakatanaw habang naglalakad sila papalayo.
Kilig na kilig pa akong nagtungo sa loob ng room ngunit bigla itong naglaho nang mapansin na tahimik lahat ng kaklase ko at nakatingin ang mga ito sa akin.
"What's wrong?" I asked but they didn't respond. Nagkibit-balikat na lang akong nagtungo sa upuan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makitang nakapalibot na silang lahat sa akin. Ano ba'ng problema ng mga taong ito?
"Girl, are you dating Kei Fujimasa?" tanong ng isa kong kaklase. Medyo natawa pa ako. Iyon lang pala ang gusto nilang malaman, bakit kailangan pa nila akong gulatin?
"Well, I can't say that. We're just friends," kahit gustung-gusto kong sabihin na oo ay hindi naman pwede. Oo, gusto ko si Kei pero ayoko namang mag-assume. Baka magkaroon pa ako ng maraming haters niyan.
"Even making him a friend is impossible. You know naman Kei, 'di ba guys? He's playboy but he won't never ever make pansin to you if he doesn't like you. Sabi nga nila, high-standard si papa Kei," pa-conyo'ng sabi ng bakla kong kaklase. Grabe naman talaga ang pagkakilala nila kay Kei. Napasimangot nalang ako sa sinabi niya.
"Yeah right, so ibig bang sabihin no'n ay pasok sa standard niya si Stacey?" pagsang-ayon naman ng isang bestfriend niyang babae. Wait, what did she just said? Pasok ako sa standard ni Kei? Napangiti ako sa isip ko.
"Siguro? Maganda naman si Stacey. Simple lang. Kaya nga natotorpe si Ge--" hindi na natapos ang sinabi ng isa kong lalaking kaklase nang sikuhin siya ng kaibigan niya sa sikmura.
"If you guys aren't dating, can you explain to us that see you later at lunch na sinasabi niya kanina?" singit no'ng isa. Napabuntong-hininga nalang ako saka umayos ng upo.
"As a friend, gusto niya lang ako i-treat ng lunch, that's all," I smiled to them at tinignan sila isa-isa. Napakunot pa ako ng noo nang makitang may iilang lalaki rin ang nakiintriga sa akin.
"Pa-humble pa itong si ate eh," nakita kong umismid ang isang kaklase kong bakla.
"Swerte mo te," sabi naman no'ng isa kaya napangiti ako. Swerte? Yes, super. Noong pinapangarap ko lang, nag-aaya na ng lunch ngayon.
"Sana lang, walang ibang motibo iyon," napasimangot naman ako sa sinabi ng isa ko pang kaklaseng lalaki. Siya iyong sumiko sa kaibigan niya kanina.
Buong klase ay panay lang ang tingin ko sa orasan at naghihintay na tumunog ang bell. Kaya 2 seconds bago tumunog ito ay nagpaalam na agad ako.
Binatukan ko ang sarili sa ginawa ko kanina habang naglalakad papuntang gate. Ganoon ba talaga ako ka-excited? Paano ko haharapin ang professor namin bukas? Ako lang yata ang nakagawa sa kaniya no'n. Wala na siguro akong mukhang maiharap.
"Huwag mong saktan ang sarili mo, nagmumukha kang tanga diyan sa ginagawa mo," napatigil ako sa paglalakad at nakita ang isang lalaking may dalang gitara sa likuran na nilagpasan lang ako. Loko 'to ah!
Tatakbo na sana ako upang paulanan ito ng batok nang biglang may umakbay sa akin.
"Stace, awat na. Huwag mo namang saktan si baby boy. Alam mo namang broken-hearted siya 'di ba?" nakangising sabi ni Kylie sa akin. At talagang pinagtanggol pa niya ang walang modo kong kapatid ah! Aww, may gusto pala siya rito.
"Eh kung ikaw kaya ang batukan ko diyan?" dali-dali naman siyang tumakbo papunta sa likuran ko.
Napangiti ako ng plastic pagharap ko nang makita kung saan siya pumunta. Anak ng malas talaga 'tong si Kylie!
"Kei oh, si Stacey nananakit," pinandilatan ko siya ng mata. Baka kung ano ang isipin ni Kei sa akin at bawiin bigla iyong paglibre niya sa akin ng lunch. At talagang nagtago pa ito sa likuran ng lalaki.
"Ano'ng ginagawa mo, Kylie!" Napapandyak ako sa paa ko sa sobrang inis. Nakita ko namang tumawa si Kei kaya napangiti nalang ako. Ano kayang iniisip niya ngayon?
"Let's go?" sabi niya sa akin kaya napasimangot naman si Kylie. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniyang hindi ako makakasabay sa kaniya maglunch.
"Bye Kylie!" I wink at her. Kahit hindi ko ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari ay alam kong maiintindihan niya ako. I like Kei and this is my chance, she knows that.
Halos himatayin ako sa kilig nang akbayan niya ako papunta sa parking lot ng school. Ganito ba talaga siya trumato ng babae? Hindi ko naman kasi siya sinusundan noon kung may date sila ng babae niya. Ano ako, stalker?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse saka siya umikot sa driver's seat.
"Saan mo ako dadalhin? Pwede namang diyan lang sa malapit eh," kahit pagkain lang sa mumurahing karinderya ay okay na okay na ako, as long as kasama ko siya.
"At my condo," wait...
WHAT?!
BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Ficțiune adolescențiWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction