Chapter 9

64 44 5
                                    

STACEY

Wala akong klase sa iba kong subject kinahapunan dahil sa gaganaping foundation day next week. Busy kasi ang lahat sa pagpre-prepare ng mga kakailanganin para sa event.

"Stace, ano ba kasi'ng nangyari diyan sa braso mo? Ba't nagkapasa? Kinakawawa ka na ba ng kapatid mo?" natawa ako sa sinabi niya. As if namang sasaktan ako ni Daniel. Kahit may topak iyon minsan ay alam kong hindi niya ako magawang saktan.

"Ano'ng tingin mo sa kapatid ko, Kylie? Mukha ba sya'ng barumbado?" napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Ehh, ano ba kasi ang nangyari diyan? Sinuntok ka ba ni Kei?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya saka tinakpan ang bibig niya. Baka kasi may makarinig sa kaniya at kung ano pa ang isipin.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo diyan, Kylie?! Baka dahilan lang ito ng pagbagsak ko kanina no'ng hinimatay ako, kaya tumahimik ka d'yan! May makarinig pa sa 'yo," inirapan ko siya saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin paupo roon sa bleachers sa tabi ng hallway. Alam ko na 'to.

"Kwento mo na sa akin ang nangyari sa inyo ni Kei kahapon, please? Alam mo naman sigurong napaka-supportive kong bestfriend pagdating diyan sa lovelife mo, 'di ba?" nagpuppy eyes pa ito kaya binatukan ko siya. Hindi naman kasi bagay ang pagpapa-cute niya. At saka ano'ng sinasabi niyang napaka-supportive? Eh halos ipamukha pa niya sa akin noon kung gaano ako kababang babae para hindi mapansin ni Kei.

"Pwede bang magpahinga muna tayo, Kylie? Kagagaling ko lang sa quiz. Stress 'yong utak ko. Hayaan mo munang alalahanin ko lahat ng nangyari kahapon 'tas kwento ko sa 'yo agad," nginitian ko siya. Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Dali-dali akong humiga sa paanan niya at pumikit. Hinayaan niya akong manatili sa ganoong pwesto ng ilang minuto.

Muntik na akong makatulog kung wala lang umistorbo. Hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ng pakiramdam ko kahit wala naman ako masyadong ginawa.

"Ate, oh." napabangon naman ako nang marahas akong kinalabit ni Kylie at bumungad sa akin ang inosenteng bata na may dala-dalang rosas. Teka, bakit may nakapasok ditong bata sa campus?

Nakangiti nitong binigay sa akin ang dala saka tumakbo na papalayo. Nagtataka naman ako roon. Sino ang nagbigay sa akin nito?

"Girl ha. Dami mo nang fafa, ipaubaya mo naman sa akin 'yong iba," siniko ako ni Kylie. Anong madami? Wala nga ni isa eh.

"Pinagsasabi mo d'yan," Inirapan ko siya. Literal na napahawak ako sa dibdib ko nang may sumulpot na namang bata sa harapan ko. May hawak na naman itong rosas. At ibang bata na naman ito. Sino kaya ang may pakana nito? Tatanungin ko sana iyong bata kung sino ang nag-utos nito pero dali-dali lang itong tumakbo pagkakuha ko sa hawak niyang rosas.

Ngunit hindi pa pala iyon, tatlong sunud-sunod pang bata ang lumapit sa akin at binigyan ako ng tig-isang rosas. Pagkaalis naman noong tatlo ay may batang babaeng lumapit sa akin at may binigay siyang maliit na pirasong papel saka umalis agad.

"Hoy hoy, ano 'yan?" Aagawin na sana niya 'yong papel na hawak ko, buti na lang talaga at mabilis ko itong inilayo sa kaniya. Namimihasa na siyang makialam ah.

"Maghanap ka nga roon ng secret admirer mo!" inis kong sabi sa kaniya. Ang kulit kasi.

"Who you ka talaga sa akin kapag nagka-lovelife ako, tandaan mo 'yan," natawa naman ako sa mukha niya. Hindi kasi maitsura.

"Tumigil ka nga diyan, Kylie. Ang pangit mong tignan," sabi ko sa kaniya habang dahan-dahang binuksan iyong nakatuping papel na binigay sa akin noong batang babae.

I'll pick you up later at 6pm. I missed you. See you soonest.

Naramdaman ko namang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa kahihiyan at pinagsisihang pinabasa pa iyon ni Kylie.

At hindi talaga ako nagkamali. Tumayo ito at lumundag-lundag na parang baliw. Niyugyog din niya ako kaya muntikan na akong mahilo sa ginagawa niya. Siya pa yata ang sobrang kilig at excited sa aming dalawa.

"Oh my ghad! Hiningal ako ro'n ah," nang mapagod ay umupo na ulit ito na naghahabol ng hininga. Iyan ang napapala na daig pa ang kiti-kiti sa sobrang likot.

"Bakit ikaw pa ang mukhang excited sa ating dalawa?" Sabi ko nang mahimasmasan siya. Ngunit ang malapad niyang ngiti ay nandoon pa rin. Hindi ba masakit sa bagang ang ginagawa niya?

"Eh kasi naman, sino ba ang hindi kikiligin sa ginawa niya? Binigyan ka pa niya ng limang rosas at saka eeehh–" tumili ulit ito kaya natawa nalang ako sa kaniya.

"Sino pa kayang matinong lalaki ang makakaisip ng ganiyang istilo? I never thought na ang isang Kei pa na sikat sa school. Si Kei lang." napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga 'no?

"At saka 'di ba matagal mo nang hinihintay 'to? Ang mapansin ka ng lalaking gusto mo?" doon lang nag-sink-in lahat sa akin at unti-unting bumuo ang kilig sa aking katawan. Ngayon ay gusto ko na ring magwala katulad ng ginawa ni Kylie kanina.

"Kylie, hindi ako makapaniwala, paano nga ulit nagsimula ang lahat?" tumili at kinurot ko siya sa sobrang kilig. Is this for real? Am I really dating Kei Fujimasa? Am I really dating the guy I liked ever since?

Ilang oras pa kaming tumambay doon ni Kylie at kinwento ko na rin sa kaniya ang nangyari sa amin ni Kei kahapon. Mukha pa kaming tanga na sabay na titili. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga dumadaan.

Dumaan muna kami ni Kylie sa department store para bumili ng napkin. Bigla kasi siyang dinatnan at saka ramdam ko rin na malapit na ako kaya bumili na rin ako.

"Teka lang, Stace ha. May nakalimutan akong kunin," paalam ni Kylie sa akin saka umalis.

Matiyaga akong naghihintay sa pila habang bitbit ang basket ni Kylie at akin. Mahaba kasi ang pila kasi hapon na rin at marami ang mga namimiling empleyado at iba pa bago umuwi sa kanila.

Habang naghihintay ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko tanda na may nagtext. Kinuha ko iyon sa shoulder bag ko at binuksan.

From: Sungit

Buy some meat and ingredients for menudo. I'll cook for our dinner later.

Nagmake-face ako nang matapos kong basahin ang text ni Daniel.

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Kylie pero wala pa rin siya. Ba't ang tagal? Tinignan ko rin ang pila, medyo mahaba pa rin at parang hindi umuusad. Tsk!

Tinignan ko ang mamang kasunod ko sa pila, "kuya, pakibantayan po ah? May kukunin lang ako, saglit lang," tumango naman ito kaya dali-dali na akong lumakad papunta sa meat section.

Ilang minuton ang nakalipas ay bumalik na ako. Halos magkasabay lang kami ni Kylie na bumalik sa pila. Nag-thank you naman ako sa mama. Medyo malapit na rin kami sa counter.

"Stacey, ano'ng trip mo? Ba't ka bumili ng bulaklak? Bibigay mo kay Kei? Saka sa'n mo nakuha iyan?" bulaklak? Anong pinagsasabi niya?

Tinignan ko ang basket kong may isang piraso ng rosas. Wala naman ito kanina ah.

"Kuya, nakita niyo po ang naglagay nito sa basket ko?" tanong ko sa mamang kasunod ko sa pila ngunit umiling lang siya. Imposibleng hindi niya ito nakita.

Kinuha ko iyon nang may mapansin akong maliit na papel doon. Medyo napakunot ang noo ko nang mabasa ito.

Hey, beautiful.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon