Chapter 17

20 9 0
                                    

STACEY

Nagising ako nang maramdamang may humahagod sa ulo ko. Gumalaw ako ng konti. I can clearly remembered what happened last night kaya medyo nagdadalawang-isip akong harapin siya kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa kaniya.

"Wake up, sleepy head." Hinagod niya ang likod ko kaya naalarma ako at awtomatikong napabangon. Pakiramdam ko'y nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan nang gawin niya iyon.

"Nagulat ba kita?" Nakakunot ang noo niya. Nagtataka siguro sa inakto ko.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Okay ka na ba? Bumaba na ang lagnat mo?" Bigla kong naalala na nilalagnat nga pala siya kagabi kaya hindi ako nakauwi. Nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo at leeg niya. Hindi na ito mainit.

"Yes, thanks to you." Ngumiti ito habang nakatitig sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin kasi hindi ko kaya ang makipagtitigan sa kaniya. Lalo na, na may nangyari sa amin kagabi.

"I've prepared some breakfast. Come on, let's eat." Hinila niya ako papalabas ng kwarto.

Bago kami lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang higaan niya at nang makita ang bakas ng dugo roon sa bedsheet ay nakaramdam ulit ako ng hiya. Takte, lalabhan ko talaga iyon bago ako umalis.

I know, it was totally a mistake but the feeling is driving me crazy that I lost my mind. At hindi ko pinagsisihan na binigay ko sa kaniya ang aking sarili. I love him, to the point that I would willingly give to him everything he wants. And I can't explain how happy I am right now.

"Teka, baka mabinat ka. Kakagaling mo lang." Inalalayan niya akong makaupo tsaka siya umupo sa harap ko. Napaisip tuloy ako. Ano na ang meron sa amin ni Kei ngayon?

"Cooking is not that hard, so don't worry." Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Pinagtimpla rin niya ako ng gatas. Ibig bang sabihin nito ay...

"About what happened last night..." Nataranta ako bigla nang banggitin niya iyon. Muntik na tuloy mahulog ang kutsarang hinahawakan ko.

"Ahh...hehe... Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Walang nangyari, ano ba." Nauutal na sabi ko. Alam kong sobrang lame ng reason ko. Wala na talaga akong maisip na idadahilan para ma-out of topic kami. Ayoko na iyong pag-usapan pa. Ika nga past is past.

I heard him chuckled. Feeling ko naman ay na-gets niya 'yong gusto kong ipahiwatig kaya hindi na siya nagsalita pa. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kami.

"Salamat sa breakfast," sabi ko sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo pa rin kami sa hapag. Katatapos ko lang kumain kaya ayoko munang tumayo. Isa pa, sa tingin ko ay ito ang tamang pagkakataon upang magpasalamat sa kaniya sa lahat.

"Anything for my beautiful girlfriend." nakangiting tugon niya sa akin. Bigla naman akong naestatwa sa narinig. Ano raw? Ano nga ulit ang sinabi niya?

"G-girlfriend?"

"Yes. We dated. We kissed. We..." kumurap-kurap siya na parang nagdadalawang-isip sa salitang idudugtong.

"We slept together. It means that you are already mine."

It means you are already mine.

You are already mine.

You are already mine.

You are already mine.

Malapad akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga nangyayari ngayon. My gosh! Boyfriend ko na si Kei Fujimasa!

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon