STACEY
Nagkatinginan kami ni Daniel sa reaksyon ni Kylie nang sinabi namin sa kaniya ang tungkol sa sakit ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi.
"Waaaaa!! Bakit?!" Para itong batang ngumunguwa. Nakasalampak ito sa sahig at sinipa-sipa ang mga paa ng mga kaibigan ni Daniel na sinubukang patahanin siya.
"Oy dude, wala ba kayong planong patahanin 'to? Ang ingay," reklamo ng isang kasamahan nito. Ang exagg naman kasing magreact ng bruhang 'to. Ni hindi pa nga ako pinatapos sa pag-eexplain sa kaniya.
"Bakit, friend?! Ba't mo 'ko iiw- aray! Ano ba?!" Binatukan siya ni Daniel sa sinabi niya. Napakamot naman ito sa ulo niya.
"Can you please shut up?" Nakasimangot namang tumayo si Kylie saka yumakap sa akin.
"Friend..."
"Kylie, pwede mo ba akong samahan mamaya sa Battle of the Bands? Manunuod kasi ako." Pinunasan niya ang luha sa mukha saka tumingin sa akin.
"Pero hindi ka pa okay. Baka kung mapano ka lang do'n." Napangiti ako nang makita kung gaano ka-concern sa akin si Kylie. At sa tuwing nararamdaman ko iyon ay lalong sumisikip ang dibdib ko. Iniisip ko pa lang ang mga posibilidad na mangyayari sa akin sa loob ng operating room.
"Kylie, makinig ka." Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at tinitigan siya sa mata.
"Kahit kailan ay hindi ko nakitang nagperform si Daniel sa itaas ng entablado. Hindi ko naiparamdam sa kaniya na buo ang suporta ko sa pagmamahal niya sa musika, kaya sana kahit ngayon lang." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Daniel mula sa likuran.
"Kahit ngayon lang, bago ako sasalang sa mahabang operasyon. Gusto kong makita ang pinakamamahal kong kapatid bago ako—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko na mapigilan ang hikbing kanina ko pa pinipigilan.
"Ate..." Umiiyak na rin si Daniel sa likuran ko. Maging ang mga kabanda nito ay tahimik lang sa isang tabi habang nagpupunas ng luha. Si Kylie naman ay umiiyak na.
"Friend, lakasan mo ang loob mo." Pinunasan niya ang luha ko. Inayos din niya ang buhok kong nabasa na ng pawis.
"Sige, sasamahan kita. Pero sana tatagan mo ang loob mo. Isipin mong makakaya mo ang lahat ng ito. Laban lang, friend para sa aming nagmamahal sa 'yo." Tumango-tango ako sa sinabi niya at niyakap siya.
*****
Alas sais na ng gabi nang nilabas nila ako dito sa hospital. Sabay-sabay na kaming nagtungo sa school ground kung saan gaganapin ang Battle of the Bands.
Marami nang tao ngunit hindi pa nagsisimula ang event kaya napagpasyahan muna namin ni Kylie na doon muna sa Music room. Sina Daniel naman ay abala na roon sa backstage.
Hindi kasi mabuti sa akin na makipaghalubilo sa maraming tao nang matagal. Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko ngayon. Pinipilit ko lang upang mapanuod si Daniel na magperform.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang narinig na namin ang pag-anunsyo na magsisimula na ang event.
"Kylie, tara na." Tumango naman siya at nagsimula nang itulak ang wheel chair ko palabas ng room.
Nakasakay ako sa wheel chair kasi hindi ko kayang maglakad. Nanghihina ang buo kong katawan.
"Before we officially start the Battle, let us hear first a performance from our chorale group. Let's give them a round of applause!" Pumwesto kami ni Kylie sa 'di kalayuan. Sakto lang upang makita ang buong stage.
"Okay ka lang? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong sa akin ni Kylie. Pero hindi pa niya narinig ang sagot ko ay nilagyan na niya ako ng jacket sa balikat.
BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Teen FictionWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction