STACEY
Nanghihina ako. Masakit din ang ulo ko. Kanina ko pa iyan nararamdaman simula no'ng umalis ako sa condo ni Kei. Nang dahil na rin sa disappointment kaya lalong lumala ang pakiramdam ko.
"Naiihi ako, Kylie. Tulungan mo 'ko, dali." Dali-daling inalalayan din ako ni Kylie na tumayo.
"Teka, bakit baliktad iyang suot mong shorts?" Napatingin naman ako sa suot ko. Oo nga, baliktad nga. Nagkatinginan muna kami ni Kylie bago tinignan si Daniel na kakapasok lang sa kwarto ko na may dalang binalatan na mansanas.
"Huh? Ba't kayo nakatingin sa akin?" Nginuso ni Kylie ang suot kong shorts. Napakamot naman agad ito sa ulo.
"Nakapikit ako no'ng sinuot ko 'yan, hindi ko napansing baliktad." Inilapag nito ang dala sa side table.
"Ang galing-galing maghubad ng babae tapos hindi marunong magsuot?" Pabirong sabi ni Kylie na ikinapula naman ng buong mukha ni Daniel. Tumawa kaming dalawa sa reaksyon nito.
"'Di ba iihi ka? Ba't nandiyan ka pa?!" Sabi nito saka agad ding nagwalkout. Bakit feeling ko guilty siya? Natawa ulit ako nang maalala ang pulang mukha nito.
"Sa tingin mo, magaling talagang maghubad si Daniel ng babae?" Kylie said while grinning. Bigla tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. I can't imagine her with Daniel. Pwe!
"Bastos!" Binatukan ko siya na ikinasimangot naman niya. Kahit kailan talaga. Sa dami ng lalaki, bakit kapatid ko pa ang pinagpapantasyahan niya.
"Lumabas ka na nga, iihi na ako!"
"Are you okay now?" Umupo si Daniel sa gilid ng kama ko at marahang inayos ang kumot ko.
Umiling ako. "I feel tired. Kailangan ko lang siguro ng pahinga." May lagnat pa rin ako ngunit hindi na ganoon kataas.
Marahan siyang tumango. He smiled, but still, I can see the loneliness in his eyes. Kumusta na kaya sila ng girlfriend niya? Wala pa rin bang nangyayari?
"Kumusta ka? Okay na ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko sa kaniya. Umiling ito saka pilit na ngumiti. His facial expression hurts me. I think I will try to do something, kahit hindi ako siguradong magwork-out. At least I tried, right?
"You're right, Ate. I shouldn't waste my time to those people who wouldn't believe and trust me. Masakit ngunit kailangang tanggapin. I know, with time, it heals." Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Oh, I almost forgot," sabi niya saka may dinukot sa bulsa at niluwa noon ang isang piraso ng papel.
"Ano 'to?" Binigay niya sa akin at agad ko rin naman itong tinanggap. Bakit parang familiar sa akin ang itsura ng papel?
"Just read it. Someone asked me to give it to you," he smiled. At sino naman kaya? Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba?
"Who's that someone?" I ask through curiosity.
"Secret admirer, I guess." Natawa nalang siya bigla na parang may naalalang nakakatawa.
Wait. Secret admirer? Bakit parang okay lang sa kaniya ngunit pagdating kay Kei ay galit na galit siya? Ito bang secret admirer na sinasabi niya ay kaibigan niya? Favoritism eh.
Napasimangot naman ako sa inasta niya. Tss. Wala akong pakialam sa secret admirer na 'yan. Si Kei ang gusto ko.
Nilagay ko ito sa tabi ng lampshade. Mamaya ko nalang iyan babasahin. Siguradong love letter lang iyan.
Kakalagay ko lang sa gilid nang bigla niyang hinigit ang braso ko. Nagulat naman ako kaya binawi ko agad ang kamay ko.
"Ano ba, Daniel. 'Wag ka ngang manggulat." Natatawa kong sabi ngunit sa totoo lang ay halos atakihin ako sa puso sa ginawa niya. May problema ba?

BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Teen FictionWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction