STACEY
"Why didn't you tell me?" Naninikip na naman ang dibdib ko. Hindi sa sakit, kundi sa sobrang galit. Sa sobrang sikip nito ay parang gusto kong ipagbabato ang mga gamit na nandito sa kwarto ko.
"Tell me!" Naiinis lang akong lalo nang wala ni isang gustong magsalita sa kanilang dalawa. Are they deaf or mute? O baka gusto nilang putulan ko sila ng dila nang hindi na talaga sila makapagsalita?
Bumangon ako sa pagkakahiga. Sakto namang naabot ko ang lampshade sa gilid ng kama ko. Hinablot ko iyon saka ibabato na sana ngunit mabilis itong nasalo ni Daniel.
"Ate naman. Huwag kang bumangon. Baka mahilo ka na naman." Inilagay niya ito sa side table at mabilis akong inalalayan ngunit tinabig ko ang kamay nito.
"Chill lang, friend. Masyado ka namang high bloo—"
"Chill? How can I calm down in this kind of situation, Kylie?!" I gave her a deadly glare causing her to look away.
"At isa ka pa, Kylie. You knew all of this all along but you chose not to tell me. Why?! Am I not your friend?! Am I not your sister?!" Tinignan ko si Daniel ngunit nakayuko rin ito.
"Am I nobody to you?" Kumirot na naman ang dibdib ko. Niloko na nga ako ng taong gusto ko, pinaglilihiman pa ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.
"No, hindi gano'n 'yon, Stace..." Nilapitan ako ni Kylie at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ito.
"I told her not to tell you, Ate. It's my fault, I'm sorry." Tinignan ko ng masama si Daniel. Nakayuko pa rin ito. Gago ba siya? Kailan pa ako napunta sa sahig? Ako kinakausap niya tapos sa sahig nakatingin? P*ta, hindi lang pala ako ang tanga dito.
"Can we talk in private, Kylie?" Sabi nito kay Kylie nang hindi ko tinugon ang sinabi niya. I know there's something he wants to tell that Kylie is not aware of. Hindi pa kasi namin sinasabi sa kaniya ang tungkol sa sakit ko. We decided not to tell her yet about it. Tumango naman ito saka lumabas na ng kwarto.
"The reason why I didn't tell you is because I don't want you to be involve, Ate. Especially now that you're sick." I look at him. This time, nakatingin na siya sa akin. Seryoso ang mukha nito at handa ng makipag-usap sa akin ng masinsinan. Alam kong tahimik lang ito kanina dahil nandiyan si Kylie.
"Involve? I'm already involve, Daniel for pete's sake!" Mahinahon ngunit mariin kong sabi sa kaniya. I understand his intention pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hinayaan na lang niya ang sitwasyon?
"Ayokong mainvolve ka pa, lalo na ngayon. You're still weak." Nag-init lalo ang ulo ko. Ako, weak? I smirked at that thought.
"I maybe weak but I can still pull her hair off with all my strength. That wench! Huh, all this time she's the reason why all of us are suffering!" I gritted my teeth out of anger. Lalo ng alam kong may nakaraan sila ni Kei. Ang sarap talaga kalbuhan ng malanding iyon.
Kanina kasi narinig kong nag-uusap sina Daniel at Kylie tungkol sa malanding iyon. Do'n ko lang nalaman na ang dahilan pala ng paghihiganteng iyon ni Aoi ay dahil kay linta. Ang masaklap pa ay ayaw pang maniwala ni Aoi kay Daniel. Ang galing 'di ba? Ano nga ulit ang pangalan ng babaeng lintang 'yon? Jara? Jasmine? Janica?
"Huwag lang magpakita sa akin ang babaeng 'yan kundi gigilitan ko siya sa leeg. Bwesit ang malanding lintang 'yon!" Noon pa man ay kumukulo na ang dugo ko sa kaniya. Ang hilig kasi dumikit kay Kei. Alam kong sila noon pero grabe naman siya, para siyang naka-mighty band kay Kei sa sobrang dikit. Kulang nalang e-subsob niya sa pagmumukha ni Kei ang boobs niya. I admit that she's pretty and I'm kinda insecure because she had all the confidence she needed to make herself standout.

BINABASA MO ANG
When He Fall in Love
Teen FictionWhat happens when he falls in love? Awesome Cover by: Suhoberrie Written by: Aaaoii Date Started: August 19, 2017 Date Ended: 03/22/18 - Rank #954 in Teen Fiction