Chapter 12

49 36 6
                                    

DANIEL

"Hindi pa rin ba kayo nagkausap ni Aoi?" Umiling lang ako bilang sagot.

"Tang*na. Mga babae talaga, ang hirap espelingin," komento naman ng lead guitarist namin habang inaayos ang tunog ng gitara niya.

Gusto kong may gawin pero hindi ko alam kung ano at paano ko siya haharapin. Oo, sinabi niyang ayaw na niya akong makita. Binigay ko sa kaniya ang kahilinginan niyang 'yon pero hindi ibig sabihin ay sumusuko na ako. Binigyan ko lang siya ng space upang makapag-isip at palipasin ang init ng ulo niya para kapag magkaharap na kami ulit ay kalmado na siya.

"Kaya nga hindi ako nag-girlfriend eh kasi sakit lang sa ulo," sabi no'ng drummer namin habang pinaglalaruan ang drum stick niya.

"Langya! Ang sabihin mo, torpe ka kaya gano'n," narinig ko naman ang tawanan ng iba kaya medyo dumistansya ako sa kanila. Ang ingay kasi.

Pagkaupo ko sa mesa na hindi naman ganoon kalayo mula sa mga kabanda ko, ay tumunog din ang cellphone ko.

Napangiti naman ako nang makita kung sino ang nagtext. It's Alice.

From: Alice

Everything's ready. Araw na lang ang hihintayin.

We were friends since high school. We were in each other's side if there's a problem. Lahat pinagdaanan namin, bangayan, away, at pati sa kalokohan ay nagkakasundo kami. Ewan ko lang din kung bakit hindi ako nahulog sa kaniya. Gusto ko nga sanang ma-inlove sa bestfriend kasi nagsimula kayo sa pagiging magkaibigan at kilalang-kilala niyo na ang isa't isa. Pati mga baho ay walang maitatago. Kaso wala eh. Wala talaga.

Mukha tuloy akong tanga na natawa nang maalala ang nakaraan namin. Ngunit bigla nalang naglaho ang ngiti ko nang makitang may nagtext ulit.

From: Aoi

Meet me at the back of business building, I have something to talk about with you.

Bigla akong napatayo kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Oh, sa'n ka pupunta, Daniel? Hindi pa tapos ang rehearsals natin!"

"Babalik din agad ako!" Sigaw ko saka dali-daling lumabas sa sariling music room namin.

Hinihingal ako nang makarating sa harap ng business building. Nagpahinga muna ako ng isang minuto para pakalmahin ang sarili. Kailangan kong ikalma ang sarili bago harapin siya. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit sa ganitong klaseng lugar pa kami kailangang mag-usap?

Sa totoo lang ay kanina pa ako nakaramdam ng kaba. Wala kasi akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin at ano'ng patutunguhan ng pag-uusap na ito. Sana, sa pag-uusap na 'to ay bibigyan na niya ako ng pagkakataon na pakinggan ang paliwanag ko. Kahit paulit-ulit kong ipaintindi sa kaniya, basta pakinggan lang niya ako.

At sana hindi niya ako tuluyang iwan. Kasi hindi ko kakayanin.

Kumawala ako ng buntong-hininga bago naglakad ulit papunta sa likuran ng building. Tahimik roon at wala kang ibang makikita kundi mga puno.

"Aoi?" Tawag ko sa pangalan niya nang hindi ko siya makita sa paligid. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang babaeng nakatalikod.

Napakunot ang noo ko. Hindi siya si Aoi. Hanggang balikat lang ang buhok ni Aoi samantalang ang babaeng nasa harapan ko ay may mahahabang buhok.

"Sino ka?" Unti-unting humarap ito sa akin na nakangiti. Bakit siya ang nandito?

"Jamaica? Ba't ka nandito? Nasaan si Aoi? She texted me to come here," lumapit siya sa akin hanggang isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ito ng lungkot.

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon