Chapter 4

131 71 58
                                    

STACEY

Nagfe-facebook ako habang kumakain ng chips nang magvibrate ang phone ko.

From: My love

I'll treat you tomorrow. See you at lunch. :)

Nabilaukan ako nang mabasa iyon. Buti nalang at may tubig ako dito sa tabi.

Nang mahimasmasan, binasa ko ulit ang text ni Kei sa akin. What the! Is this a date? Waaahhh!!

To: My love

Ok.

Pagka-sent ng reply ko ay gumulong-gulong ako sa kama sa sobrang kilig. Nang hindi pa ako nakuntento ay tumayo ako at lumundag-lundag sa kama. Humiga ulit ako at umikot-ikot dahilan para mahulog ang chips na kinakain ko sa sahig. Saglit akong natigilan ngunit ngumiti ulit na parang baliw. Chips lang naman 'yan.

Dumapa ako at dali-daling in-open ang facebook account ko.

Dream come true - feeling excited.

I posted on my facebook. Wala pa'ng isang minuto ay may dalawang like at isang comment na. Two likes are from Kylie and Kei. Shit. Online pala siya!

Ky Lie : Friend, itodo mo na! :D

Ang sarap piktusan nitong si Kylie. Ano kayang iniisip nito? Malamang mababasa ito ni Kei! Hindi na ako nag-reply at baka humaba pa ang usapan. Tss!

So sad. I haven't even seen you before you went home.

Nagulat ako nang biglang nagpop-up ang pangalan niya sa messenger. Kinikilig ako sa point na hindi ko na alam ang gagawin. Gumulong ulit ako sa kama ko at tahimik na tumitili. Baka kasi marinig ni Daniel at kung ano ang isipin sa akin.

Kanina kasi nagtext siya sa akin na ililibre niya raw ako pagkatapos ng klase sa hapon kaso hindi ko nabasa iyon. Nag-aya rin kasi si Kylie na dumaan sa department store kaya hindi ko na talaga natignan ang phone ko hanggang sa nakauwi na ako ng bahay.

Magrereply na sana ako kaso nagchat na naman siya.

Can I see you rn?

Nagulat ako sa chat niya. Pinipigilan kong huminga kasi hindi ako makapaniwala. Kinakabahan ako at the same time, na-e-excite. Ano'ng gagawin ko?

Nabitawan ko pa 'yong phone ko nang bigla siyang tumawag. Video call iyon sa messenger.

Dali-dali akong lumipat sa study table ko at humarap sa laptop. Naka-open din kasi ro'n ang facebook ko.

Sinagot ko ang tawag saka nakita ko agad ang gwapo niyang mukha na nakangiti. Sobrang close up ng mukha niya sa screen kaya alam kong cellphone lang nito ang ginagamit.

"Ang cute mo pala kapag messy hair," sabi nito. Natigilan naman ako saka napahawak sa buhok ko. Shit! Hindi man lang ako nag-ayos ng buhok bago humarap kay crush. Minus points 'to.

"Hehehe ikaw rin naman ah," dahan-dahan kong sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri.

Nakita kong napakamot siya sa ulo niya na nakangiti. Ang gwapoooo!!

"Okay na 'yong siko mo? Let me see," pinakita ko naman sa kaniya 'yong siko ko. Mahapdi pa rin pero okay na.

Nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay. Getting to know each other kumbaga. Halos isang oras na kaming nag-uusap nang bigla siyang naupo sa kama niya. Gulat na gulat ang ekspresyon nito. Wait, may multo ba sa likod ko?!

When He Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon