Sorry. Nawala yung prologue na na-type ko. Pasensya na. :'(
Here's the new prologue and I hope na hindi na ito mawala. :3
****
Naranasan mo na bang umibig ng hindi nasasaktan?
Naranasan mo na bang magmahal ng hindi lumuluha?
Naransan mo na bang managinip ng gising?
Pwes, kung naranasan mo na yan. Hanga na ako sa'yo!
Dahil hindi mo naranasan ang pait at sakit na dulot ng pag-ibig.
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ko pa ba itinatanong sa inyo ang mga bagay na ito kung sa una pa lang ay ako na ang dapat sisihin.
Ako na ang dapat niyong kamuhian.
Dahil ako ang taong unang sumuko sa pagmamahal.
Kung sakaling ikaw ang taong magsasabing tanga ako at wala akong kwenta, basahin mo ang istorya ko. Para maramdaman mo rin ang panghihinayang sa pagkakamaling nagawa ko.
Ako si Chase Shin Dionese at sisimulan ko ng isulat ang Happy lang, walang Ending na istorya ko.

BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...