II-Otso

447 10 3
                                        

I still remember how you kissed me, under the lamp post back on sixth street.

(Shin's POV)

Woah. Woah. Woah. Stop right there!

Tama ba ang narinig ko? She wants to fvck me? As in? (⊙o⊙)?

"A-ano? You wanna fvck me?" --- nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya at kulang na lang lumubog ang panga ko sa pool sa sobrang laki ng pagkakabuka. Feeling ko sasayad siya sa tiled flooring ng pool ng bahay namin.

Para naman siyang nainis sa tanong ko. Bakit na naman? Sa kanya naman nanggaling yun ah?

"Ugh! Ang bingi mo! Sayang! bahala ka na nga diyan!" --- sigaw niya sa akin bago nagmartsa papasok ng bahay.

Ako naman ay naiwang nakatangang nakatingin sa kanyang likuran at papalayo niyang pigura.

Ano bang problema niya? Bakit bigla na lang siyang magagalit at magwo-walk out sa akin? Siya naman nagsabi na gusto niya akong anuhin tapos siya pa may ganang mainis. Eh sa may dumaang sasakyan na sobrang ingay ng makina nito  kaya hindi ko narinig yung eksaktong sinabi niya.

Ang mga babae talaga, magulo. Hindi na lang ipaliwanag ng diretsyahan. Gusto pa yung manghuhula kaming mga lalaki. FYI lang po, hindi po namin kamag-anak si Madam Auring para malaman ang tumatakbo sa utak niyo. Sabihin niyo ng harapan hindi yung pag hindi namin na-decode yung mixed signals niyo eh lalayasan niyo kami at titikisin. Nasasaktan din ho kami at nahihirapan. Hindi lang kayo.

Kaya kung hindi ko lang mahal 'tong si Yume, inilublob ko na siya sa...

Nguso ko!

Tss. Hanggang ngayon, may hangover pa rin ang mga labi ko dahil sa mainit naming tagpo kanina. Damn! Kaya din hindi na ako nagpumilit ng nandito kami sa pool side is because of a pair of eyes piercing through my soul and as if I'm still affected dahil nakita niya kami kanina sa storage room dahil sa glass window nito.

Umahon na ako at tumuloy sa isang metallic chair sa garden malapit sa swimming pool. Naramdaman ko namang sumunod siya. I want this awkwardness around us to stop so I'll talk to him.

A man to man talk.

Naupo na ako at ganun din naman siya.

"Talk." --- malamig kong sabi.

"Back and I'm dead? Hahaha." --- pilosopo niyang sagot sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at itinaas niya ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Abnoy talaga kahit kailan.

"Okay. Seryoso na kahit parang ngayon pa lang gusto mo na akong sakmalin. Hehehe. ✌" --- biro pa niya.

"Sinabi mo pa. I think you're like a pig in my creative mind now. Double dead." --- mariing sabi ko sa kanya and in a flash I saw pain and hurt in his eyes but it was masked by a warm smile. Bigla akong na-guilty sa sinabi ko. T'was a joke pero alam kong may laman.

"Honestly, Drew. I want you dead." --- seryoso akong tumingin sa kanya at nakita kong parang namasa ang mata niya then, he faked a chuckle.

"Alam ko. Alam ko kung gaano mo ako kinamumuhian pero hindi mo ako masisisi kung bakit mas pinili kong maging sandalan niya imbis na maging kaibigan mo ng mga oras na yun." --- tumigil siya at ngumiti ng malungkot. Para bang may kumurot sa puso ko ng makita ko ang matalik kong kaibigan noon ay para bang isang ibang tao ngayon. Pakiramdam ko, maling mali ang magalit ako sa kanya.

"Sa panahong nasa tabi ako ni Yume. Yung mga panahong pinagbubuntis niya ang anak niyo, nalaman ko din na I'm suffering from Lukemia. Wala na siyang lunas. Tinaningan na ako and at the same time, Jake, your son came into picture. Binigyan mo ako ng pagkakataong maging ama kahit sa kakarampot na panahon. Kahit alam kong hiram lang ang mga sandaling iyon, naramdaman kong naging tatay din ako kahit hindi ko siya anak. At dahil sa katangahan mo, naging masaya ako. In short, I took advantage of your foolishness. I took advantage of your blindness dahil ayokong palampasin yung pagkakataog ako naman ang maging selfish. Ako naman yung makaramdam ng pagdadamot. Sorry but I'm not sorry for what I did. In fact, I'm thankful that it happened." ---- tuloy tuloy niyang kwento. Napaluha ako ng makita ko sa mga mata niya yung hirap. He's my bestfriend for Pete's sake. Imbis na maging sandigan niya ako ng mga panahong kailangan niya ako, nagpalamon ako sa galit ko at ipinagtabuyan ko siya.

Naoahhagulgol ako. Gay but the hell I care! I treat him like a brother!

"Wag kang umiyak, bro. You're still my bestfriend and You will always be kaya madaliin mo na ang pagsuyo sa tigre mong asawa kung hindi, kukunin ko ulit siya. Hahaha. You kmow, what?" ---- tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya habang nagpupunas ng luha dahil sa mga pinagsasabi niya.

"What?" --- I asked. Confused.

"Thank you and sorry for the pain. I really did appreciate everything. Kahit problema, blessing pa din. Hanep, parang goodbye message ko na 'to ah? Pa-burger ka naman diyan." ---- He joked at tumawa pa siya ng tumawa. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Hindi ko yun tinanggap at tinitigan ko lang kaya parang nadismaya siya. Ibababa na sana niya ang kanyang kamay ng hilahin ko yun and I gave him a brotherly hug.

"Sorry, Andrew and thank you for taking care of Yume and Jake over the past years." --- I said sincerely. Ginantihan niya ako ng yakap at hinigpitan.

"It's my pleasure, Chase. Sana bago ako mawala, maikasal na kayo para ako pa rin ang best man mo. :)" ---- bulong niya at humiwalay na sa akin.

"This is so gay, bro. Tara na sa loob at ng makapagpahinga na. Marami ng nangyari ngayong araw na 'to." --- yaya niya sa akin at tumayo na. Ganun din ang ginawa ko at sumunod na sa loob.

Pagka-akyat ko ay pumunta muna ako sa kwarto ng mag-ina ko bago sa kwarto ko. Kinintilan ko ng halik sa noo ang dalawa at tumungo na ako sa kwarto ko.

Pagkahilata ko, agad na dinalaw ako ng antok. Ngayon, okay na ang lahat maliban sa mag-ina.

I have to win their heart back and I need to make it up to my best man.

****

PS. Bias ko talaga si Andrew. Hihi. Sobrang wagi sa akin ang character niya. :)

Vote. Comment. Fan

Loveya, ppl! :* ♥

Herz University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon