6: Group Work 1

1.2K 22 3
                                    

-----------School------------

(Third Person's POV)

Nakarating na din sila Yume at Shin sa classroom. Malamang maraming nagbulung-bulungan kahit na sanay na naman silang makita ang dalawa na madalas magkasama. Maski ang barkada nilang sila Meg, Keis at Drew. "Bitches nga naman" sa isip-isip ni Yume. Lagi na lang binibigyang malisya pag magkasama sila. Ngayon lang kasi siya naging close sa ibang lalaki maliban sa mga kuya niya kaya malamang magtataka ang mga nasa star section kahit sabihin pang boyish siya.

sila ba?

baka naman nilalandi niya si Shin?

Siguro nga, paboyish-boyish effect pa, linta din naman pala

At hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng magkaka-barkada habang papunta sila Yume at Shin sa upuan nila kaya naman tumayo si Meg at hinarap ang mga hipong nakatakas sa dagat.

"What did you just say about my bestfriend, shrimp?" --- sabi ni Meg, sapat ng marinig ng buong klase at magtawanan dahil sa pagtawag niya ng "shrimp" sa mga kropek na yun. xD

"Bingi ka ba? Pumunta ka dito para magtanong eh sa malamang narnig mo na kaya nga sumusugod ka at hinaharap ako hindi ba?" --- sabi ng lider ng mga kropek at napa-ooohhh naman ang buong klase dahil first time na may nangahas na magsalita sa tinatawag nila "GD" o "Gorgeous Duo". Napataas naman ang kilay ni Meg at ngumiti, ang ngiting minsan lang makita ng klase na may ibig sabihin. Nagtataka naman yung tatlo habang si yume ay cool lang na nanonood.

"Oh yea. I've heard it loud and clear shrimp. oh wait, masyadong sosyal ang shrimp. Mind if i call you Kropek, bitch? I guess, it suits you so well. And one more thing, maybe you're just jealous of my bestfriend because no matter how many times you put make on your face or go to dermatological institutes, you can't get the man you want. Ciao!"--- tumalikod na siya at iniwang nanggagalaiti sa galit yung hipon. Ngiting tagumpay! :)

"We're not done yet! I'll get back to you!" -- sigaw nung hipon na pinapakalma ng mga alipores niyang shokoy. :D

"Whatta show, Mi Lady." -- Keis sabay halik sa kamay ng dalaga. Bigla namang namula si Meg kaya hinablot niya agad ang kamay niya at umupo sa tabi ni Yume. Tumawa lang ng mahina yung tatlo dahil sa nasaksihan.

Late na dumating ang teacher nila sa Chemistry kaya nagkaroon ng ganung show kanina.

"Good morning class" --- bati ng guro nila.

"Good morning Ma'am Cortez" ---- buong klase.

"Class. may urgent meeting ang mga teachers ngayon kaya na-late ako at patuloy pa din ang meeting. Mag-iiwan lang ako ng Workloads that is good for a one day research dahil may seminar din akong pupuntahan after the meeting. you'll pass this on Wednesday. Understand?" --- teacher

"Yes Ma'am" --- class

"So, I'll group you by row which means ther will be five members each group. I've sent it to your e-mails already and you can already start today since our class is 3 hours. Are we all clear?" ---ani ng guro nila

"All clear, Ma'am" --- class. Energetic silang sumasagot kasi alam nilang mawawalan ng klase sa Chem.

"That would be all. Keep quiet and start doing your thing. Goodbye class" --- teacher.

"Goodbye Ma'am" --- class

At dahil by row ang groupings, automatic na silang magkakaibigan ang magkakasama. Buti na lang at hindi sila nagkahiwa-hiwalay at mahirap na baka magka-World War 3 kapag nasama sila Meg sa mga hipon.

Herz University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon