(Shin's POV)
Same old routine.
Paulit-ulit.
Walang bago.
Siguro kung nandito lang siya, masaya na sana ako at may pamilya.
I still remember how her body felt against mine. I can clearly remeber the night when our bodies become one.
Oo, may nangyari sa amin ni Yume bago mangyari ang araw na ayaw ko ng maalala. Ayaw ko ng balikan. Yung araw kung kailan siya nawala sa akin dahil sa kagaguhan ko. Dahil katangahan ko. Dahil hindi ako nagtiwala sa kanya.
If only regret comes first before decisions.
Kung sakali bang ganoon, mas pipiliin ba ng taong itulak palayo sa kanila ang mga taong mahal nila? Sino namang tanga ang gagawa nun? Wala 'no. Malamang pinahalagahan na nila ito ng maayos bago pa man dumating ang sisi. Bago pa man mawala ang pinaka-iingatan nila.
Kung ganoon man ang nangyari, she might here, securely wrapped in my arms.
Naputol ang pag-iisip ko ng may marahang katok akong narinig mula sa labas ng opisina KO.
Napunta na sa akin ang company ni Dad after I graduated college at Harvard University. I graduated Magna Cum Laude there pero kahit anong talino at achievement ang tao, may kulang at kulang pa rin.
I am the boss of my own company. Sarili kong kompanya eh.
But, I'm not the boss of my own fate. And destiny mastered on fooling me.
"Same old, Shin." ---- banggit ng taong kapapasok lang sa opisina ko. Tinitigan ko ito ng masama but he only raised his hand up in the air, a sign of surrender.
"What brought you here?" --- kaswal na tanong ko. Hinila niya muna sa beywang ang kasama niya bago nakangising may iniabot sa akin.
Inabot ko ito mula sa kanya at natigagal ako ng makita ang inabot niya.
Isang magazine but what really caught my attention is the cover of the magazine.
She's grown up, gorgeous and without me.
"She's coming back with Drew." --- agad na dumilim ang anyo ko ng marinig ang pangalan ng bestfriend ko. EX-BESTFRIEND, to be accurately correct.
"Kailan?" --- tipid kong tanong habang hindi pa din iniaalis ang tingin sa men's magazine kung saan siya nag-cover.
"Tomorrow. Susunduin namin sila. Are you coming with us?" --- tanong sa akin ni Keis na hindi pa rin naalis ang mapang-asar na ngisi sa labi. Sa inis ko ay binato ko sa kanya ang ballpen ko.
"Woah. Easy, dude. Hindi ako ang dapat mong gantihan. Hahaha." --- tumatawang asar ni Keis at hinihila ang lukot na lukot ang mukhang fiance niya na si Meg.
Sa loob ng limang taon ay dumaan din sila sa problema. Artista si Meg kaya maraming nali-link sa kanya. She's a sought after actress today while Keis is managing his own company too. Madalas ang pag-aaway nila nung nag-uumpisa pa lang si Meg sa pagiging celebrity kaya para wala ng kawala ang minamahal nito ay habang nasa isang guesting ay pumunta si Keis sa backstage ng show ng hindi alam ni Meg. Habang patuloy sa pag-iinterview ang host ay bigla na lang naglabasan ang staff ng show na may mga dala-dalang boquet ng roses na iba iba ang kulay. Nag-panic ang host kaya hindi ito nakagalaw hanggang sa namatay lahat ang ilaw sa set but the roses gave light to it. Why? It was painted with glow in the dark paints at lahag ng may hawak ay may nakasulat sa kamay na letters na glow in the dark rin forming the words "Marry me, today to infinity".
Nagsimulang magtilian ang mga tao sa loob ng set hanggang sa bumukas ang ilaw at kumanta si Keis ng walang kamatayang "All of Me". Pero wala tayong magagawa kung yun ang gusto niyang kanta dahil pinapakita at pinaparamdam niyang, tanggap niya ang lahat sa mapapangasawa niya. And with that, Meg said her sweetest yes while crying with joy.
"Shin, handa ka na na bang makita siya? Sila?" --- tanong ni Meg at umupo sa upuang tapat ng lamesa ko. Habang si Keis ay inakbayan siya.
"I'm more than ready." --- sagot ko at humarap sa glass window where I can see the whole Metro Manila.
Naramdaman ko ang pag-ngisi ng dalawa sa likod ko. Tanda na nagustuhan nila ang sagot ko.
Handa na akong bawiin kung ano ang akin.
****
A/N: Bago ang lahat, gusto ko lang po talagang magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa stories ko. From Herz University to 143rd Jerk. Hanggang sa mga nagbabasa ng short stories ko. Hindi ko naman po ito maisusulat kung hindi dahil kay God at sa inyong readers. :) Ngayong, Season II na, this is more of Shin's POV. Gusto ko talaga maibahagi ang mga saloobing panlalaki kahit babaeng babae naman ako. HAHAHAHA. Sana, bumoto at mag-comment pa rin kayo. :) Kung may mali man, punahin sa magandang paraan dahil pinaghihirapan ko ang bawat update. :) Yun lang at MARAMIN MARAMING SALAMAT. ♡♥
Twitter: @misskeemist
FB: Keem Delgado#BawiinSiYume
VOTE.COMMENT.FAN
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
JugendliteraturAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...