I got your name tattoed in an Arrow Heart.
(Shin's POV)
Ang galing kumanta ni Meg kanina. Soloist ang bet niya. Bakit hindi kaya kumanta si Baby ko? Landi ko talaga.
Balik tayo sa kinanta ni Meg. Naoakagaling. Full of emotions yung kanta. Ramdam mo na kailangan niya ng assurance eh. Kaso sobrang bagal nitong si Keis. Oo nga't alam nila na mahal nila ang isa't isa pero hindi naman pwedeng alam lang. Kailangan sinasabi mo din. It's not always "Action speaks louder than words". Ano? Puro gawa na lang, wala ng confirmation. Laging magakasama ang salita at gawa. Hindi pwedeng maiwan ang isa.
Eto kasing kaibigan namin eh isang beses pa lang ata nasasabing mahal niya si Meg at hindi na naulit. Natakot ata at walang sagot nakuha. Hahaha.
Kaya heto at napapayag kami na sumali sa contest na ito para dadaanin niya na lang daw sa kanta ang laman ng puso niya.
Takte. Ang cheesy talaga umibig ng isang ito. Mas ma-keso pa kaysa sa amin ni Drew eh.
"Mga dre, kinakabahan ako." ---- balisang sabi ni Keisler sa amin.
"Yung totoo? Isang linggo tayo nag-practice para sa Confirmation Song mong ito at ngayon ka pa kinabahan?" --- sabat naman ni Andrew.
"Malamang, totoong tao na ang makakaharap ko ngayon eh. Unlike pag nagpra-practice tayo eh human standee lang ang kaharap ko." --- Hahahaha. Naalala ko ang kalokohan ng isang ito. Nagpagawa pa talaga siya ng human size standee ni Meg para daw ma-practice niya yung mga sasabihin niya at hindi na kabahan pero kita mo nga naman, kinakabahan pa rin ang loko.
"Pag kinabahan ka, rejection ang makukuha mo. Remember, may kasalanan ka pa? Iniwan mo siya sa mall the last time you went out? Kailangan mong bumawi at mag-sorry." --- paalala ko sa kanya. Tumango tango naman siya at nagsimula ng mag-breathing exercises.
Ilang sandali pa at tinawag na kami.
Bago kami umakyat sa stage ay tinapik muna namin si Keis para pampa-lakas ng loob.
Goodluck, buddy. I hope you'll have the beginning of your forever tonight.
**
(Keis' POV)
Goodness Gracious. This is it pansit! Kinakabahan talaga ako. I'm sweating at feeling ko may gripo ako sa katawan na ayaw magsara.
Ganito pala ang feeling ng magtapat sa harap ng maraming tao.
Ganito din siguro ang feeling ni Dingdong Dantes kagabi ng mag-propse siya kay Marian Rivera.
Napanood ko yun at lalo akong nanlamig. Hindi 'pa' naman ako magpro-propose eh. Pero parang ganun na din ito.
You're going to ask the one you love to be yours. Maybe hindi pa ito pang-lifetime dahil bata pa kami pero yung tanggiha. ka niya para na sigurong nagsara ang langit sa akin. Walang bukas na may liwanag at walang ulan na may bahaghari.
Aish. Heto na talaga.
"Good evening, Herzians! I hope you're going to enjoy our performance tonight. Inaalay ko ang kantang ito sa taonng mahal na mahal ko. Ang babaeng kahit gaano kabilis uminit ang ulo ay nandiyan pa rin sa tabi ko at hindi ako iniwan. Maybe, I haven't told you many times before how much I love you but tonight, I want everyone to know. I Love You So Much, Megumi Jane De Vera. So Damn Much."
Hindi lang ang Herzian ang nakaalam ng damdamin ko. This is live telecast. Sa laha ng station at international channels.
Ganyan ko siya kamahal kaya lahat ng TV station nandito para mag-coverage.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
