A/N: Unedited. Mobile Watty. Updates are not specified.
---xx
(Third Person's POV)
Lumipas ang dalawa pang araw ng hindi man lang nag-iimikan sina Shin at Yume. Pilit nilang dinededma ang isa't isa kahit alam naman nilang hindi nila kaya.
Hanggang sa makarating sila sa Manila ay tila may bumabalot na yelo sa kanila. Maski ang mga kaibigan nila ay hindi na makayanan ang pagkailang ngunit mas pinili na lang nilang manahimik. Si Dream naman ay walang pakialam habang si Drew ay oblivious sa paligid.
Dahil sa nakakapagof na fieldtrip ay walang pasok ang Senior class for 2 days. Which means, Thursday na ang balik nila sa eskwelahan.
**
It was thursday morning. Same old routine. Sinundo ni Keis si Meg pero kasabay na ang kambal ngayon. Si Drew at si Yume. Pero si Shin at Dream ay nagakasalisi. Sabi ng kapatid nitong si Carlo na nauna na daw itong umalis gamit ang Audi R8 nito.
Tinanong naman ni Shin ang binata ngunit sinabi nitong wala siyang alam.
Nagsimula ng magtaka si Shin sa mga kinikilos ni Dream. It was like she's hiding something from him.
Dumiretso na lang siya sa University at baka maabutan niya pa dun ang kasintahan before attending their morning classes, respectively.
Pagdating ng binata ay nakita niya rin na kadarating lang ng mga kaibigan. Humabil siya sa mga ito ng makita niyang naglalakad na ito palayo at papunta sa klase.
"Guys, wait!" --- sigaw niya sa mga ito na agad din namang huminto ng marinig siya.
Agad na rin siyang lumapit but he froze the second his eyes landed on her.
Kay Yume. Alam naman kasi nilang hindi pa sila ayos so when he composed himself ay binati niya nalang ang mga kasama pati si Yume but in a civil way.
Naglalakad na sila sa hallway papunta sa first class ng magpaalam si Shin to check on his girlfriend who made ot first to campus.
Pinuntahan niya ito sa classroom but to his dismay ay hindi pa daw ito dumadating.
He was quite panicky at the moment.
Ang daming What if's ang naiisip niya. Baka mamaya nakidnap na ang girlfriend niya. Naaksidente or worst, na-rape!
Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag nangyari yun. Hinding-hindi.
Pero kahit anong panic niya ay hindi niya naman pwedeng ipagpaliban ang klase at lumabas.
Isa sa rules and regulation ng school nila ang bawal mag-cutting at mahigpit ang guards dahil you need a school slip from the Principal before you could actually go out and miss a class. At dapat ay VALID ang reason mo. Unlike kasi sa College Department na maluwag ang security maski ang rules and regulation nila. You can go home whenever you like but the consequences after ay bahala na. Wala ng pakialaman kung sa madaling salita. Responsibilidad mo na ang bawat kilos mo dahil may isip ka na. Kaya ang higpit ay nabaling sa Highschool department.
Kaya bumalik na lang siya sa klase.
Takang-taka naman ang barkada ng makita ang luko na lukot na mukha ng kanilang kaibigan kaya hindi na din napigilang magtanong ni Drew.
"Dre. Anong mukha yan?" --- mapang-asar na tanong ni Drew sa kaibigan.
"Wala kasi si Dream eh. Sinundo ko siya sa bahay nila, ang sabi ng kapatid niya ay nauna na daw. Pagpunta ko naman sa classroom nila, hindi pa daw dumating. Nag-aalala na ako eh." --- bahid ng lungkot at talagang genuine concern ang mababakas sa mga sinabi ng binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/12172453-288-k650048.jpg)
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...