(Ira's POV)
Akala ba nila ganun kadali makawala sa gulong kaibigan din nila ang gumawa? Or should I say, kambal ng kaibigan nila at ang kapatid ng lalaking mahal ko na si Drew.
Sa sobrang tuso ko na 'to, nahuli pa din ako. Wala naman na akong maitatago dahil alam niyo na kung gaano ako kalandi. Hindi ko din naman iyon itatanggi dahil sa ginagawa kong yun ay nabubuhay ko ang pinakamamahal kong kapatid pero siya rin pala ay ta-traydurin ako. Lilinlangin. Lolokohin. Paniniwalain. Paasahin.
Bakit? Dahil lang sa pagmamahal. Tignan mo nga naman kung paano nito paikutin, saktan at paluhain ang tao. Magmahal kang totoo, gagaguhin ka. Bakit pa di ba? Sinira ako ng pagmamahal. Akala ko akin na yung taong mahal ko. Yun pala hanggang pangarap na lang yun at hindi na matutupad.
Nice name di ba? Parehas pa talaga kami ng pangalan ng babaeng unang minahal ni Drew at hanggang ngayon ay minamahal pa din.
Bakit hindi na lang ako? Sa akin na lang siya.
Mula pagkabata si Yume na talaga ang minahal niya. Yes. Magkakababata kami.
Isang batang babae na may matalik na kaibigan, nakasuot pang prinsesa. Ako, palaboy lang sa labas nun na pinayagang pumasok dahil mukhang naawa sa akin ang isang ginoo. Ang ama ng tunay na Dream. Saka ko naman nakilala ang mga batang naka-tuxedo. Si Drew, Shin, Keis at ang kambal ni Drew na si Viel. Lahat sila ay nakamaskara ng gabing iyon. Naging mabait sa akin ang grupo nila. Pero naging extra kind sa akin ni Drew. Hinding hindi ko talaga makakalimutan dahil nagpakiplala pa siya sa akin at nakipaglaro. Kaya simula ng araw na yun, ipinangako ko sa sarili ko na balang araw ay magiging karapat-dapat din ako sa batang yun.
Pero yung araw na yun ay mukhang hindi na mangyayari pa dahil sa walang hiya niyang kambal. Sa gahaman niyang kapatid. Winasak niya ang pagkatao ko pati na rin ang natitirang pag-asa para mapalapit sa lalaking gustung-gusto ko.
"Dalhin niyo na yan at baka magwala na naman" --- boses ng lalaki mula sa likod ko. Nagtatago din kasi ako sa likod ng isang puno malapit sa field.
Unti-unti ay naramdaman kong may humawak sa braso ko at tinalian ang dalawa kong kamay ng sobrang higpit. Animo'y isa akong hayop na kahit anong oras ay mananakmal.
"Ahhhhh! Bitawan niyo ko! Bakit ba kayo nakikialam?! Nanunuod pa ako ng pelikula. Isang masayang pelikula! BITAWAN NIYO KO! AHHHHH!" --- pagpupumiglas ko sa mga lalaking nakahawak sa akin.
Ano bang problema ng mga ito. Nanunuod lang naman ako ng isang pelikula ng live. Walang script at purong realidad lamang. Mga pakialamero!
"Hindi pa rin ba siya kumakalma? Turukan na yan" --- Isa na namang tinig ng lalaki. Lalaking kilalang kilala ko. Ang aking kapatid, si Carlo.
Naramdaman ko na lang na lumulutang ako sa ere. Bumigat na ang talukap ng aking mga mata at nilamon na ako ng mundong ako ang pwedeng gumawa ng sarili kong istorya. Ang mundo ng aking panaginip.
***
(Carlo's POV)
Malamang may hint na kayo kung sino ako sa istoryang ako. Masasabi kong ako ang Guardian Angel ni Ate Yume. Ako din ang lihim na nagmamahal sa babaeng unang nagturo sa akin ng pagiging Selfless when in comes to Love. Nagawa ko ngang lokohin ang sarili kong kapatid para lang hindi na ulit masaktang ang puso ng pinakamamahal ko. Nagawa ko siyang iwanan ng wala man lamang kaalam-alam na ginagamit na siya dahil ayoko ng makita pang lumuha ang mga matang iyon. Ang batang babae na unang nagparamdam sa akin na wala sa estado ng buhay kung gusto mong tumulong sa iba at makipagkaibigan ng walang kasamang panghuhusga.
Nandito ako ngayon sa office ng Principal, Herz University- Highschool Division.
Pumunta ako sa opisinang ito hindi para magpaawa. Makikiusap ako...
"Good Afternoon, Ma'am." --- magalang na pagbati ko sa Principal namin. Matanda na siya at dapat mag-retire na. Pero heto at kumakayod kabayo pa din. Napakabait lang talaga ng Madam Principal na ito.
"Good Afternoon, Mr. Gonzales. What business brought you here?" --- tanong niya sa akin.
"I would like to file a drop out letter. Me and my sister will move to America for some personal reasons." --- paalam ko sa kanya. Bahagyang napakunot-noo pa siya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na wala na kaming mga magulang at ulila na kami. But Expect the Unexpected nga di ba?
"Okay. Hindi na ako mag-uusisa pa dahil alam kong personal reason na. Masyado ng confidential. Iginagalang ko ang desisyon niyo ng Ate mo. I hope to see you again here in the Campus. Soon, Mr. Gonzales." --- tumayo siya at kinamayan ako, binalik ko din ang paggalang ni inirapat niya sa akin.
Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa punong pinag-stay-an ng kapatid ko at ng mga nagbabantay sa kanya.
Hindi na ako nagulat ng makitang nakatanaw siya sa isang specific na grupo sa hindi kalayuan.
Malaki ang naging epekto ng pagkaloko sa kanya ng kambal ni Drew na si Viel.
Naranasan mo na ba yung "Kayo pero hindi Kayo"? ganun yung naransan ng sister ko. Kasi akala niya talaga may something na sa kanila ni Drew which is Viel pala kaya hindi siya nito pinapansin pag magkakasama silang magkakabarkada, harsh kasi ayaw niyang mahalata na may something sa kanila. Yun pala nasa Akala niya lang lahat yun. Naging Umaasa ang status niya na nauwi sa naging Napaasa pero ang katotohanan ay wala naman talagang nag-create nun kung hindi ang fantasies niya at ang kilos manloloko ng evil twin brother ni Drew.
Kaya't heto kami lilipad patungong Amerika dahil...
"Ahhhhh! Bitawan niyo ko! Bakit ba kayo nakikialam?! Nanunuod pa ako ng pelikula. Isang masayang pelikula! BITAWAN NIYO KO! AHHHHH!" --- sigaw ng ate kong nagputol sa mga naiisip ko. Nagwawala na naman siya at hindi siya mapakalma ng tauhan ni Daddy. Oo, maliban sa parang nabaliw si Ate Ira ay nahanap na din kami ng aming ama. Ang ina namin ang nagpa-ampon sa amin kahit ayaw ng tatay namin. Isa din kasing bayarang babae ang ina namin at ayaw niyang magka-anak dahil hindi na siya makakapag-landi ng iba pang lalaki. Patuloy pa rin ang ganoong pagtatalo ng amain ko at ng aking ina kahit ka-buwanan niya na noon kaya isang gabi pagkapanganak sa amin ay dinala kami ng aking ina sa bahay ampunan. Pasalamat na lang kami at hinahanap pa din kami ng aking ama. Namuhay siyang mag-isa dahil di niya magawang makapag-asawa ng iba dulot ng wagas niyang pagmamahal sa ina namin. Hay. Pag-ibig nga naman oh.
Lumapit na ako sa mga tauhan ni papa na hirap na hirap na talaga.
"Hindi pa rin ba siya kumakalma? Turukan na yan" --- mahinahong sambit ko. Ginawa naman nila at binuhat na siya papasok ng sasakyan.
Ngayon, pamilya muna bago puso.
At sa huling sulyap sa aking minamahal ay pumasok na ako sa kotse upang tumungo ng airport.
***
(Author's POV)
Habang nasa biyahe si Carlo ay naisip niyang ang kapatid naman niya ang kanyang uunahin tutal nakita niya ng masaya ang babaeng kanyang minahal, hindi man sa piling niya ay sa piling naman ng iba. Masaya na siya doon.
Hindi niya na nanaisin pang magulo ang buhay ng mga ito dahil wala naman sa personalidad niya iyon. Pangako niyang siya naman ang magiging Receiver ng pagmamahal sa susunod niyang Pag-ibig.
Paalam, Ate Yume. Hanggang sa muli nating pagkikita. Te Amo. Always.
*******
Short UD lang po. Sorry. Hahaha. Salamat sa patuloy na pagbabasa at pagboto. ♡
Follow me on twitter:
@MissKeemist
God bless, Herzians/ Dreamers ∩__∩
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
