HAHAHA. Saloobin lang ito ni Yume, tsk. Saloobing babae oh. :3
--------------------
(Yume's POV)
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang binitiwan ko kay Shin na alam kong magkakaroon ng impoact sa kanya ay umalis na ako ng hindi nagpapaalam. Alam kong susundan din ako ng matalik kong kaibigan. Hayss.. yung mga sinabi ko kanina sa kanya ay yung mga salitang gustong gusto kong gawin pero wala akong lakas ng loob. Kasi umpisa pa lang talo na ako, bakit? Kasi may babae na siya kung saan inilaan niya na ang puso niya ng buong-buo. Mali nga na sumuko agad ako tulad ng sabi sa akin dati ni bessy pero masisisi niyo ba ako kung pakakawalan ko na lang siya at hahayaan?
Hindi ako kasing tanga ng inaakala niyong, magpapaka-martyr para sabihin sa taong mahal ko na wag ng ituloy ang binanabalak niyang pakikipag-usap para lang sa sarili kong kapakanan. I'm not selfish enough to let Shin suffer what I'm feeling right now because I know that his Dream loves her and setting him free as early as now will lessen the pain that I'm feeling.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa garden ng university na kung tawagin nila ay Lost Garden. Hahaha. Nakakatawa yung name ano? Pero may malalim kasing meaning yun eh. Later ko na ikwento dahil naghahanap pa ako ng mauupuan at ayun! Nakakita ako ng bench malapit sa man-made batis ng garden. Naupo ako dun at pinagmasdan ang reflection ko pati na ng mga bituin sa tubig.
Habang kinakalma ko ang sarili kong puso dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman, ikwekwento ko na kung bakit ito tinawag na Lost Garden..
LOST GARDEN: Meg told me this several years ago. It was called the name it is dahil sa mga taong broken hearted na pumupunta dito at inilalabas ang sama ng loob nila at hinanakit. Not just about love but also about family and friends. Hindi naman lang naman dahil sa love natatamo ang pagkawasak ng puso hindi ba? Pati sa mga kaibigan at taong malalapit sa atin. Ang panloloko hindi lang naman nagaganap sa pagitan ng magkasintahan dahil maski sa isang barkadahan nagagawa natin magtaguan, taguan ng feelings, taguan ng sikreto, taguan ng bagay. Ang pag-aaway ay hindi lang din nararanasan lamang ng magkakaibigan dahil sa pamilya din naman ay may hindi pagkakaintindihan. Minsan may hindi pagtanggap sa isa't isa, meron din namang nagkakainggitan --- favoritism kumbaga. Love can either mend us or break us, Differences can seperate us or bring us back together.. What lies between is "or" which means na may choice tayo. Nasa atin na yun kung anong pipiliin natin, kung saan tayo susugal at kung sa huli ay susuko na lang tayo. Yan ang kwento ng garden na ito, naging takbuhan ng mga tinatawag nating sawi o kaya yung mga lost at naguguluhan, pero sa huli ay aalis pa rin sila at haharapin ng buong tapang ang mga problema sa buhay nila.
Maputol ako sa pagmumuni-muni ng may tumabi sa akin at magsalita..
"Don't run... Nandito lang ako parati." --- panimula niyang sabi.
"Alam ko naman iyon eh, alam kong hindi mo ako iiwan dahil sa lahat ng kaibigan ko, ikaw lang ang nagtiyaga sa ka-abnormalan ko. Hehe. :)" --- natatawa kong sabi sa kanya. Kahit na anong mangyari, siya ang laging nandyan para sa akin, si Meg. Natawa naman siya ng bahagya.
"Siyempre, abnormal din ako bessy eh. Hays. Seryoso na. Alam ko namang masakit eh pero kayanin mo, wag mo ng ipagpilitan pa yung nararamdaman mo dahil ikaw at ikaw lang din ang mahihrapan at masasaktan kaya ngayon pa lang, pinapasuko na kita, kahit gaano mo pa kamahal si Shin, bitawan mo na siya." --- seryoso niyang sinabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ramdam ko yung pag-aalala niya for me at masaya ako dun kaya hindi ko na napigilang lumuha lalo na ng marinig ko yung kanta galing sa loob ng gym. Niyakap ako ni Meg at dun na nag-unahang tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
