A/N: THIS NOTE IS IMPORTANT. IN-UPLOAD KO ULET SI CHAP 13 KASI NAGLOLOKO SI WATTY. SA CHAP. NA ITO NAG-START YUNG WEIRDNESS NG ARRNGEMENT NG STORY KO AT WALA AKONG COPY NG KAHIT ANONG CHAPS. SO PLEASE BEAR WITH ME. THANK YOU, GUYS!
---xx
(Drew's POV)
"Just give me your heart, I promise to keep it and take care of it.. ♥"
Shetness Overload ako ngayon. Eto na, nasabi ko na yung nararamdaman ko sa kanya at base sa reaksyon niya, talagang gulat na gulat. Her eyes are wide like an owl and her mouth is hanging open. Pwede ng pasukan ng kamao ko. >:)))
Kidding aside...
"Hey, Yume.. you okay?" --- ako with matching wave pa ng kamay sa harap niya. Mukha namang natauhan at bumalik na siya sa katiniuan. Hahaha.
"uh-y-yeah. Tara, b-balik na t-tayo sa seats natin.. " --- she said stuttering. Mukha ngang hindi niya inaasahan ang offer ko. Nagsimula na kaming maglakad at malapit na kami sa table ng humigpit ang hawak ni Yume sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan pero nakatuon lamang ang pansin niya sa table namin kaya sinundan ko ng tingin yung tinitignan niya..
Na sana hindi ko na lang ginawa. It pains me na makita ang taong tinitibok ng puso ko na nakatingin ng buong pagmamahal sa bestfriend ko pero ang pinaka-masakit eh yung makita kong nasasaktan siya pero wala man lang akong magawa dahil hindi pa man ako gumagalaw, nabasura na yung feelings ko. Shit. This is so not me, this is totally turning me gay.
Pinisil ko ang kamay niya and I intertwined our fingers na halatang ikinagulat niya for the nth time pero hindi siya nag-protesta dahil sa pagbalik hawak niya ng kamay ko, naramdaman kong kailangan niya ako kaya inalalayan ko na siya at pinaghila ng upuan sa table namin.
Ng makaupo na, napansin kong hindi nag-iisa si Shin. He has company at ng mapatingin ako kanila Keis at Meg ay nakatingin sila kay Yume at kita ko ang pag-aalala nila sa kanya.
I cleared my throat and that got everyone's attention kaya ang mga ulo nila ay bumaling sa akin.
"Shin, mind if you introduce her to us?" --- sabi ko na may halong mapaklang tono.
"Not really, Guys, I want you to meet Dream, Ira Dream Gonzales." --- wagas na ngiting pagpapakilala niya sa amin. Tss. Hindi man lang napansin na may namumuo ng tension sa table naming. Oblivious sa surroundings niya pero sa clown na babaeng yun, hindi. Letse siya.
"Keis here" - cool na sabi ni Keis.
"Meg, the beautiful and sexy Queen of the Herzians. This is my bestfriend, Yume, the ever gorgeous HerzU's Queen. ♥" --- proud na sabi ni Meg sa babaeng nginudngod ang mukha sa espasol. HAHAHAHA. Pambawing lait para kay Yume ko J Ngumiti naman si Yume pero hindi aabot sa mata. She's really hurt. That I can tell.
"The handsome Drew, Single but taken by this breath taking young lady here beside me" --- gwapo kong pagpapakilalal sa kanya. Nanlaki naman ang mata nilang lahat sa sinabi ko.
"WHAAAAT?!" --- sabay sabay nilang sigaw. What? Why? May mali bas a pagdeklara ko sa kanila na Mahal ko si Yume. At ang babae naming ito, ayun.. Frozen ang drama sa akin. Tsk.
"Ano ba guys! Tigilan niyo nga yang pagsigaw. Hindi naman siguro kayo bingi di ba? And yes, Gusto ko lang sabihin sa inyo na may nararamdaman ako para kay Yume at handa akong patunayan yun hindi lang sa akanya but to the whole Herzian population. ♥ Okay lang ba Shin?" --- I threw him a smirk which I'm sure he didn't understand what for and he was taken aback by my sudden declaration.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
