34: Rebound

551 9 3
                                        

(Author's POV)

Sobrang saya ng buong barkada ng PG's dahil may nagkatuluyan na sa grupo nila. A very happy and romantic ending for Keisler and Meg.

It always takes time para makamit mo ang isang bagay.

You have to give an effort. Kailangan mo siyang pagtrabahuhan at paghirapan. Sa ibang pagkakataon, hindi na nasusukat yan.

You have to wait. Naghintay si Keis ng tiyempo kung kailan niya yun gagawin at kung kailan siya aamin. Marahil natagalan pero okay naman ang kinalabasan. Sakto din na nagkatampuhan sila. Maliban sa pagso-sorry ay nagtapat na din siya.

Lahat naman ata kailangan ng confirnation ang validity. Not just relationships pero pati na rin ang friendship.

**

Kinabukasan, matapos ang isang nakakakilig na tagpo ang naganap sa open field ng Herz University ay dumiretso ng airport ang magkakaibigan. Maaga silang nagising upang ihatid ang mga kuya ni Yume maliban kay Kuya Mico niya na mananatili upang bantayan siya.

Nang makarating sa airport ay isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan ni Yume sa kanyang mga kuya pero mukhang ilag sila kay Shin. Hindi na lamang ito pinansin pa ni Shin. Kay Drew naman ay buddy buddy ang eksena.

Mula kasi ng manligaw ito noon sa dalaga ay naging malapit siya sa mga kuya nito maliban kay Mico na kalkulado ang bawat pagbati at paggalaw sa paligid niya.

Madalas kasi itong nasa bahay noon upang bisitahin si Yume.

"Kuyas..." --- malumanay na tawag ng kapatid na babae sa kambal niyang kuya pagkahiwalay sa pag-brotherly hug kay Drew.

Bakas sa tinig ng dalaga na malungkot siya. Kahit na madalas na asarin ay nananatiling "Blood os thicker than water" ang motto nila.

"Halika nga dito. Payakap ang kuya at baka hindi ko na gustuhing umalis." --- masuyong hinila ni Drake ang kapatid at niyakap ng mahigpit.

Sobrang higpit na halos hindi na makahinga si Yumer pero hindi na niya pinansin dahil sadyang mami-Miss niya ang mga kapatid. 5 years kasi ang contract. Kaya matatagalan bago sila ulit makauwi. Doon na rin nila ipagpapatuloy ang pag-aaral nila ng kolehiyo.

Mangiyak-ngiyak naman amg nakapaligid sa kanila ng makita nilang bumagsak ang luha ni James, isa sa kambal.

Mabilis niya naman itong pi.unasan dahil tinapik siya sa balikat ni Mico. Siya ang pinaka-emosyonal at sensitibo sa tatlong lalaki.

"Aish. Kuya James naman eh." --- natatawa na naluluhang saway ni Yume. Hindi nakatakas sa kanya ang pagluha ng kapatid. Humiwalay siya kay Drake at nilapitan ang isa sa kambal. Agad din naman siyang niyakap nito ng sobrang higpit din.

"I love you, princess. Alam mo yan. Isang tawag mo lang sa amin ni kambal, babalik kami kahit magbayad kami ng milyon sa paglabag ng kontrata. Wag ka lang namin makitang umiyak at nasasaktan." ---- panimula ng pangalawa sa magkakapatid na lalaki. "Hindi ka namin iningatan at prinotektahan ng halos labing-anim na taon para lang paluhain ng kung sinuman." --- pagtatapos nito at humiwalay ng yakap sa umiiyak niya ng bunsong kapatid. Unti-unting pinunasan ng kuya ni Yume ang kanyang mga lubang naglandas na sa maamo nitong mukha saka hinalikan sa noo.

"Kuya. Thank you. I'll miss you. Tatawag kayo palagi ha?" --- naluluha pa rin na sambit ng dalaga sa dalawa sa mga mahahalagang lalaki sa buhay niya.

Ngumiti ang kambal ng paglalawak-lawak at sabay na kinurot at nilamutak ang namumulang pisngi ng bunso nila.

"Oo naman! Tama na ang iyak at baka isama ka na namin. Hahahaha" --- tumatawang sabi ni Drake.

"Yung totoo? Aalis ba kayo o magda-drama dito?" ---- pagsusungit naman ni Mico pero ang ikinagulat ng nandoon ay nakangiti ito. Tunay na ngiti. :)

Herz University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon