You're my end and my beginning.
(Author's POV)
Maraming tao ang gustong makaganti sa naranasan nila sa nakaraan.
Marami namang tao na ang gusto ay magpatuloy na lang at kalimutan ang kahapon.
Pero hindi siya dahil nga sa nagbalik na siya ay sisigiraduhin niyang masisira ang nabuo na.
Starbucks Makati, 5pm
Naghihintay si Ira para makipagkita sa babaeng matagal niya ng gustong masaktan dahil sa tingin niya ay hindi pa sapat ang pagkawasak nito noon.
Ipaparamdam niya ang sakit at pagkababoy na ginawa sa kanya ni Viel. Ang pakiramdam ng walang kakampi.
Alam niyang isa pa lang siyang teenager at marami na siyang napagdaanan sa buhay. Katulad niya ay may mga taong kumakapit sa patalim para may makain at para na rin kay Carlo, ang nag-iisa niyang kapatid. Pero ngayon ay hindi niya na kailangan kumapit pa sa kahit anong patalim dahil siya na mismo ang may dala nun. Ang magdudulot ng panganib.
Marahil sasabihin ng iba na kalimutan na lang ang lahat but everything is easier said than done, hindi ba?
Yan ang laging nasa isip niya pero dahil may pera na siya, sa tingin niya ay magagawa niya na ang lahat.
Marami siyang napagtanto ng gumaling siya. Una na doon ay ang pagbabago ng pagtingin niya para kay Drew. It's not the same anymore. Na-realize niyanga ang minamahal niya na ngayon ay si Viel ngunit nakatali pa rin ang puso nito sa babaeng hindi niya matalo-talo. Kahit ano pang gawin niya pero sabi nga nila daig ng malandi ang maganda.
"Ira? Ikaw ba yan?" --- sambit ng babaeng kanina pa niya hinihintay. Lumingon siya ng ubod ng tamis na akala mo ay pwede ka ng magka-diabetes.
"Yume. Ako nga ito. Maupo ka, kanina pa kita hinihintay." ---- malumanay na sambit ng babaeng ahas.
"Pasensya na. May pinuntahan pa kasi kami ni Chase. Malapit na kasi Graduation. Alam mo na." ---- Sagot naman ng tunay na Dream.
"Oo naman, nakaka-miss nga ang Herz University eh. Kamusta naman? Masaya ka na ba?" --- mapangutyang tanong nito sa babaeng kaharap. Hindi naman ito pinansin ni Yume.
"Masayang masaya ako ngayon. Ayos naman ako, kami ng PG's. Kailan pala kayo babalik ng University? Dito mo ba ipagpapatuloy ang college?" --- masiglang tanong ni Yume.
"Okay naman kami ni Carlo. Babalik siya dito after a year. Hmm, kapag naging okay ang plano, dito ako mag-aaral ng College." --- tumango tango naman si Yume na oblivious sa mangyayari sa kanya. Dumating na rin ang orders nila.
"Uhmm. Dream, I'm sorry" ---- pagbabasag ni Ira sa katahimikan. Napatunghay naman si Yume sa pagkain niya ng cake.
"It's okay. Tapos na yun and I'm also sorry in behalf of PG's. Kung may nagawa man kaming nakapanakit sa'yo." --- sincere na sabi ni Yume.
'Kung sa tingin mo ay ganun lang kadali ang lahat ay nagkakamali ka.'
At may pinindot siya sa phone signaling a person to step inside the premises.
"Chase? What are you doing here?" --- nagtatakang tanong ni Yume.
"I'm here to fetch my girlfriend. Is it wrong?" --- at naupo ito sa tabi ng kasintahan.
"Hey. Wag nga kayong maglambingan sa harap ko. Respeto naman oh." --- natatawang suway ni Ira dahil everything that's happening is going according to plan.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
