Huwaaaaaaaaaa O___O lutang pa din me. huhubels. Nkakaloka langsss. Kelangan ko pong mag-update ng maaga kasi po baka di agad ako makapag-update next week, busy busyhan ang lolabels niyo. HAHAHA :D Basta sana po, basahin niyo pa rin ito dahil pag may time ako, mag-a-update agad si atashi :)
_________________
(Shin's POV)
Alam mo ba yung feeling na nakita mo na yung taong matagal mo ng hinahanap at matagal mo ng minamahal? Malamang yung iba hindi pa pero eto ang sasabihin ko sa inyo. Napakasarap sa pakiramdam na magising sa Panaginip ko. Yung matagal mo ng pinapangarap, abot kamay mo na. Grabe yung tagal ng pagmamahal ko, biruin mo ten years? Ten years is not a joke. Maramin darating sa buhay mo, marami kang makikilala at marami din magpapa-pansin sa'yo just to get your attention pero ibahin mo ako. I'm not a Casanova ha, talagang sobraaaaaaaaaang gwapo lang ng inyong linkod. ;) Hahahahaha. HOY! hindi ako nagyayabang ha, likas na gwapo lang talaga ako.
Haysss. Ang ganda niya naman at mukhang madaming lalaki ang nakapaligid sa kanya ah. Paano ko nasabi? Eh sa pinasayaw ulet kasi sila ngayon at ang daming lalaki ang sinisigaw ng pangalan niya. Psh =__________= Mga malalanding lalaki, mukha namang bisugo. Hidni naman siguro halatang mas malakas ang dating ko kaysa sa kanila hindi ba? Okay, tama na ang pagpuri sa aking sarili.
Ayan, tapos na sila sumayaw. Hindi ko alam kung lalapit ba ako..
"Shin, okay ka lang? Mukhang ang lalaim ng iniisip mo ha?" --- Yume. Yun ang nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip ko kung pupunta ba ako at lalapitan siya sa table nilang dancers o hindi.
"Ah, Oo naman. May iniisip lang ako baby sis.." --- sagot ko naman sa kanya with my reassuring smile. Tumango naman siya at nagsalita.
"Pwede ko bang malaman kung ano yun? Handa akong makinig, malay mo makatulong ako.." --- saad ni Yume na mukhang gusto talaga akong tulungan.
"Ano kasi.. Alam mo naman siguro yung tungkol sa babaeng matagal ko ng gusto, si Dream at natagpuan ko na siya.." --- panimula ko sa kanya. At sa pagsabi ko nun, I see a glimpse of pain and sadness flashed her eyes pero agd din namang nawala yun. Baka naman namalikmata lang ako. Okay, insane na.. bakit naman masasaktan ang baby sis ko di ba? Hindi naman kami at kapatid ang turingan namin.
"A-ahh.. Anong g-gusto mong g-gawin?" --- tanong sa akin ni babay sis.
"Gusto ko sana siyang lapitan kaso nahihiya ako eh.." --- pagkasabi ko nun, agad naman akong napayuko at napakamot ng batok kasi alam kong namumula ako. Ang bakla lang. Tch.
"Hmm. Bakit hindi mo siya puntahan at kausapin? Wala naman sigurong masama kung susubukan mo h. May nakapagsabi na kasi sa akin na hindi pa nga nagsisimula ang laban, eh sumusuko na daw agad ako. Siguro, mas bagay na sabihin ko sa'yo yun ngayon Shin, kasi wala ka pang move na nagagawa eh nato-torpe ka na. Hindi ka pa nakakahakbang, umaatras ka na. Hindi ka pa nakakapagsalita at hindi mo pa siya nakakausap, naputol na ang dila mo at tumitiklop ka na. Matagal mo na siyang hinahanap hindi ba? Bakit ngayon ka pa natatakot. Subukan mo, wala namang mawawala eh. Pero isa lang masasabi ko, Kuya Shin.. sana kilalanin mo muna kung sino talaga siya dahil kapag naging kayo, isa lang ang ayaw kong mangyari sa'yo.. yun ay ang masaktan ka" --- seryoso niyang sabi at paliwanag sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ngumiti siya ng marahan at umalis na sa table namin.. Sinundana naman siya ni Meg.
Hindi ko alam ang sasabihin. Napatulala ako sa kanya.. baby sis ko ba talaga yung nagsalita kanina? Pero tama naman siya eh. Hindi pa ako gumagawa ng kahit anong hakbang, nauunahan na agad ako ng takot kaya nakapagdesisyon akong puntahan siya sa table nila..
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
