Love will lead you back in my arms, it won't be long. One of these days my love will lead you back.
Exactly 16 years ago, nasaksihan ko ang pag-iisa ng dalawang malalapit na tao sa buhay ko.
Naramdaman ko rin ang mamatayan ng kinikilala kong ama.
Naranasan ko din na umibig sa murang edad.
Naging saksi ako ng mga panahong naging buo ang barakadang iyon.
It was a day to remember at sa opinyon ko, mas gusto ko na lang itong manatiling nakaraan.
"Yume, ikaw ang pinaka-magandang pangyayari na dumating sa buhay ko. Sabi nila na maswerte daw ako at ikaw ang mapapangasawa ko pero hindi, ang masasabi ko lang, ikaw ang blessing ko. Ikaw ang kabiyak ko nasa sinapupunan pa lamang tayo ng mga magulang natin. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako napapatawad but you're one of a kind. Kakaiba kang babae because you've understood me more than I can understand myself. You're my better half, you're my Forever Personified. I love you so much, happiness" --- and that is where the applause came in. Lahat sila masaya sa na makitang sila rin pala ang nagkatuluyan nung huli pero iba ang araw na yun para sa akin. I ran away from that wedding dahil sa kabila ng kasiyahan nila ang kalungkutan ko. She walked out on me.
The girl I ever loved walked out of my life.
Umalis siya ng walang paalam. Hindi man lang niya sinabi sa akin yung main reason why she left. At that exact day, she broke me and I will never be the sam again.
That same man who loved her despite the past of our parents.
"Kuya Kidd?" --- malumanay na tawag ng isang tinig mula sa pinto ng Theater room. Nilingon ko ito just to find my princess. My 14 year-old sister.
Kapag sumasagi sa isip ko ang mga pangyayari dati, kinaugalian ko ng panoorin ang Wedding video ng mga magulang ko. Dad and Mom are busy handling the company that's why kami lang ang nasa bahay ni Andrea, my sister's name.
"Yes, princess?" --- I sweetly asked her. Pumasok siya at tumabi sa upuan dito sa loob ng theatet room.
"I miss mom and dad." --- she said. Hindi naman nawawalan ng time sa amin ang parents namin. Wala kasi sila ngayon due to business trip at dahil nag-merge na ang companies ng Dionese-Clarke, magkasama ang parents namin sa pag-attend ng mga business trips.
"Hey, dadating din naman sila today eh. Stop sulking, okay? Papanget ka niyan." --- biro ko sa kanya. Nag-pout naman siya pero tinawanan ko lang siya.
"Eh di hindi na ako magugustuhan ng crush ko pag pumanget ako?" --- napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.
"What?! May crush ka na? Hindi pwede! Mag-aral ka muna!" --- sigaw ko sa kanya kahit hindi naman sinasadya.
"Wag mo akong sigawan, kuya! Crush lang yun! Wag kang OA." --- inis niyang sigaw pabalik sa akin.
"Kahit na! Eventually, it will turn to love. Masasaktan ka lang." --- sagot ko pabalik. Ayoko namang makitang nasasaktan ang kapatid ko katulad sa akin.
"Hindi lahat katulad ng istorya mo kuya! If you were hurt before, it's not my fault anymore! Your pain, not mine! I hate you, JAKE KIDD DIONESE!" --- sigaw niya sa akin at tumakbo palabas ng theater room. Ugh. I messed up again. Tama naman siya. It wasn't her fault kung nasaktan man ako. Tumanga lang ako kahit may magagawa ako noon eh. Hays.
Lumabas na ako ng kwarto and went downstairs.
Pagbaba ko, nakita ko si Dad and Mom na papasok pa lang ng bahay. Tumakbo ako sa kanila at niyakap sila.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
