Do you know how much I love you? ♪
(Shin's POV)
NAIA. Ang airport sa bansa. Bagsakan ng mg balik-bayan. Tanggapan ng mga nagbabalik-bansa.
Yeah. Nandito ako ngayon at nag-aabang sa kanya. Sa kanyang pagbabalik at sa muli naming pagkikita.
I know that I'm five years late para bumawi pero wala na akong pakialam doon, ang mahalaga sa akin ay ang makuha siyang muli at mapunan ang ilang taon kong pagkukulang.
Yun lang naman ang madalas kong ipagdasal sa Kanya. Ang makasama ko lang si Yume. Yun lang naman ang nais ng isip at puso ko. Pati ng ulo ko. Hahaha. Sorry na, ang kalamansi ko ngayon kasi hindi ko pa rin maiwasang tumigas kada maiisip ko ang unang gabi naming pinagsaluhan.
"Hoy gago, nginingisi-ngisi mo dyan?" --- parang baliw na tanong sa akin ni Keis mula sa driver's seat.
Napatingin ako sa kanya at parang baliw na nakangiting umiling.
"Nagsisisi ka na ba?" --- biglaang tanong sa akin ni Meg na nakasakay sa passenger seat. Marahas akong napabaling sa kanya ng tingin at sumulyap naman sa kanya ang fiance niya. Pero nakatuon ang paningin niya sa labas. May bahid lungkot at hinanakit kasi ang tono niya.
Magmula kasi ng umalis ang matalik niyang kaibigan ay ako na ang sinisisi niya kung bakit ito umalis. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos noon, sana maayos pa rin kami ni Yume ngayon. Kahit sabihin mong okay na kami ni Meg, alam kong may tampo pa rin siya sa akin at hindi ko naman siya masisi dahil alam kong kasalanan ko din.
"Matagal ko ng pinagsisihan lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko sa kanya. Ganoon naman siguro pag nagmahal tayo, hindi mo sadyang masasaktan siya. Kahit na gaano pa kalaki ang tiwala mo sa kanya, pag may nakita kang bagay na maaaring magbigay ng rason na hindi ka sapat sa kanya, mabubulag ka ng selos. Mabubulag ka ng galit. Mabubulag ka ng mga kasinungalingan. Simula't sapul pa lang ay madamot na ako. Oo, mayaman ako at kaya kong magbigay kahit magkano pero pagdating sa pagmamahal niya at atensiyon, gusto ko... AKIN lang lahat ng iyon dahil sakim ako. Pero sa kanya lang, kay Yume lang." --- sagot ko ng nakangiti ng mapait. Hindi rin nagpaawat ang taksil kong luha dahil tumakas pa rin sila at pinakita kung anong kahinaan ko. Pinakita nila kung anong makakapagpabagsak sa isang business tycoon. Pinakita nila na may darating sa buhay natin na mas mamahalin natin kaysa sa sarili natin.
"Mabuti naman kung ganoon. I'm happy that you've changed for the better." ---- tumahimik naman si Meg at wala ng sinabi. Habang si Keis ay pasimpleng sumulyap at binigyan ako ng thumbs up gamit ang kanang kamay niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa NAIA. Pumarada kami malapit sa labasan ng mga taong pauwi na at may mga dalang malalaking maleta. Mga taong hinihintay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ilang sandali pa ay namataan ko na ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Kasama niya ang dati kong matalik na kaibigan.
Sabi nila, don't forget your friends when you're in a relationship pero lahat kakalimutan ko pag inagaw na ang taong mahal ko.
Lalapit na sana kami nila Meg at Keis ng bigla silang dumugin ng media. Napasapo sa noo ang magkasintahang engage na kasama ko. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata ko silang tinignan.
"Yume is now a celebrity here in the Philippines. Kilala siyang model ng mga bigating brands sa ibang bansa from Victoria's Secret to Jimmy Choo. Name it. She is their #1 model kaya ganyan na lang siya sinalubong ng mga reporters."--- nanlulumong sagot ni Meg.
"Tsk. Ang talas ng mga pang-amoy ng mga taga-media. Living evidence sila ng katagang: may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Sucker." ---- iritadong litanya naman ni Keis.
Inis na dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at nag-dial. Ilang minuto pa at dumating na ang security team ko. Nilapitan nila ang mahal ko at ang 'kaibigan' ko para mailabas sila sa kumpulan. Malapit na sila sa pwesto namin ng magtama ang paningin naming dalawa.
Hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakakabakla.
She's home. She is MY home.
Ilang hakbang pa at mayayakap ko na muli siya pero parang tumigil ang mundo ko ng may batang humahangos sa paghabol sa dalawa sabay sigaw ng..
"Mommy!"
****
PS. YAY! It's Baby Jake na! Hihi. :"> sorry dahil mobile lang akes kaya di ko malagay yung picture but soon as I rented a PC, I'll post Baby J's photo. :*
VOTE. COMMENT. FAN
Twitter: @misskeemist
FB: Keem Delgado
Hashtag-SheIsHome ♡♥
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
