17: Heck, YES!

815 16 7
                                        

(Yume's POV)

It's Monday again, and this os the first time na papasok akong parang zombie. Bakit? Hindi ako makatulog dahil sa nakita last time sa restaurant. Yea. Nandun ako. I've seen it all, every little detail of my downfall. It wasn't the sweetest downfall of all. It's heartbreaking, nerve wrecking and breathtaking. Literal na breath taking dahil parang kinuha yung oxygen sa buong katawan ko. Hayy.

Wala na akong nagawa kundi umiyak that night. Masakit. Sobra. At ngayon, Lunes na ulit para ipakita sa akin ang walang kamatayang sweetness nila.

Pagkababa ko at sila kuya na lang ang nadatnan kong kumakain

"Mga gwago kong kuya, nasan sila Mama Bear, Papa Bear, Lolo Tanders and Lola Tanders? Bakit hindi pa sila sumabay sa atin mag-breakfast?" --- tanong ko sa mga gwapo at the same time gago kong mga kuya. Hahaha. :D

"Umalis sila papuntang Palawan to take a bakasyon grande. At iniwan na naman ikaw sa pangangalaga namin. Tumanggi na nga ako dahil ansakit mo sa kilay" ---- mapang-irap na sagot sa akin ni kuya James. Psh. If I know, OA lang yan sa pagka-protective at sa kasungitan niya dinadaan.

"Tigilan mo nga si Charm. Ang aga-aga, sinusungitan mo agad. Mahal mo naman. Hahaha" --- tatawa-tawang pahayag ng kakambal niyang si kuya Drale niya.

"Tumigil na kayo. Yume, maupo ka na at kumain ng almusal. Baka ma-late pa kayo" --- saad naman ng ever serious but sweet niyang kiya na si Mico.

Ano ba talagang tawag nila sa akin? Charm o Yume? Aish. No permanent nickname pag mahaba ang pangalan. Psh. Anyways, Kayo? Eh di ba daoat kami ang ibig sabihin ni kuya Mico?

"Kayo? Eh di ba tayo ang magkakasabay sa pagpunta ng university?" ---- takang tanong ko habang nasisimula ng kumain.

"May mga nagsundo sa'yo. Your true friends. Nasa may garden sila" --- sagot ni kuya Drake at tumayo na para mag-ayos.

"Ahh" --- yan na lang ang nasagot ko at tinuloy na ang pagkain.

Pagkatapos kong mag-almusal ay pumunta na ako sa garden at nadatnan ko ang barkada ko doon minus Shin. Hays. Malamang nagpapa-pogi pa yun. Bakit di na lang kasi ako? Dahil sa isiping iyon, napangiti ako ng mapakla.

"Hey, what's with yhe face beautiful?" --- tanong ni Drew na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Nothing" --- simoleng sagot ko at ngumiti ng tipid. Wala ako sa mood. Ewan ko ba kung bakit. Parang may magandang mangyayari eh.

"Bessy, Good morning! Tara na! *baling kay Keis* hoy Keis! tigilan mo na yqng pagsimot sa pinggan na yan. Wala ng laman oh." --- pagbati sa akin ni Meg at pagsaway naman niya kay Keis. Napatawa na lang ako at sila Drew ng mag-pout si Keis at nauna ng maglakad pero bago pa siya makalampas sa akin ay binati niya muna ako ng "Good morning" ng nakasimangot at magpatuloy na sa labas.

Nang makasakay kami ay dumoble ang kaba ko. Aish. Ano ba ito? Wala naman akong sakit pero bakit parang aatakahin ako sa puso and it didn't felt like I'm in love. Something was off. Very off.

Mabilis lang naman ang biyahe papauntang university at pagakababa namin ay bulungan na naman ang maririnig. Yung iba paghanga, yung iba panlalait at punong-puno ng insecurities at yung iba ay tahimik na lang na nagmamasid.

Nakarating na kami sa classroom pero wala si Shin. Hmmm. Lagi siyang maaga kumpara sa aming apat, what does keep him late? Baka yung Ira na naman na yun?

Pwede ba brain?! Shattap! Huhuhu. torture na torture ako sa puso pati ba naman si isip? Shete lang, Double Dead na ako nito.

Nakaupo na kami at nagkwekwentuhan ng dumating si Shin na mukhang masayang-masaya hanggang sa magkainitan sila ni Keis at kinailangan na talaga naming umawat. Hindi naman mainitin ang ulo ni Shin ha? Dahil ba sa kanya nagabago na agad siya? Grabe. Wala akong masabi sa Fast Love niya. Wala talaga. Kaya niyakap ko na lang siya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa but I feel like doing it and he calmed down so I let him go.

Dugdug.Dugdug.Dugdug

Huhuhubels na talaga! After effect ba ito?! Tama na, please!

Buti na lang at dumating yung teacher namin. Si teacher Hippo. Hahaha. Ang taba kasi eh pero wag ka, apelyido niya talaga yan. But anyways, nawaglit naman na sa aking yung mga pangyayari.

Vacant. Breaktime. Pumunta na kami sa Cafeteria at wala talagang nag-iimikan kaya we got odd stares. Paano ba kasi? Madalas kaming makulit at nagtatawanan pag magkakasama, ngayon naman nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa amin.

Pagkaupo ay umorder si Shin at Drew at naiwan kami nila Keis at Meg sa usual sit namin.

"Keis? Ayos ka lang ba?" --- nag-aalalang tanong ni Meg.

"Yeah. Maliit na putok sa labi lang naman ito. Gagamutin mo ba kaya ka nagtatanong kung okay lang ako?" --- nakangising balik sagot-tanong ni Keis kay Meg at namula naman ang bessy ko.

"Wag kayo dito maglambingan, loves. Maraming vacant room diyan" --- tukso ko sa kanilang dalawa at lalong namula ang bessy ko na parang mansanas habang nag-iwas ng tingin si Keis. Hahaha. Asar pala tong dlawang ito eh.

Hanggang sa nakabalik sula Drew at Shin at hindi pa din makatingin and dalawa sa akin. Napangiti na lang ako habang umiiling. Pagkatapos ng vacant ay classes na naman at parang hinhila ang araw ay dismissal na.

Nagmamadaling lumabas si Shin kaya sinundan namin at nasa gitna siya ng quadrangle ng maabutan namin pero hindi siya nag-iisa, kasama niya si Ira. Ang taong mahal niya.

Narinig namin ang pinag-usapan nila. Malinaw pa sa 20/20 vision ko ang convo nila.

"Ira Dream Gonzales. Alam kong parang mabilis pero hindi ko kayang maagaw ka pa sa akin ng iba. Ayokong mawala ka pa sa akin at sa mganagdaang araw ay mas lalo kong napatunayan kung gaano ka kahalaga sa akin. Cliché man ang mga linya ko pero ikaw ang kryptonite ko, ang araw na nagbibigay liwanag sa buwan at ang jasmine ni aladdin. Hindi man ako si Superman, hayaan mo naman akong maging YOUR MAN."

At may kinuhang gitara si Shin sa gilid niya. Dumami na rin ang estudyante at nanatili din akong nanunuod habang walang habas na tumulo ang luh mula sa aking mga mata. Nagsimula siyang tumugtog at kumanta... (Chorus part lang)

"If I could be a Superman
I'd fly you to the stars and back again


'Cause everytime you touch my hand You feel my powers running through your veins"

Those lines from the song... I wanted to hear it from him at ngayon, naririnig ko na pero hindi naman para sa akin.

"But I can only write this song and tell you that I'm not that strong


'Cause I'm no Superman
I hope you like me as I am"

Hindi naman kailangan na ikaw si Superman o maging si Batman pa yan. Kahit si Juan dela Cruz o Gagamboy ka man, basta ikaw yung lalaking mahal ko, Okay lang kaso hindi ako yung babaeng mahal mo eh. Kahit kailan.... Hindi ako magiging siya.

Tumalikod na ako at sa pagtalikod ko ay tatlong pares ng bisig ang yumakap sa akin at hindi ko na napigilang mag-breakdown. At sa mga katagang huling sinambit ni Shin, gumuho ang mundo ko, ang pinaniniwalaang Happy ending ko.

"Would you be my girlfriend?"

Puno na ng antisipasyon ang paligid dahil isa sa King nila ang magiging in a relationship na wag naman sana... Hanggang sa katagang binanggit ni Ira, tuluyan na akong nawalan ng pag-asa

"Heck, YES!"

Masayang nagtilian ang mga estudyante. Lahat sila kinikilig pero ako kumpara sa lahat ng iyon ay masasabing... "Jealous of the one who caught your heart"

MAHAL NA MAHAL KITA, C <////3

xx---

PLEASE READ, VOTE AND COMMENT.

THANKYYY LOVES! :***

Herz University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon