18: 12:51

751 12 21
                                        

Hello Dreamers. :) Yiz. May tawag na ako senyo. Sorry for the Late UD. Career muna. Hahaha. :D

A/N: Unedited. Mobile Watty. No specific dates for update.

---xx

(Third Person's POV)

Masakit di ba? Sobrang sakit ang makita ang mahal mo simula bata ka pa na masaya sa piling ng iba. Napapangiti hindi dahil sa ikaw ang rason kung hindi dahil wala ka doon. Ganyan. Ganyang-ganyan ang nararamdaman ni Yume ngayon. Isang huling sulyap sa pigura ng dalawang taong magkayakap at madayang masaya sa meron sila ngayon. Tumalikod na ang dalaga kasama ang PG's at tumungo na sa parking area ng Herz University upang umuwi na at makapagpahinga.

Habang patungong Parking area ay hindi nila alam na may dalawang pares ng mata na nakamatiyag sa kanila. Ang isa'y upang protektahan ang puso niya at ang isa naman ay para wasakin ang tinuring niyang puso.

"Bessy. Alam kong di ka okay. At sasabihin ko na sa'yo... Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Kay kuya Mico nga lang kasi punyeta yung dalawa mong kuya. Pasaway ang kambal na yun at baka puro kalokohan ang sabihin sa'yo" --- saad ni Meg to lighten up the painful atmosphere for a little bit.

"Ano ka ba naman, loves. Alam mo namang protective yung kambal na yun diyan sa Reyna natin eh kaya malamang bugbugin nila si Shin" --- Sabat naman ni Keis na siniko ni Meg at binatukan ni Drew dahil sa pagkabanggit sa pangalan ng taong dumudurog sa puso ng ating Boyish Queen ngayon.

Natawa ng mahina si Yume kahit masakit pa rin ang damdamin niya dahil sa inaakto ng mga kaibigan niya. 'Masarap talaga magkaroon ng mga tunay na kaibigan na dadamayan ka kahit sa kabila nun ay may mga problena din sila' banggit ni Yume sa isang bahagi ng isip niya.

"Tama na yan. Para namang bad word ang pangalan ni Shin niyan eh. Barkada tayo di ba? Kaya wag ganyan. Maging masaya na lang tayo para sa kanya, sa kanila" --- mapait na saad ni Yume sa mga kaibigan na may malungkot na ngiti na nakapaskil sa kanyang hilam na mukha.

Nakarating na sila sa kanya kanya.nilang sasakyan at nagpaalamanan pero bago pa makasakay si Drew ay hinila niya pabalik si Yume gamit ang isang kamay at hinalikan sa noo.

"I know that it fucking hurts and I won't say that everything's gonna be fine because you'll see the two of them together, every freaking day. I'm telling you, Stay strong Yume. Stay strong not to let him see what he lost but for yourself. I love you, always. See you tomorrow" --- sabi ni drew at binigyan ng isang reassuring smile at mahigpit na yakap ang dalaga bago sumakay at paharurutin ang sasakyan palabas ng University.

Pagkalabas ng kotseng minamaneho ni Yume sa campus ay bumuhos ang malakas na ulan. Oo. Tama kayo kung ang iniisip niyo ay nakikiramay ang panahon sa nararamdaman ni Yume ngayon. Bakit nga ba kasi nakaka-senti ang ulan? yan ang nasabi ni Yume habang nagmamaneho siya pauwi at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.

Pagkauwi niya dumiretso na siya sa taas ng biglang may malalakas na pwersa ang humatak sa kanya paharap at pumigil sa pagpasok sa kanyang kwarto. Ang kanyang tatlong mapagmahal na kuya.

"Oh? Bakit kuyas? :)" --- Yume said while putting her best fake smile.

"Anong bakit?! Bakit mugto ang mga mata mo Pangarap?! Sinong gago ang nagpaluha sa'yo?! Punyeta naman! Baldado yang sira ulong yan pag nalaman ko.kung sino yan!" --- singhal ng pinakamatanda sa kanyang mga kuya. Si kuya Drake.

"Fuck that Motherfucker! I'll beat the shit out of him!" --- singhal pa ng kambal netong si Kuya James. Mga galit na galit ang kuya ni Yume sa itsura ng kanilang kapatid.

"Calm down. We won't be able to know who to put in hell if you scared the shit out of Pangarap" --- Kalamado pero nakakatakot namang saad ng Kuya Mico niya. Hindi pa niya nakikitang ganito kagalit ang mga kuya niya.

Herz University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon