A/N: Unedited. Mobile Watty. Updates are not specified.
Enjoy Reading and Keep Voting! Thank You :">
---xx
(Unknown's POV)
I've always kept myself hidden dahil pag natagpuan nila ako at nalamang buhay they'll just drag me to do whatever they want in my wasted life.
Little did they know, I've already started. >:)
Mahal ko siya eh! Mahal na mahal but she chose to break my heart. I laughed humorlessly on that thought. I should be over her. I must stop thinking of her dahil nandito ako for my revenge. Not just sa kanya pero isama na din natin ang malandi kong kapatid.
Bata pa lang kami, I want her. I really want her. Pero iba ang nakita ng walang kwenta niyang puso at mata. She chose Chase over me. Mas pinili niya ang lalaking yun. Oh anong nangyari sa kanya? Luhaan siya ngayon. Tss. Kung ako sana ang pinili niya. Kung ako na lang sana.
Pero Hindi! Punyeta! Ginusto niya ang isang tao na mahalin ang babaeng nagngangalang Ira Dream Gonzales. Ang babaeng pangalan niya lang ang nakuha pero hindi ang totoo niyang pagkatao. I huffed. Tama lang sa kanya yan. Tsk.
Simula pa lang yan lahat ng sakit. Love will lead you back to... ME, YUME. *evil laugh*
(Third Person's POV)
The PG Barkada are all prepped up to go to school today. It's a Tuesday Morning. Everyone else is so Hyped up except for one person. We all know that.
All packed na ang Barkada at OTW (Hindi On The Water ha! Talagang On The Way) na si Keis papunta kay Meg because if you didn't know, KEIS IS OFFICIALLY COURTING YUME'S BESSY, MEG! YAY! SABOG CONFETTI, GRADUATE NA SIYA NA TORPE UNIVERSITY AT HINDI NA SIYA KASAPI NG SAWI = Single At Walang Imik pagdating sa buhay pag-ibig niya! :)
Samantala, kasasakay lang ni Drew ng kanyang sasakyan ng may magtext sa kanyang unknown number. The text says this:
'Stay by her side. Know your friends and Foes. Don't underestimate the Hoe. Or she'll end up feeling low' -AngelOfDream
'What the hell is this?!' He mentally cussed and uttered. Ano bang ibig sabihin ng riddle na ito? How can he stay by that someone's side when he doesn't even have a freaking clue kung sino yun. Habang nag-iisip siya ay ini-start niya na ang kotse at nagsimula ng magmaneho papunta sa Pangarap niya.
While driving, his phone beeped again. Indicating a text message.
'Kay Yume ka lang dumikit. Hihi. Sorry, nakalimutan kong banggitin kung sino ^___^v' -AngelOfDream
*screeeeeeeecccchhhh*
Napasapo siya ng noo at napahampas ng manibela. "Yung totoo? Grade school ba nagtext nito? Nakuha pang mag-warning eh palpak naman. Harujusko! Pasensiya po. Mahabang pasensya po ang kailangan ko." --- sambit ni Drew habang pinapaandar na ulit ang kotse.
Sa kabilang dako naman. Sa kahirian ng kalandian ay katatapos lang maligo ni Ira ng may bumusina sa labas at nakakita siya ng isang Black Ferrari Convertible. Naglaway siya ng makita ang sasakyan. Lalo na nung bumaba ang nagmamaneho nito. Shin.
"Unnie, maun na akong pumasok sa'yo. Ingat ka." --- pagputol ng nakababatang kapatid ni Ira sa pagpapantasya niya sa Adonis na nakikita niya.
"Istorbo lang kapatid? Hala sige, alis na. Mag-ingat ka" --- sabay gulo ni Ira sa buhok ng kapatid niya at tinulak pa sa pinto.
Napansin nitong huminto ang kapatid niya sa mismong gilid ni Shin at may sinabi at base sa ekspresyon ng mukha niya ay hindi ito kaaya-aya.
(Shin's POV)
Lumabas ang kapatid ni Dream sa bahay na tinutuluyan nila. Masaya ang ekspresyon ng mukha nito hanggang sa makita ako ay bigla na lang nag-iba ang kaninang cheerful niyang aura. Unti-unti itong lumapit sa akin hanggang sa makarating ito sa gilid ko.
"Sigurado ka ba sa ate ko? Kilalang kilala mo na ba siya o Pangalan lang ang alam mo sa kanya?" --- malamig niyang saad bago ako tapikin sa balikat at umalis. Anong ibig niyang sabihin? Na hindi si Ira ang Dream na hinahanap ko? Imposible!
Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng bigla na lang may humalik sa mga labi ko. Nagulat pa ako at naitulak siya ng bahagya.
"What?!" --- singhal ng mahal kong Dream sa akin. Aga-aga, napainit ko pa yung ulo.
Hinapit ko siya sa bewang at hinalikan sa labi. Ilang segundo din yun at ako na ang humiwalay.
"Pasensya na. May iniisip lang ako, babe. Tara na at baka ma-late pa tayo" -- sabi ko habang inaalalayan siya patungong passenger seat.
Ng okay na ay tumungo na kaming school dahil may sorpresa ako. IN LOVE EH! :"D
Pagdating namin sa may Parking Lot eh nagmadali akong lumabas at inalalayan sa pagbaba ang mahal ko.
Nakita kong nagtataka siya dahil ang buong parking lot ay nagmistulang isang malaking scrapbook ng mga mukha naming dalawa.
Mga nakasabit ito na parang banderitas at marami na din na estudyanteng tumitingin.
Ang mga litrato ay karamihang solo namin at yung iba ay kuha sa first date at Acquaintance party namin. Mula ng bata pa siya ako. Nagtataka nga ako ng wala akong nakitang picture naming dalawa ng bata pa siya. Kasi ang alam ko ay yung wacky shot namin 9 years ago ay nasa kanya pero hinayaan ko na lang yun.
Hawak-kamay naming nililibot ang Parking lot at bawat estudyanteng madadaanan namin ay may inaabot sa kanyang 'Love Notes' at lahat ay sulat kamay ko. Pagdating sa dulong picture kung saan magkayakap kami ay nandun si Lil Sis ko, si Yume na may hawak ng 'Love Jar' kung saan lahat ng love notes ko ay dun ilalagay ni Dream.
"Sana lagi na lang kayong Happy, walang Ending." --- mga katagang binitawan ng lil sis ko bago ibigay ang Love Jar kay Dream at umalis.
Aww. Nakita kong nagiging watery eyes na si Dream kaya naman niyakap ko na siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay kumalas siya at hinalikan ako ng buong puso sa labi sa harap ng buong student body. Sa gulat ko ay nakamulat pa din ako hanggang sa makita ko si Yume na nakatingin sa amin. At sa hindi ko malamang dahilan ay parang ayoko ng ng ginagawa ni Dream. Nakita ko din ang PG's kasama siya na puro naka-disgusted face.
Ibinalik ko ulet ang tingin ko kay Yume at parang minamartilyo ang puso ko ng may makita akong pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.
'Bakit Yume? Bakit ka nasasaktan?' --- mga kataang nasambit ko sa utak ko bago ako pumikit at magpatianod sa halik ng kasintahan ko.
(Unknown the Second's POV)
Akala mo ba hindi ko alam, Shin? Na tinulungan ka ni Yume sa plano mong pagpapasaya kay Ira?
Alam ko. Dahil narinig ko sa teammates ko na kausap ka niya kanina at nagpapatulong kaya kahit kulang na sa oras at nag-print siya ng pictures at humanap ng Jar for your sickening surprise.
Hanggang kailan mo siya pahihirapan, Kuya Chase? Hanggang kailan?
---xx
Uh-Oh. Dalawa ang Mysterious Persons natin. Who's who? Can you guess? :)
Vote. Comment. Be a Fan
Follow me on twitter loves:
@MissKeemist
Thank You! :* <3
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...
