(Jake's POV)
Herz University. Herz, a German word meaning 'heart'. Diyan nanggaling ang pangalan ng Unibersidad na pinasukan ko mula ng mag-preschool ako hanngang college. This University was and still known as a high-ranked school for all kinds of students. Marami ditong scholars, rich kids, and also celebrities. This school had produced thousands of successful businessmen, sought after celebrities, well-known politicians and even high-paid engineers, architects, doctors, and nurses. Name it, they have it.
It was indeed what you call quality not quantity education pero ang kulang sa paaralan na ito? Breeding. Oo nga't magagaling ang makukuha mo sa amin but frankly speaking, personality wise is deteriorating. Napaka-baba na ng moral ng ibang estudyante dito.
Alam naman natin na ang ibang tao ay kailangang kumapit sa patalim para lamang mabuhay. I do respect them pero may iba pang trabaho na pwedeng pasukan, itira mo naman ang dignidad mo or better yet, have self-respect for that matter.
Anak ng government officials na kasing corrupt ng mga magulang nila. They use power and authority to make students of average class be their slave.
Typical rich kids na ang alam lang ay waldasin ang pinaghihirapan ng mga magulang nilang pera para bumili ng iba't ibang sports car, mamahaling gadgets, make-ups, signature shoes and bags, pati nga ata underwear pinagyayabangan pa nila eh. Akala mo laging may labanan ng mga bagong gamit.
Kaya din nalugi ito 10 years ago dahil kahit ata school officials nahawaan ng pag-uugali ng mga estudyante dito.
But, I will never let that happen. Again.
Bilang bagong headmaster nila, sisiguraduhin kong magiging strikto ako sa pagpapalakad ng eskwelahang ito para hindi lang puro IQ, kailangan may EQ din.
Lahat sila ay iikot sa mga rules na gagawin ko. Iikot silang lahat sa palada ko.
Control Freak? Yes.
I'm Jake Kidd Clarke-Dionese, The Headmaster.
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...