Nothing can come between, You and I.
(Shin's POV)
I love the feel of her lips on mine. :')
Baka sabihin niyo namang madali akong mag-move on ha? O kaya ginagamit ko lang si Yume para makalimot agad?
Nagkakamali kayo, okay? Totoo yung nararamdaman ko para sa kanya. Paano ko nasabi? Dahil ng pumikit ako, mukha niya lang ang nakikita ko kahit halos ilang oras na siyang nakaalis.
Isa pa, idea lang na si baka si Ira yung Dream nung bata ako ang nag-attached sa akin sa babaeng yun. The idea made me fall, made me blind and made me realize that I'm throwing away the right one.
Ganito pala yung tunay na inlove! Yung para kang nasa cloud 9 kahit hindi ka pa naman niya sinasagot.
Yes, tinanong ko siya kung pwede ko siyang ligawan. Alam ko namang maling nakipagkompetensiya ako sa bestfriend ko kaso tinakasan na ata ako ng ulirat at katinuan ko kaya naitanong ko yun.
Actually, wala siyang masagot at iniwan niya akong walang sagot. Paano ba naman pagkatapos ng Kissing scene namin sa ilalim ng ulan at pagkatapos ko siyang tanungin, aba! Takbuhan daw ba ako? Looko yung lil sis ko na yun eh.
Pero may mga dapat pa pala akong hingan ng permiso. Ang parents ni Yume, ang mga barako niyang kuya na nakakatakot nga naman pag nagalit at ang bestfriend ko at bestfriend niya. Isama na din si Keis, hihingi ako ng mga ideas about sa mga iba pang paraan sa panliligaw.
Aba, mahirap na. Mas bibigyan ko ito ng effort kasi tunay ito. Kumbaga sa leather, authentic.
Nagpunta na ako ng C.R. at nagimula ng maligo dahil basang basa na ako ng ulan.
Baby Yume <3
***
(Yume's POV)
Kakauwi ko lang sa bahay, kakatapos ko lang makipag-usap kay Drew.
Grabe. Ano ba namang time of the month ito? Birthday ko ba at ang daming kakaibang surprises ang nangyayari?
Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko sila kuya na nakahalukipkip sa top ng stairs at masama ang aura.
Ugh. Patay. Bigla atang nag-lag ang utak ko kaya dahan dahan na akong umakyat. Talagang binagalan ko.
"Wow... Red carpet? Red carpet? Ninanamnam mo pa talaga ang pag-akyat, ano Charm?" --- sarcastic na sabi ni Kuya Drake. Oh noes... Eto na naman ang MIB ko. Ang Matanglawin Investigative Brothers.
Kalokohan nila at gumawa sila ng pangalan na kapag may gagawin silang pagtatanong sa akin eh yan ang tawag sa kanila.
Buti nga napasama nila si Kuya Mico sa kalokohan nilang kambal eh. He-he-he. Nakuha ko pa talaga magkwento kahit alam kong mamaya para na naman akong nakasalang sa isang Lie detector test.
"HURRY.THE.FVCK.UP.NOW" ---kuya Mico growled. Naku po! Talagang tinamaan ng magaling!
Nagmamadaling tinahak ko ang grand staircase namin at lumapit sa kanila.
"Bakit basang basa ka?" --- kuya James
"Bida ka ba sa basang sisiw na hindi na umeere ngayon at balak mong ipa-ere ulit?" ---- kuya Drake
"Kailan mo pa ginawang literal ang idiomatic expression na yun?" --- kuya James
"Baka kamo IDIOTatic expression ang ginawa ng prinsesa natin" ---- pairap pang sabi ni kuya Drake. Bading yata itong panganay namin eh, hilig umirap!
"Hindi ako Bading, Charm Yume Clark!" --- Aww. Napalakas ata ang panghuhusga ko sa kuya ko. Hihi. Peace brother.
"Peace daw, Drake" --- nakangising sabi ni kuya James. Ugh! Mind reader ba siya?!
"Hindi ako mind reader, ang lakas kaya ng pagkakasabi mo. Tsk. Malala ka na." --- sagot ni kuya James na naman sa utak ko. Napasimangot na lang ako at tumingin kay kuya Mico na para bang nag-aantay ng dagdag tanong niya bago ako sumagot. Mukhang nakuha niya naman kaya nagtanong na siya.
"Where have you been? Who are you with? What did you do? AT BAKIT PULANG PULA ANG LABI MO NA PARANG PINANGGIGILAN?!" ---- sigaw ni Kuya Mico. Hay salamat, natapos na rin. I'm bombarded with stupid questions. These three idiots. Psh. --____--
"First of all, I'm with Shin. Pinuntahan ko siya sa bahay nula. Probably, updated na kayo sa Senior Department ng Middle school dahil isa naman ako sa nasa S-section. Pangalawa, I talked to drew sa park and wala pala akong payong kaya basang basa ako ngayon which is not a re-run for another basang sisiw re-make. At kaya namumula ang lips ko na parang kinagat mg mapupulang langgam is because...ugh, a-ano kasi mga k-kuya..." --- naiilang akong tumingin sa kanila. Tss. Malalaman din kasi nila. May mga source itong mga ito.
"Ano?" --- tanong ni kuya Mico.
"Kiniss ako ni Shin!" --- sigaw na pinamumulahan ng mukha sabay takbo sa kwarto ko. Hinawi ko sila sa daraanan ko dahil nakanganga sila sa sinabi ko at nanlalaki pa ang mata.
pagka-lock ko ng pinto ay dun lang ata sila natauhan dahil sabay-sabay pa silang sumigaw.
"MAY PUMATOL SA'YO?!" --- ugh. Aasarin na naman nila ako. Hindi ko na sinagot at nagpunta na ng banyo para mkapag-anlaw.
***
(Shin's POV)
Ang sarap naman sa pakiramdam na tuyo na ako. Hahaha.
Ite-text ko muna si Mahal ko para naman makatulog ako ng maayos. Cheesy boy! :')
To: Baby <3
Still up, baby? :)
From: Baby <3
Yes. :) Para saan naman yang baby na yan. Ang baduy mo, Chase.
To: Baby <3
Baduy ba? :( Ayaw mo bang tawagin kitang baby? :'( Sige na nga. Wag na lang.
Oh hindi ba, nag-inarte ang lolo niyo. Tsk. Iba talaga nagagawa ng inlove.
From: Baby <3
Uy. Wag ka na malungkot. Sige, bahala ka na kung gusto mo akobg tawaging baby. Pero bakit ba kasi yun? Pwede namang Charm na lang.
To: Baby <3
Baby. Kasi gusto kitang alagaan. Gusto kitang protektahan hindi lang para maiwasang saktan ng iba kung hindi para maiwasan din kitang masaktan laban sa akin. Alam mo naman ang mga baby pag bagong panganak di ba? Hinahawakan mabuti. Pero kahit malaki ka na, Baby pa din kita. Goodnight, I love you.
Ang cheesy ko na talaga! Ibinato ko yung phone ko kasi kinikilig ako sa pinagta-type. Fvck. Bakla ko!
Pinatay ko na yung ilaw sa side table ko at natulog na ng may ngiti sa mukha. Baby, be in my dreams.
***
Yay! 2 chapters. Hihi. Thank you sa inyo. Love you, Herzians! <3
Follow me on twitter: @MissKeemist
![](https://img.wattpad.com/cover/12172453-288-k650048.jpg)
BINABASA MO ANG
Herz University (COMPLETED)
Genç KurguAnong gagawin mo kung ang babaeng pinapangarap mo ay nakilala mo lamang sa tawag na "DREAM"? hanggang PANAGINIP na nga lang ba ang pangarap mo? Hindi ka na ba magigising? Dahil baka bukas makalawa mabulag ka na lamang ng isang kasinungalingan at hi...