Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon. Mag-uumpisa na kasi akong magtrabaho sa bago kong amo. Nalulungkot ako na iwan si Jonas mag-isa rito na si Mama lang ang kasama.
“Tatawag na ba ako ng taxi, Ate?” tanong ni Jonas na bigla na lang sumulpot kung saan. Hay! Mamimiss ko talaga 'tong kapatid ko.
“Hindi na, Jonas. Masyadong mahal kapag nag-taxi ako. Pwede namang jeep lang ang sakyan ko.” sagot ko. Kailangan ko pang pagkasyahin 'yung pinahiram sa akin ni Manang Zeny na pera.
“Mag-ingat ka Ate, ha? Ako nang bahala kay Mama. Tawagan mo na lang kami rito kapag kailangan mo ng tulong.”
Mahina naman akong natawa sa sinabi niya. Pero sa totoo lang, gusto kong maiyak. Ngunit ang pag-iyak ay para lang sa mahina. Sa sitwasyon ko, kailangan kong maging matapang. “Baliw ka talaga! Dapat si Mama ang bahala sa'yo. At ikaw dapat ang tumawag sa akin kapag kailangan niyo ng tulong ko.”
Nagulat naman ako sa bigla niyang pagyakap sa akin.
“Mamimiss kita, Ate. Ingatan mo 'yung sarili mo ha? Basta kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral, ako naman ang magtatrabaho para sa atin. Magkakaroon ka na ng oras para gumawa ng sarili mong pamilya.” aniya. Mahina ko naman siyang nabatukan.
“Ikaw talaga! Alam mo namang wala akong panahon sa ganyan. Kayo muna bago ako.” baling ko sa kanya. Hindi ko pa naranasan pumasok sa isang relasyon. Magiging sagabal kasi 'yon sa plano ko sa buhay. “Sige na. Kailangan ko nang umalis. Tatawagan na lang kita palagi, Jonas. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha? Si Mama huwag mong pabayaan.” bilin ko pa.
“Oo, ate. Sige na, umalis ka na. Ako nang bahala rito sa bahay.”
“Aalis na ako. Ikaw nang bahala ha?”
Binibitbit ko na ang mga dalahin ko. Lumabas ako ng bahay na hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng mga chismosa naming kapitbahay. Bahala sila sa buhay nila. Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.
Sumakay ako ng jeep papunta sa lugar na binigay sa akin ni Manang Zeny. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung magiging mabuti ba sa akin ang bagong amo ko. Lalaki kasi 'yon at kung malaki siya magpasahod, baka alipinin ako nang sobra.
Bumaba ako sa jeep ng makarating ako sa village ng amo ko. Ang sabi ni Manang Zeny, bilangin ko ang pang limang bahay na madadaanan ko sa gawing kanan at doon na ang bahay na hinahanap ko.
Nang nasa tapat na ako ng pang limang bahay, halos matulala ako sa sobrang ganda nito. Kung humanga ako sa mga naunang bahay na nadaanan ko, mas humanga ako sa bahay na 'to.
Pinindot ko ang door bell ng dalawang beses. Maya-maya pa'y may lumabas na babae na nasa 60 na yata ang edad. Siya siguro si Manang Celia.
"Goodmorning, ho! Kayo ba si Manang Celia? Ako nga pala 'yung pinadala ni Manang Zeny na bagong magiging kasambahay dito sa inyo." bungad ko nang harapin ako ng babaeng may edad na.
"Oo, ako nga. Sige, pumasok ka na. Naghihintay na si Jin sa'yo sa loob."
Pumasok naman ako sa loob kung saan may nakatalikod na lalaki ang nakatayo. Siya na kaya ang boss ko? Likod pa lang pero ang ganda na ng hubog ng katawan.
"Goodmorning, Sir. Ako nga pala si Atasha, bagong kasambahay niyo." bati ko sa kanya.
"Huwag mo akong tatawaging Sir. Boss ang itawag mo sa akin. At ngayong nandito ka na, susundin mo ang sampung utos ko sa'yo. Wala nang atrasan, alipin na kita." aniya pagkatapos ay tinalikuran na ako.
Weird. Hindi man lang humarap sa akin. Kung ano man 'yung utos niya, sosobrahan ko pa sa nais niya. Ang mahalaga, pasahurin niya ako ng tama.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
General FictionHighest Rank: #1 in General Fiction